Chapter Fourteen

1206 Words
(Minnie's POV) At dahil wala naman akong pasok. Nakahilata parin ako hanggang ngayon sa kama ko. Si mama naman, lumayas na kanina pang madaling araw. Ang dami daw kasing aasikasuhin, kaya naman alone na naman ang tema ko dito sa bahay ko. Haaay, napagod ako kahapon. Kung saan-saan ba naman kasi ako hinigit nung dalawa. Puro window shopping lang naman ang ginawa namin, tapos foodtrip na din. Sagot nilang dalawa. Hahaha :D Ako? Tagakain at tagatawa lang nila. Biglang nagring ang phone ko kaya naman bumangon ako para hanapin yun. "Hello? Ang aga aga nang-iistorbo ka" sabi ko sa kausap ko sa phone ko "Punta ka kay Mcdo. Magdadate tayo" "Ha? Pero hindi kasi--" Okay? Binabaan ako. Bastos. Argh! Ano naman kayang trip ni Ed? Magdadate daw kami? Sa Mcdo? Teka, saang Mcdo? Eh ang daming branch ng Mcdo sa buong bansa. Nagvibrate ang phone ko at binuksan ko ang message ni Ed "Sa Mcdo kung saan tayo laging nagkikita. 1pm sharp" Maaga pa naman eh! May apat na oras pa ko para mag-ayos ng sarili ko. Tsaka magtetext pa ko kay mama para magpaalam na lalabas kami ni Ed. Wait! Kami lang ni Ed ang lalabas? Oh well, baka naman friendly date lang ang gagawin namin. Di naman masama eh! Dahil matagal na din naman kaming magkaibigan. Naglinis ako ng buong bahay at tinupi ang lahat ng damit namin ni mama. Ayoko kasing umalis ng bahay ng walang gagawin eh. Isa pa, kami lang ni mama ang nasa bahay. Kaya naman, hindi ko na dapat iasa pa kay mama ang mga gawaing bahay na kaya ko naman. Napapagod din naman kasi sya sa trabaho. Ayokong mapagod pa sya pagdating sa bahay. This is it! Hmm, ano kayang magandang suotin? Eto kayang pink na dress o itong white and black na dress? Hmm, magddress ba ko o magjjeans na lang? Grr, pag nagdress kasi ako. Parang ang corny naman kasi. Makapagjeans na nga lang. Cool naman tignan yun eh. Black jeans, gray tshirt at black sneakers lang. Ilulugay ko na lang ang buhok ko at lalagyan na lang ng hairpin. Cute! "On my way. Nasa Mcdo kana ba?" text ko kay Ed "Yup. Kanina pa nga ako nandito eh. Tagal mo~ Pakibilis naman" "Oo na, napakamainipin mo talaga" Sumakay na ko sa jeep at bumiyahe. Syempre~ Pinagtitinginan na naman ako. Nakakita na naman ang mga tao ng isang diyosa eh. Hahaha, just kidding! (Luke's POV) Hindi alam ni Minnie na kasama ako sa date nila ni Ed. Sinadya talaga namin ni Ed na hindi sabihin kay Minnie. Baka kasi pag nalaman nya na kasama ako sa date nila ay hindi na pumayag yun. Napapansin ko kasi na parang lumalayo si Minnie sakin. Hindi ko alam kung bakit. Dahil ba sa may something ako sa kanya? Or baka may something sya sakin? Ewan. "Anong sabi?" tanong ko kay Ed "On her way" "Malapit na daw ba?" "Hindi ko alam eh. Basta nasa byahe na daw sya. Hintayin na lang natin. Tsaka sinabi ko na kanina pa ko nandito at bilisan na nya" sagot ni Ed "Magagalit kaya yun pag nakita nya ko dito?" "Hindi naman siguro. Mabait naman yun si Minnie at hindi ka naman nun itataboy pag nakita ka nya na kasama kita. Wag kang mag-alala masyado dyan. Relax lang kasi" sabay akbay sakin ni Ed Sana nga ganon ang mangyari. Eh paano kung itaboy nya ko? Paano kung bigla na lang syang umalis? Paano kung di na sya tumuloy at mag-excuse na may gagawing mas importanteng bagay? Ay, erase na nga lahat ng yun! Nakakagulo lang ng utak. Lumipas ang ilang minuto at nakita namin si Minnie na bumaba ng jeep. Medyo nagtago ako sa kinauupuan ko para hindi nya ko makita. Lumingon-lingon sya na parang may hinahanap. Nagring ang phone ni Ed at sinagot nya. "Hello Minnie?" panimula ni Ed "Nasan kana?" "Nasa Mcdo. Pumasok ka" "Ayoko. Sunduin mo ko kung nasan ako ngayon" "Sige na. Pumasok kana" "Ayoko nga kasi. Ikaw ang lumabas" pagmamatigas ni Minnie "Bakit ayaw mo pumasok?" "Eh ayoko nga kasi. Sunduin mo na lang ako dito. Nakikita mo ba ko?" tanong ni Minnie habang nagpapalingon-lingon padin "Oo, nakikita kita. Nakagray ka at nakajeans" sagot ni Ed "Nakikita mo naman pala ako eh. Sunduin mo na ko. Pag hindi mo pa ko sinundo. Aalis na ko" Tinulak ko na si Ed palabas ng Mcdo para sunduin si Minnie. Baka kasi umalis pa eh! Maya-maya, bumalik na si Ed kasama si Minnie. "Bat nandito ka?!" taas kilay na tanong ni Minnie "Hehe, kasama ako sa date nyo" "Eh?" "Bakit? Ayaw mo ba na kasama ako?" tanong ko sa kanya "Hindi naman" "Upo kana Minnie" aya ko sa kanya Nagkwentuhan lang kaming tatlo at umorder si Ed ng kakainin namin habang kami ni Minnie ay nagkkwentuhan lang~ Napatingin ako sa likurang bahagi ni Minnie at nakita dun ang teacher namin ni Ed. "Luke?" tawag sakin ng Math teacher ko "Hehehe, hello?" alanganing bati ko "Ayan ha! May kasama ka na namang babae. Susumbong na talaga kita sa daddy mo" sabi ng teacher ko. Napangiti naman si Minnie. Tsk, baka naman mapagkamalan akong babaero ni Minnie. Badtrip talaga tong teacher ko. "Hindi po. Friend ko po to. Si Minnie. Kasama din po namin si Ed. Umorder lang po" "Ahh ganon ba? O sya. Wag kayong magpapagabi ha? Una na ko sa inyo. Susunduin ko pa misis ko sa trabaho nya" sabi ng teacher ko sakin. Pagkaalis ng teacher ko. Bigla akong tinapik ni Minnie "Ayan ha? Madami ka palang dinidate dito na mga babae" sabi ni Minnie ng nakangiti. Di ko alam kung biro ba yun o totoo na "Hala! Hindi ah! Niloloko ka lang nun ni Sir. Ganon talaga yun" "Sus, nagdeny kapa eh! Kahit totoo naman" "Luh? Hindi naman talaga eh! Ni wala nga akong dinidate eh. Ngayon pa lang ako lumabas na may kasamang babae" "Weh? Di ka lumabas kasama si Wynwyn?" tanong nya na nagpatahimik sakin "See? Hindi ka makasagot noh? Hahaha. Ganyan talaga ang mga lalaki. Mahilig magdeny" sabi nya. Sasagot pa sana ako kaso biglang dumating si Ed at inilapag ang mga inorder nya. "Tara, kain na tayo! Gutom na ko eh" aya ni Ed --- SHOUT-OUT! LUKE: Bakit ba ganito? Mahal ko na talaga sya. Pero hindi ko lang talaga maamin sa kanya ng seryoso. Natatakot ako na baka masaktan lang ako! Pero ganon naman talaga sa Love diba? Para manalo ka. Kailangan mong sumugal? Pero paano kung sa pagsugal mo na yun ay matalo ka? Bigla nalang mawawala sayo ang lahat? Pero paano kung hindi ka sumubok na sumugal? Tapos yun na pala ang pinakaswerte mong panahon? Edi sayang? Sayang kasi hindi mo man lang nakuha yung pinakaaasam mong jackpot? MINNIE: Natatakot ako. Anong dahilan? Kasi minahal ko sya. Natatakot akong masaktan. Natatakot akong iwanan at higit sa lahat. Natatakot akong mawala sya sakin. Pero, may patutunguhan ba ang takot na nararamdaman ko? Mas makakatulong ba to? O sinasanay ko lang lalo ang sarili ko na maging duwag at magpatianod na lang? Paano kung harapin ko ang takot na to? Paano kung sabihin ko sa kanya na mahal ko talaga sya? May magbabago kaya? Magiging mas maayos ba? O mas magiging magulo lang ang lahat? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD