bc

Undefined Feeling

book_age12+
16
FOLLOW
1K
READ
friends to lovers
sweet
lighthearted
city
like
intro-logo
Blurb

This is a story of a girl named Minnie who is confused by the act of her one of her friends who told her, she is just a "Baby Sister" but why is she confused? Try to find out the story of this teen age girl.

chap-preview
Free preview
Chapter One
Minnie's POV Nasa galaan na naman kami ng barkadahan. Sa EK lang naman :) Magkakasama na naman ang M.E.A.N Girls. M for Minnie, at ako yun! E for Elijah, A for Aaliyah and N for Nancy. Nahila na naman nila ako eh! Imbis na nagbabasa lang ako ng libro sa bahay at kumakain. Nandito ako sa Enchanted Kingdom at sinasakyan ang mga kalokohan nitong mga toh. "Uy! Sakay tayo ng Anchors Away!" pag aaya samin ni Elijah. Haaay, sila lang naman ang gusto dito eh! Ano ba yan! Kating-kati na kong umuwi eh. "Tara!" hinawakan ako ni Nancy at Elijah sa braso at hinigit ako sa pipilahan namin, si Aaliyah naman nakisunod na lang din. Kaya naman wala na kong nagawa kundi ang sumunod sa kalokohan nila. Ako nga pala si Minnie Cruz, 17 years of age. Sophomore ECE student. Broken family ako, may ibang asawa na kasi si Papa at kami na lang ni Mama ang magkasama. Isa lang ako na anak nila. Hmm, nasayaw din ako sa church namin at may 3 akong baliw na kaibigan. Si Elijah, Aaliyah at Nancy. At isama mo pa ang 3 ko din na matalik na kaibigan. Si Luke, Edward at James. Si Luke at James ang lagi kong kasama. Napagkakamalan na nga na boyfriend ko sila eh! Hahaha :D Pero keri lang naman. Ang close kasi namin eh. "Yey! Tayo na ang sasakay" tili ni Nancy. Hinigit nila ako at pilit na pinasakay dun sa malaking bangka na yun. Jusko! Sana naman ay hindi pa ako nito mamatay. Sumakay na kaming apat at nagsimula nang dumuyan yung malaking bangka na yun. Sa una, okay lang. Pero habang tumatagal nakakakaba na at hindi ko na napigilan ang hindi tumili. Yung tatlo naman na katabi ko mga walang hiya! Tinatawanan pa ko. Tss. Makaraan ang ilang minuto ay tumigil na din yun. Madami kaming sinakyan pa! Andyan na lang ang bwisit na EKstreme Tower na halos maiwan na ang kaluluwa ko sa taas. Si Nancy ang kasama ko dahil ayaw nung dalawa. Eh ako? Sadyang mayabang lang talaga ako at sumakay din. Para pa kong tanga na sumigaw ng 'Matapang ako!' sabay tili ng malakas XD Sumakay din kami sa Rio Grande Rapids, akalain nyo yun. Nakailang ulit na kami dun at basang basa na kami sabay biglang sakay ng ferris wheel? Putcha! Ang lamig naman eh! Mga walang hiya talaga ang mga kaibigan ko eh! Tss. Bigla na lang nagring ang phone ko at pagtingin ko kaninong number yung nasa screen. Agad akong napangiti .. It's him. From: Luke<3 Bunso, uwi ka agad huh? Di ka man lang nagpaalam sakin eh! Maigi pa kay James nagpaalam ka. Pero okay lang, enjoy ka dyan huh? Iloveyou ;* Hmm, nabasa nyo yun? Iloveyou daw? Alam ko naman na may crush sya sakin eh! Pero parang hindi padin ako naniniwala sa kanya kasi naman. Aish! Basta, parang may doubt parin ako eh. Hindi ko pinahalata sa kasama ko yung kilig ko kaya naman idinaan ko na lang sa pagsselfie, kahit na giniginaw na ko. To: Luke<3 Oww, sorry Kuya. I dont mean it. Alam ko naman kasi na magagalit ka eh! Gabi na din kasi at alam kong hindi mo ko papayagan kung magpapaalam pa ko sayo. Sorry po :< Galit kaba sakin? From: Luke<3 Nope, basta umuwi agad huh? Magagalit ako sayo pag hindi ka umuwi agad! Okay? :) To: Luke<3 Yeah, I will! Later na tayo text Kuya. Pashutdown na din kasi ang phone ko eh. Babye! Iloveyou more ;* And that's it! Hindi naman kami at walang kami kasi nga ang tingin nya sakin ay isang hamak na kapatid lang. Pero ewan ko ba! Gustong gusto kong iwasan tong nararamdaman ko pero hindi ko kaya eh! Para kasing napakaimposible! Tss, sheez! Ang isang Minnie! Hindi dapat nagkakaganito. Kilala ako sa pagiging Play Girl tapos ganito? Nagpapakatanga ako sa lalaking hindi ko naman alam kung ano ako sa buhay nya? Tss. Natapos na ang pag ikot ng ferris wheel at ayun! Tuyong-tuyo na ang mga damit naming suot. Pero pinahiram padin nila ako ng damit. Wala kasi akong nadala eh! Si Elijah ang nagpahiram ng damit sakin kasi sya ang may extra na dala. Ayaw kasi nila akong umuwi nang basang basa kaya naman pinagpalit nila ako ng pantaas at binigyan din ako nung nakasabay namin sa Rio Grande Rapids ng napkin. Pano ba naman! Meron akong dalaw. Crap! "Mamimiss ka namin! Kita kita na lang tayo ulit huh? Babye" sabay yakap sakin ni Aaliyah "Oo nga! Ingat ka sa pag uwi huh? Mamimiss kita. Yang damit ko! Ibalik mo" sabi naman ni Elijah kaya naman natawa ako "Ingat ka Minnie!" sabay yakap sakin ni Nancy "Mamimiss ko din kayo! Sana magkabonding ulit tayo sa susunod" sabi ko sa kanilang lahat at niyakap ko na sila. Haaay, hirap magpaalam sa kanila eh! Nasa byahe na ko pauwi at katext ko padin si Luke. Ewan ko ba! Pero kinikilig ako. Hmm, nauso na yata sakin yung word na 'KILIG' mga .. Ngayon lang! Ngayon lang nauso sakin. "Hi Ma! Nandito na ko" sabi ko kay Mama na busy sa panonood ng tv "Oh, kamusta ang gala nyo nila Nancy?" "Ayos naman po. Kumain na po ba kayo?" tanong ko kay Mama habang nagpapalit ng short at nagtatanggal ng sapatos ko na sobrang basa "Hindi pa, hinihintay kita eh!" "Ah ganon po? Tara na at kumain" Naghanda na ko ng pagkain at sabay kaming kumain ni Mama, lagi namang ganito ang scene sa bahay eh! Kasi kaming dalawa lang naman ang nasa bahay. Nagkwentuhan sandali at natulog na kami. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.9K
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
78.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.2K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Daddy Granpa

read
283.2K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook