Chapter Two

1584 Words
(Minnie’s POV) Early in the morning ng gisingin ako ni Mama. May pupuntahan daw kami? Hmm, san naman kaya ako dadalhin ni Mama? "Fix yourself anak" utos ni Mama sakin, hindi pa kasi ako bumabangon sa kama eh! Tss, kainis! 7am palang kaya! Tapos pinag aayos na agad ako? "Where are we going Mama?" "Basta, mag ayos ka na lang Minnie. At mamaya ko na lang ipapaliwag sayo, okay?" "Okay po Ma" Ano pa bang magagawa ko? Edi ang sumunod kay Mama. Hmm, san naman kaya ako hihilahin nito? Pumunta ako sa closet ko at namili ng damit na susuotin ko. Simpleng white tshirt lang na may simple design ang kinuha ko, isang black pants at high heels. Pumunta na ko sa banyo at nagsimula nang buksan ang shower, syempre! Ang laging gawain ko habang naliligo .. ~At the top of my lunnngggsss!! I'm giving it baaaaacckk~ Hindi kaba makarelate? Bridge lang yan ng Only Hope :D Pagkatapos ng birit portion ko sa banyo, sinuot ko na yung mga dapat kong suotin at dinampot ko na yung phone ko na nakapatong sa unan ko. From: James Morning Minnie Mouse XD From: Edward Good Morning :) From: Luke<3 Hi Bunso! Wake up! At wag ka nang humilata dyan sa higaan mo ;* Yieee, ang ssweet naman nila sakin :) Pero bat ganon? Yung message ni Kuya Luke lang ang nagpaganda ng araw ko? Hehehe :D Eh sa yun ang katotohanan eh! Enebe! :3 To: James Morning din Santiago XD Hahaha, bleehh :P Nagets nyo ba kung bakit ko sya tinawag na Santiago? Yan kasi ang tagalog ng James eh :) To: Edward Good Morning din ;) To: Luke<3 Yow Kuya. I'm awake :) Text you later, okay? I'm on date with my mom. Pagkareply ko sa kanila, di ko na ulit tinignan pa ang phone ko at sinet ko sa silent mode. Makikinig na lang muna ako ng music ni Taylor Swift <3 "Mama, pwede mo na bang sabihin sakin kung saan tayo pupunta?" tanong ko kay Mama, nandito na kami sa kotse at nagmamaneho na sya "Pupunta tayo ng mall" "Anong gagawin natin dun? Mamimili na naman ng damit?" "Hindi ah! Maglalaro tayong dalawa sa Quantum tsaka magffood trip tayo" Hahaha XD Ano na naman kaya ang naisipan ni Mama at inaya ako? Hmm. "Eh? Seryoso ka dyan Ma?" "Bakit? Ayaw mo ba?" "Gusto! Tara!" Hindi ko talaga malaman kung ano ang trip ni Mama ngayon eh! XD Pero ang alam ko lang ay mag eenjoy ako, kailangan ko munang mag enjoy para naman makalimutan ko ang mga nasa utak ko. Lalo na si Kuya Luke .. Alam ko kasing mali talaga eh! Tsk. "Nak, paunahan tayong makakuha ng stuffed toy sa toy catcher. Ano? Game?" "Tss, game! Para namang mananalo ka sakin, Ma" Pumunta kaming dalawa dun sa counter at pinapalitan ang mga paper bills naming ng token. At pagpihit ko, may isang pamilyar na mukha akong nakita. "Bunso, bakit nandito ka? Who's with you?" "I'm with my Mom, kuya Luke" Tama kayo nang narinig! Si Kuya Luke nga ang nakita ko dito, kasama si Edward. "Nandito si Tita?" singit ni Edward "Ayan oh! Katabi ko lang" sabay turo ko kay Mama na nasa tabi ko lang "Oh Hi! Nandito pala kayo" bati ni Mama dun sa dalawa "Hahaha, ikaw pala yan tita! Hindi ko po kasi kayo nakilala eh! Akala po namin, pinsan ni Minnie ang kasama nya" pambobola ni Edward kay Mama. Hahahaha :D Lakas talaga nitong mambola eh! "Gusto ko yan Edward! At dahil dyan, ililibre ko kayo mamaya. Pero bago yan, anong ginagawa nyo dito?" tanong ni Mama "Nagpapahangin lang kami Tita. Kabored kasi sa bahay eh! Kayo po? Bonding lang?" tanong ni kuya Luke "Yup! Bonding lang kami ni Mama, sama kayo?" aya ko sa kanila. Ngumiti lang sila, so it means .. Oo ang sagot nila :) After naming magpapalit ng paper bills, pumunta na kami dun sa toy catcher. Si Mama at si Edward ang magpartner, sila kasi talaga ang magkavibes. Tapos kami ni Kuya Luke. Ehem! Pumunta na kami ni Kuya Luke sa isa sa may toy catcher at hinulog yung mga token namin. "Sino ang mauuna satin?" tanong nya sakin "Ikaw na muna kuya" "Okay" Nagconcentrate sya dun sa pagkuha ng stuffed toys, ang cute nya talaga. Haaay, nako! Ano ka ba naman Minnie! Ayan ka na naman sa kahibangan mo eh. "Ikaw na!" sabi sakin ni Kuya Luke, nginitian ko lang sya at nagtry na makakuha ng toys. After one decade, natapos kami at nakakuha kami ni Kuya Luke ng 3 stuffed toy na stitch :) Si Mama at Edward naman ay nakakuha ng 2 na stuffed toy na parang hugis saging. "Nakakapagod pala yun" sabi ni Mama "Tara kain na tayo!" "Yey! Pagkain na!" sigaw ni Edward kaya naman natawa kami. Magkasabay si Mama at Edward sa paglalakad at nagkkwentuhan pa. Si Kuya Luke at ako na naman ang magkasama. Lord! Bakit ba ang bait mo sakin? "Lalim ng iniisip mo bunso. Ano yan? O sino yan? Dapat ako lang yan huh?" sabi nya sakin "Hahaha. Loko ka!" Eh, ikaw lang naman ang nasa isip ko eh "Wala naman toh Kuya" "Bunso, anong tingin mo sakin?" seryoso nyang tanong "Huh? Bakit mo naman natanong yan?" "Sagutin mo na lang" "Ayaw! Tigilan mo na ang pagtatanong sakin nyan. Hindi nakakatuwa" pagmamaldita ko sa kanya "Bakit naman?" "Isa! Ayoko nang pinag-uusapan ang tungkol dyan" "Bakit ayaw mong sabihin?" Paano ko sasabihin? Eh alam ko naman na i-rereject mo lang ako "Tss. Ikaw nga! Ano?" "Ikaw? Hmm, para akong may baby sister gawa mo. Ang cute at ang kulit-kulit mo kasi eh" sabi nya sakin at pinat pa ang ulo ko. See? Ayan ang sinasabi kong rejection. Yung mahal ko sya pero sya .. Nakababatang kapatid lang ang turing nya sakin. "Ahh. I see" Yun lang yung lumabas sa bibig ko "Ikaw?" "Parang kuya kita" "Alam ko" nakangiti nyang sabi "Oh alam mo naman pala eh! Bakit ka pa nagtatanong?" "Wala naman. Naitanong ko lang sayo" Mahal kita Kuya Luke, kaso hindi naman kasi ganon ang nararamdaman mo sakin eh! Kasi alam ko na hinihintay mo pa rin si Wynwyn. (Ate Ice's Note: Sinabi sakin ni Minnie yung name nung lalaki kaya naman kinausap ko din yung lalaki about dun sa tingin nya kay Minnie kaya naman nalaman ko din ang side nya. And here it goes ..) (Luke's POV) Hindi ko maamin kay Minnie na gustong-gusto ko sya kasi naman may boyfriend sya eh! Ex-boyfriend to be exact pero ang sabi kasi ng Ex nya magbabalikan pa daw sila eh. Yung tipong maghihintayan pa daw daw sila? Pag umamin ako kay Minnie, anong labas ko nun? Tsaka baka kasi mareject nya ko eh. Ayoko kasing magmukhang desperado. Miss Glai, ano po bang gagawin ko? Iniisip nya din kasi na nagbibiro lang ako nung sinabi ko sa kanya na gusto ko sya eh! Kasi may issue pa din ko kasi ako eh. May babae din po kasi akong nililigawan pero tinigil ko na po yun at nagkasundo na po kami nung girl na wala nang ligawan na mangyayari. Pero pinipilit po ni Minnie na may gusto pa po sakin si ***** kaya naman po ayaw nya pong maniwala sakin at sinasabi nya din po na may feelings pa ko dun. Eh, wala na naman po. Haaay, nakakainis po. Kasi lahat ng sinasabi ko parang puro kasinungalingan lang eh! Sabi nya pa po, paano daw po sya maniniwala kung hindi ako gumagawa ng effort? Eh hindi nga po ako makagawa ng effort kasi baka barahin nya na naman po ako eh. --Message sakin ni **** yan :) Medyo in-edit ko na kasi magulo ang pagkkakwento nya sakin pero naintindihan ko naman. Lumipas ang araw na magkakasama kami nila Minnie at kumain lang kami ng kumain. Hindi ko pa din maalis ang tingin ko kay Minnie. Totoo kaya yung sinabi nya sakin? Na kuya lang ang tingin nya sakin at hindi na hihigit pa dun? "Uwi na kami Luke, Edward. Ingat kayo sa pag-uwi huh?" sabi ni Tita samin "Sige po. Ingat na lang po kayo sa pag-uwi" sabi ko sa kanila ni Minnie "Babye Edward!" sabi ni Minnie at yumakap kay Edward "Babye Kuya Luke" niyakap nya din ako at kiniss ko naman sya sa noo "Oh dyan na kayo huh? Mag-ingat huh? Diretcho uwi na at wag na kayong maglagalag dahil gabi na din" sabi ni Tita at umalis na sila. Nagcommute lang kami ni Edward pauwi, magkalapit lang naman kami ng bahay eh. Hanggang sa pag-uwi ko sa bahay dala-dala ko padin yung kanina pang gumugulo sa isip ko eh. "Luke! Ano ba! Tigilan mo na nga ang pag-iisip sa babaeng ang tingin lang naman sayo ay Kuya. Hindi magiging kayo nun. Ano kaba!" sabi ko sa sarili ko sabay pukpok sa ulo ko. Para na kong mababaliw nito! Bigla kong naalala ang phone ko, alam kong gising pa ng ganitong oras si Minnie. Tinext ko sya na tumawag sakin at maya-maya ay nagring na nga ang phone ko. "Hello?" sabi ng nasa kabilang linya "Hi Minnie, gising ka pa pala?" "Hahaha, alam mo naman ako! Bampira yata akom hindi natutulog. Bakit mo pala ako pinatawag?" tanong nya sakin "Wala naman. Gusto ko lang ng may kausap at alam ko naman kasi na gising ka pa eh!" "Kilala mo talaga ako eh! Kkwentuhan na lang kita ng mga kalokohan ko nung bata pa ko" sabi nya sakin at nagsimula na syang magkwento.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD