Chapter Three

1405 Words
(Luke's POV) Gustong-guto ko talaga na naririnig yung boses nya eh. Parang music sa tenga ko. Hindi ako nagsasawang kausap sya kahit na parang pauli-ulit na lang yung pinag-uusapan naming dalawa. "Kantahan kita gusto mo?" tanong ko sa kanya pero hindi sya sumasagot "Uy Minnie, wag mo kong tulugan" "Ay! Sorry, nagttimpla kasi ako ng kape eh! Binitawan ko muna sandali ang phone ko" sabi nya na nasa kabilang linya padin "Ano nga yung sinabi mo?" "Sabi ko, kakantahan kita" "Sige lang. Makikinig ako" Nag-isip ako ng kakantahin at nagsearch muna ng lyrics. Baka kasi mapahiya ako pag mali-mali ang lyrics ng kanta ko eh. Kinuha ko ang gitara ko na nasa may kwarto ko at sinimulan nang tumugtog. ♥I look at her and have to smile, As we go driving for a while, Her hair blowing in the open window of my car, And as we go I see the lights, Watch them glimmer in her eyes, In the darkness of the evening♥ Tumigil ako bago magchorus kaya naman bigla syang nagsalita "Oh, bakit ka huminto?" taka nyang tanong sakin "Gusto ko sabayan mo ko sa pagkanta. Gusto kong marinig ang boses mo" "Hahaha, sige na nga!" ♥And I've got all that I need, Right here in the passenger seat, Oh and I can't keep my eyes on the road, Knowing that she's inches from me♥ "Iloveyou Minnie" hindi ko alam pero bigla na lang kumawala ang mga salitang yun sa mga bibig ko "Iloveyou din Kuya Luke" sagot nya sakin "Pero, layuan mo na ko" dagdag nya "Layuan? Bakit mo ko pinapalayo?" tanong ko sa kanya "Ayokong masaktan. Ayokong mareject at ayokong mapaglaruan" "Do I look like I'm playing?" "Nope, pero kung gusto mo ng mapagttripan. Wag ako. Kasi ayokong masaktan" "Hindi ko naman gagawin sayo yun eh! Bakit ba hindi ka naniniwala na gusto kita?" "Kasi alam kong hindi naman totoo eh! Alam ko na bored ka lang kaya mo nasasabi yan" sabi nya at naririnig ko na din ang mga hikbi nya. Umiiyak ba sya? "Umiiyak kaba Minnie?" "Nope. Hindi ako umiiyak, sige! Babye na" Bigla nyang pinutol ang pag-uusap namin at nagtry ako na tumawag pero hindi nya sinasagot. Crap! Anong gagawin ko? May nasabi ba kong mali sa kanya? Layuan? Hindi ko kayang layuan sya. (Minnie's POV) "Iloveyou Minnie" Nagulat ako ng sabihin nya ang mga salitang yan. Kasi alam ko naman na kasinungalingan lang yan eh. Hindi ko alam kung matutuwa ba ko o maiiyak? "Iloveyou din Kuya Luke" sinagot ko na lang at may sinabi pa ko "Pero, layuan mo na ko" Feeling ko anytime tutulo na ang luha ko sa mga mata ko. "Layuan? Bakit mo ko pinapalayo?" "Ayokong masaktan. Ayokong mareject at ayokong mapaglaruan" "Do I look like I'm playing?" "Nope, pero kung gusto mo ng mapagttripan. Wag ako. Kasi ayokong masaktan" "Hindi ko naman gagawin sayo yun eh! Bakit ba hindi ka naniniwala na gusto kita?" Kasi sinabi mo na Baby Sister mo lang ako. Binigyan mo na ko ng reason para hindi na maniwala sa sinasabi mo "Kasi alam kong hindi naman totoo eh! Alam ko na bored ka lang kaya mo nasasabi yan" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at lumabas na ang hikbi na kanina ko pa pinipigilan na pakawalan "Umiiyak kaba Minnie?" nag-aalala nyang tanong "Nope. Hindi ako umiiyak, sige! Babye na" in-end ko kaagad ang call at dumapa sa kama ko, yakap-yakap ang teddy bear ko. "Tanga! Ang tanga mo Minnie! Hindi mo sya dapat iniiyakan eh! Abnormal ka ba? Alam mo sa sarili mo na hindi ka nya magugustuhan. Wag kang mafall sa kanya! Kasi mali! Maling-mali yun!" Para akong tanga na pinagsasabihan ang sarili ko. Kahit na anong mangyari, hinding-hindi ako aamin sa kanya. Dinial ko ang number ni Edward. Nakailang ring din bago nya sagutin "Anong oras na Minnie at gising kapa?" sabi ni Edward na halatang nagising ko "Gusto kitang makausap Edward, please?" hikbi kong sabi "Umiiyak kaba?" "Yes, pero wag kang maingay kahit kanino huh?" "Sige, pero bakit ka naman umiiyak?" "It's because of him" "Him? Sinong him?" "Luke" bigla syang natigilan nang sabihin ko ang pangalan ni Luke. Haaay, wala kasi syang alam eh! Wala silang alam. "What about him?" tanong nya "Mahal ko na sya Ed! Mahal ko na sya" sabi ko tsaka umiyak sa kanya "Sinasabi ko na nga ba eh! Minnie, hindi pwede" "Alam ko! Alam na alam ko. Maliwanag sakin na hindi pwede tong nararamdaman ko" "Oh anong sabi nya?" "Wala akong sinasabi sa kanya Ed. Pero parang nagpahiwatig din ako sa kanya. Ang sabi nya sakin gustong-gusto nya daw ako. Ano sa tingin mo?" tanong ko sa kanya "Ssshh, tumahan kana muna. Minnie, makinig ka sakin huh? Tigilan mo na yan! Wag kang maniwala sa kanya. Kilala ko sya, hanggang ngayon hinihintay nya pa rin si Wynwyn. Mahal kita, kaya bilang kaibigan mo. Ayokong masaktan ka, at ayokong mapaglaruan ka nya. Parang awa mo na Minnie. Pigilan mo yang nararamdaman mo" "Hindi ko alam. Hindi ko kaya" "Please? Pigilan mo, hangga't kaya mo. Nandito lang ako" "Salamat Ed. Sige, ittry ko" "Wag mong i-try. Gawin mo ang sinabi ko. Para din sayo yun at ayokong makikita kang iiyak nang dahil sa mga lalaki. Okay?" "Opo. Thankyou ng madaming-madami Ed! Ikaw lang talaga ang masshare-an ko ng about sa ganito eh! Kasi alam kong ikaw lang naman ang makikinig sakin eh! At ikaw lang ang makakaintindi sakin" "Palagi lang naman akong nandito eh! Sige na at matulog kana. Kita na lang tayo bukas, okay?" "Okay. Bigyan mo ko ng powerhug bukas huh?" "Sure! Sige, goodnight Minnie!" "Goodnight din Edward" Medyo gumaan na ang pakiramdam ko nang marinig ko ang side ni Edward. Haaay, sya talaga ang bestfriend ko na mapagkakatiwalaan ko eh! At alam ko na sya ang makakatulong sakin sa problema ko na toh. Humiga ako sa kama ko yakap-yakap ang teddy bear ko at ipinikit na ang mga mata ko. ---- Tanghali na kong nagising. Paano ba naman, anong oras na din akong nakatulog kagabi este kaninang madaling araw XD "Kain kana dyan Minnie, papasok na ko sa work ko" sabi ni Mama sakin at hinalikan ako sa pisngi "Ma, mag-iwan ka pala dyan ng pera. Magkikita-kita kami nila Edward" "Ano na namang oras ang uwi mo nyan?" tanong nya sakin habang nakapameywang pa "Baka po gabihin ako. Pero ihahatid naman po ako nung dalawa eh!" "Make sure huh? Sige, at baka gabihin din ako mamaya" sabi nya at nag-iwan sakin ng pera "Alis na ko" "Ingat ka po Ma!" Feeling ko ang bigat ng pakiramdam ko. Parang may lagnat ako. Aish! Ayoko pa naman ng nagkakalagnat. Kinuha ko yung thermometer na nasa taas ng cabinet ko at inipit sa kili-kili ko. -_________-" 39.3? Kaya naman pala sobrang sakit ng ulo ko eh. Inaapoy ako ng lagnat. Eh bakit hindi man lang naramdaman ni Mama kanina yun nung halikan nya ko sa pisngi? Ano yun, manhid na? Parang ako? Manhid na? Tss. From: Edward Good Morning Minnie! Kamusta tulog mo? Kamusta ba ang tulog ko? Eto ayos lang naman. Inaapoy lang naman ako ng lagnat! Tapos parang may mga tangang nagpupukpok sa ulo ko. Parang binabarena sa sobrang sakit. Ayun ba ang sasabihin ko sa kanya? To: Edward Ayos lang naman, ikaw? From: Edward Maayos din naman. Kita na lang tayo mamaya huh? Babye :) To: Edward Sige. Babye :) Ingat ka dyan. Nagtimpla ako ng kape dun sa pinakamalaking mug ko. Yung pangtatluhang mug ang laki? Dun ako nagtimpla ng kape. Para naman mabawasan ang sakit ng ulo ko. Hahaha, parang hang-over lang eh. Aish! Sakit talaga ng ulo ko. From: James Minnie Mouse, sasama ako mamaya kila Edward. See you later! :) Sasama si James? Haha, aasarin na naman ako nyan mamaya. Mabait naman sya eh! Kaso minsan ko lang sya makausap. Mas close ko kasi si Edward at Luke eh. To: James Sige! Kwentuhan tayo mamaya huh? See you later :) From: Luke<3 Morning Princess! :* Ayan na naman sya. Parang walang nangyari samin ah! Haaay, ang galing nya talagang magtago eh. To: Luke<3 Morning din po! Ayan lang ang tinext ko sa kanya. Nagreply pa sya pero hindi ko na pinansin pa. Masakit kasi ang ulo ko. After kong magtimpla ng kape. Pumunta ako sa sala para manood ng cartoons kaso bago pa ko makakilos napansin ko yung upuan namin sa dining room. Sheez! Ano ba naman toh! Bakit ngayon pa? :'<
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD