Chapter Thirteen

1130 Words
(Edward's POV) Malapit na pala ang Foundation day namin at nakakainis kasi kailangan pa naming magpractice ng sayaw. tsk. Akala ko pa naman, ligtas na ko kasi officer ako. Hindi pala. Kailangan daw lahat sumali eh. "Ano? Pagod na kayo?" tanong ng nagtuturo samin ng sayaw "Medyo" sagot naman namin. Aba! Talagang namang pagod na kami eh. Ayaw na din naming magsinungaling pa "Pahinga muna kayo ng mga 15 minutes" Buti naman at pinagpahinga na kami! Kanina pa kami nagsasayaw eh. Mga isang oras na yata? "Kamusta si Minnie?" tanong sakin ni James "Okay lang naman yata? Bakit?" "Papuntahin kaya natin dito?" "Sige. Papuntahin natin dito. Tawagan ko na" sabi ni Luke na nakisingit sa usapan namin ni James "Wag mo na syang papuntahin dito. Baka madaming ginagawa" "Wala na eh. On the way na daw sya sabi nya sakin" sabi ni Luke na ang laki ng ngiti. Mukhang aso eh! Nakakahiya naman kasi kay Minnie, baka nakakaabala na din kami sa kanya. "Bat ganyan ang mukha mo? Ayaw mo ba na pumunta dito si Minnie mouse?" tanong sakin ni James "Hindi naman, iniisip ko lang na baka naman may ginagawa din sya at nakakaistorbo na tayo sa kanya" "Ahh .. Hindi naman yata? Kasi puro 'Oo' naman ang sagot nya satin eh" nakangiting sabi ni James "Di mo ba naisip na baka nahihiya lang si Minnie na humindi satin? Kaya lahat ng pakiusap natin sa kanya eh pinapayagan nya? Baka nga hindi na nya nagagawa ang mga dapat gawin eh" "Sabagay?" "Hayaan na nga. Papunta na sya dito eh! Alangan namang hindi pa natin patuluyin yun. Baka magtampo pa" Tumango-tango nalang si James sa sinabi ko at si Luke naman, busy sa pakikipag-usap sa mga ka-school mate namin. Tinext ko na lang si Minnie ng "Ingat ka sa pagbyahe" "Kanina pa kita napapansin. Ano ba ang problema?" tanong ni James "Wala naman. Nag-aalala lang ako kay Minnie" "Ha? Bakit ka naman mag-aalala kay Minnie? Eh pupunta lang naman sya dito?" "Wala .. Wag ka na lang mangialam. Hindi mo din naman ako maiintindihan eh" "Paano kita maiintindihan? Eh hindi mo naman kasi sinasabi sakin kung ano yang bumabagabag sayo?" "Tss. Bahala ka nga dyan" Iniwan ko si James at pumunta sa class room namin. Haaay~ Bakit nga ba concern ako kay Minnie? Syempre, bestfriend ko sya! (Minnie's POV) Nasa Gym ako ngayon. Waiting sa aming prof sa PE. Kaso 30 minutes na kaming naghihintay eh. Wala pa din. "Ano? Sinong susundo kay mam?" tanong ng isa sa mga classmate ko "Ako na" sabi ko at kinuha ang bag ko. Tumakbo ako papunta sa office ng prof namin at hinanap sya. Yung student teacher nya lang ang nandun kaya naman dun na ko nagtanong. "Miss Faye, nakita nyo po ba si mam?" tanong ko sa kanya "Hindi ba nasabi sa inyo? Wala sya dito ngayon. May laban ang volleyball team eh. Pakisabi nalang sa mga kaklase nyo at sa iba pang estudyante ni mam na walang klase ang lahat ng handle nya" "Ahh, okay po. Salamat miss Faye" Wth. Kaya naman pala! Hintay kami ng hintay tapos wala sya? Tsk. Umakyat ako agad para masabi sa mga kaklase ko at katulad ko. Inis na inis din sila~ Bumaba agad ako para makauwi na kaso biglang nagring ang phone ko and it's Luke. "Bakit?" "Punta ka daw dito sa school namin sabi ni Ed. Practice lang namin ng sayaw eh" Ha? Si Ed? Hmm. "Ganon? Ah sige. Cut na naman ang klase ko sa PE ko eh. On my way. Bye" Pinatay ko agad ang phone ko at nag-abang ng jeep. Ano kayang problema ni Ed at pinapapunta ako? Nalaman nya kaya na magkasama kami ni Luke kagabi? Gosh! Nagkwento kaya sa kanya si Luke? Nako. Kung nagkwento si Luke sa kanya, patay ako kay Ed. Pagkababa ko. Naglakad agad ako papunta sa school nila Luke. Nakita ko sila na nagsasayaw at .. Sheez! Yung pinsan ko ang nagtuturo sa kanila! Si kuya Clark. Umupo lang ako sa isa sa mga upuan dun sa lugar na pinagppractice'an nila. Nanood. At nang matapos na sila sa pagsasayaw ay kinausap nila ako. Ayun, di maiwasan na hindi ako makita ni kuya Clark. Nanlaki yung mata nya kaya naman kinausap ko sya. "Anong ginagawa mo dito?" tanong sakin ni kuya "Hmm, best friend ko yun" sabay turo kay Ed "Kakatapos lang ng PE namin eh. Kaya nagpunta ako dito" "Wag kang magpapagabi ha? Umuwi ka agad" "Opo" "Sige, uuna na ko. May pasok pa ko eh" "Ingat kuya" "Ingat ka din Minnie" Umalis na si kuya Clark at lumapit sakin si Luke, Ed at James "Kilala mo yun?" tanong nila sakin "Oo, pinsan ko yun eh. Bakit?" "Ahh. Hahaha, ang sungit eh!" sabi ni Luke "Ganon talaga yun! Kahit naman ako pag nagtuturo ng sayaw eh" "Tara. Dun tayo sa taas" aya sakin ni Ed Pumunta kami sa taas at tinanong nila ako kung kumain na ko. Sabi ko hindi pa kaya naman pinakain nila ako. "Bakit hindi ka pa kumakain?" tanong sakin ni Ed "Bigla kasing tumawag si Luke eh. Pinapapunta mo daw ako dito" "Ha? Ako? Sinungaling ka talaga Luke!" sabay batok nya kay Luke "Hindi ah. Sya lang ang may gustong papuntahin ka dito" "So ayaw mo na nandito ako?" taas kilay kong tanong kay Ed "Hindi ah! Pero hindi ako ang nagpumilit. Ako pa ginawang rason ng mga toh eh!" asar na sabi ni Ed kaya nagtawanan lang kami "Teka, baba muna ako para kumuha ng juice" paalam ni Ed samin ni Luke. Eto na naman, dalawa na lang kami ni Luke sa room "Kamusta si Lulu at Ed?" tanong nya sakin "Okay lang. Mabait naman sila sakin" "Mabuti naman" "Nagkwento kaba kay Ed?" tanong ko sa kanya. Tumingin sya sakin at tumugtog sya sa gitara na hawak nya "Ano Luke? Nagkwento kaba kay Ed?" kinabahan na ko kasi hindi sumasagot si Luke "Luke!" "Hahahaha, ang cute mo mainis. Hindi ah. Di ako nagkwento dun. Pag nagkwento ako dun na lumabas tayong dalawa na tayo lang. Baka patayin ako nun" "Good. Wag kang magkkwento sa kanya" Biglang nagbukas ang pinto kaya naman pareho kaming nagulat ni Luke nang makita si Ed na pumasok. "Para kayong nakakita ng multo?" takang tanong ni Ed "Kanina kapa?" tanong ni Luke "Ngayon lang. Bakit?" "Ah wala. Kain na tayo!" Kumain kami ng rice at chicken adobo then nagpaalam si James sakin na aalis na sya. Si Ed at Luke naman hinigit pa ko sa Sm. May bibilhin daw kami. Wish ko lang makauwi pa ko ng buhay. Pero ang mas mahalaga sakin ngayon ay hindi nagkwento si Luke kay Ed tungkol sa pagkikita namin kagabi. Pag nalaman kasi ni Ed yun. Baka hindi nya ko mapatawad. At baka itakwil nya ko bilang bestfriend nya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD