(Minnie's POV)
Nandito na ko sa SM. Yung SM na pinuntahan namin kanina ni mama ay iba dito sa SM kung nasaan ako ngayon. Dun daw kami sa entance magkita sabi ni Luke, eh hindi ko naman sya makita dito. Tumawag ako kay Luke and thanks! Sinagot nya agad.
"Nasan kana ba?" sigaw ko sa kanya
"Nandito na" sagot nya
"Saan? Eh wala ka naman dito sa entrance eh. Niloloko mo ba ko?"
"Nakikita nga kita eh. Nakablack kang tshirt tapos naka maong pants ka. Tama ako?"
Pagkasabi nya nun ay agad naman akong napalingon sa paligid ko. Pero hindi ko naman sya nakita. "Niloloko mo ba ko? Magpakita ka na nga! Pag hindi kapa nagpakita agad sa loob ng sampung segundo, aalis na talaga ako"
"Ang mainipin mo naman eh!"
"Hindi ako nakikipagbiruan! Isa!" sigaw ko sa kanya
"Eto na nga eh. Tingin ka sa taas" utos nya. Tumingala naman ako at nakita ko sya sa taas. Ibinaba ko agad ang phone ko pagkakita ko sa kanya at agad naman syang bumaba para puntahan ako.
"Kamusta?" tanong nya sakin
"Mukha ba kong okay? Para akong nawawala na tingin ng tingin sa paligid kanina" inis kong sabi
"Hahaha, napaka pikunin mo talaga. Tara nga! Bumili ng pagkain" sabay g**o nya ng buhok ko at sinuntok ko naman yung braso nya.
Bumili lang kami ng mga junk foods at ilang litro ng softdrink. Magpapakamatay yata toh eh! Alam nya naman na may u.t.i sya tapos lalaklak pa ng softdrink at kakain ng mga maaalat na chichirya. Shunga talaga toh! Nakaupo na kami sa food court dala ang mga binili naming mga pagkain.
"Papakamatay ka?" tanong ko sa kanya
"Matagal na kong patay .. Patay na patay sayo"
"Ha?"
"Hahahaha, wala lang yun! Itsura mo eh! Bakit mo naman nasabi na magpapakamatay ako?" taas kilay nyang tanong sakin
"Eh puro bawal ang binili mo eh. Diba may u.t.i ka? Eh bakit ganito ang mga binili mo?"
"Okay lang naman yan. Minsan lang naman ako kumain ng mga ganyan eh. Tsaka kasama naman kita eh! Pareho tayong mamamatay pag nagkataon"
"At nandamay ka pa talaga ha?!"
"Biro lang naman! Tara na nga't kumain" sabay bukas nya sa mga chichirya
"Oo nga pala. Bago ko pa makalimutan. Bakit mo nga pala ako pinapunta dito?"
"May ibibigay ako"
"Ay! Oo nga pala, natandaan ko na. Ano ba yung ibibigay mo?"
"Pikit ka muna"
"Arte! Ibigay mo na kung ano man yang ibibigay mo" pagtataray ko. Baka kasi pinagttripan na naman ako ni Luke
"Pikit nga kasi. Ibibigay ko na. Surprise nga kasi toh. Pag hindi ka pumikit, hindi ko ibibigay sayo to."
Napilitan na rin akong pumikit kasi curious ako kung ano ba yung ibibigay nya sakin. Pero may kaba rin akong nararamdaman. Baka kasi butiki, ipis, uod ang ibibigay nya sakin eh.
"Ano ba kasi yan? Kung yung mga kinatatakutan ko ang ibibigay mo sakin. Binabalaan na kita! Wag na wag mo na ibigay. Baka hindi pa kita mapatawad"
"Hindi naman eh" Hinawakan nya yung kamay ko at binuksan. Ano ba yan? Parang may kuryente eh. Kinikilig ba ko?
"Ready kana?" tanong nya sakin
"Sige na!" bigla syang may inilapag sa kamay ko at gumalaw. "Ano toh?" kinakabahan kong tanong. Hindi ko naman mabawi ang kamay ko kasi hawak hawak nya. Wala talagang palag
"Buksan mo na mata mo" utos nya. Pagkabukas ko ng mata ko, nakita ko ang isang maliit na hamster. Malamang maliit. Haha, kulay gray sya na may guhit na kulay black. Kumakain ng sunflower seed. Ang cute!
"Ang cute cute nya" sabi ko kay Luke habang nilalaro yung hamster
"Nagustuhan mo ba?"
"Oo, gustong-gusto ko. Teka, eto ang ibibigay mo sakin?" tanong ko sa kanya
"Yup!"
"Mamamatay toh! Kasi nag-iisa lang sya eh"
"Sino may sabing iisa lang yan? Eto ang kapartner nyan. Nasa kamay ko" Pinakita nya sakin ang isa pang hamster na kulay light orange naman na may guhit guhit din na color dark orange
"Sakin sila pareho?" tanong ko
"Oo, ayaw mo? Babawiin ko"
"No! Gusto ko. Hehe, salamat! Para san ba toh? Wala namang okasyon ah"
"Hello? Malapit na kaya ang valentines. Ayan na ang regalo ko sayo. Alagaan mo sila ha?"
"Sige, teka! Sino ang babae dito?"
"Yung orange ang lalaki, yung gray naman yung babae"
"Ahh I see. Si Lulu yung gray. Si Ed naman yung orange"
"Bakit Lulu? Bakit Ed?"
"Lulu, galing sa name mo. Luke. Pambabae naman ang Lulu na name eh! At si Ed naman yung orange. Pareho kayong mahalaga sakin eh"
"Ako pa talaga ang babae ha? Pero okay na din. Ano? Hatid na ba kita?"
"Sige, baka nag-aalala na si mama eh. Sabi nya, kailangan sandali lang ako"
"Okay. Hatid na kita"
Hinatid ako ni Luke hanggang sa may sakayan at sumakay na ko. Natutuwa ako sa regalo ni Luke sakin. Ang cute eh! Haaay, pero may doubt pa rin talaga ako sa kanya. Sumandal ako sa jeep na sinasakyan ko at binuksan ang karton kung san nakalagay si Lulu at si Ed. "Magpakabait kayo sakin ha?" Para akong baliw, pati hamster kinakausap ko na. Hihingi ako ng sign na kapag naalagaan ko si Lulu at Ed na kahit kalahating taon. Kami ang magkakatuluyan ni Luke at kung iwanan agad ako ng hamsters ko. It means, kailangan ko na i-give up si Luke.