Chapter Eleven

1829 Words
(Luke's POV) Maaga akong nagising ngayon kasi pupunta ako sa school para tulungan ang mga teachers sa school paper. Pa-graduate na kasi ako eh! At ang dami ko pang aasikasuhin. "Luke, san ang punta mo? Sabado ngayon at aalis ka?" tanong sakin ni Mommy "Ahh. Sa school po. Aasikasuhin ko po yung mga papers eh .. este kami po nila sir" "Ha? Eh bakit ikaw ang mag aasikaso nun? Dapat ay sila na lang. May pupuntahan tayo eh! Hindi ka makakasama nun" "Okay lang po. Sunod na lang po ako sa inyo. Nakalimutan nyo po ba na ako ang presidente ng school namin? Kailangan po ako dun sa school para tumulong. May naghalughog daw po yata dun sa mga papers kaya nagkandagulo-g**o yun" "Ahh sige! Mag-iingat ka ha?" "Okay po! Text nyo na lang po ako kung nakaalis na kayo at kung san po ang location nyo. Bye mi!" hinalikan ko sa pisngi si mommy at umalis na. Malapit lang naman ang school ko sa bahay namin at kayang-kayang lakarin. Pero dahil tamad ako, magbibike ako para mas madaling makapunta dun. "Luke, dito!" tawag sakin ng mga schoolmate ko "Start na ba? Kailangan kong magmadali eh! May pupuntahan pa kasi ako" "Eh?" "Oo nga! Tara na sa taas. Ayusin na natin yung mga papers" aya ko sa tatlo kong kaklase na babae Pumunta na kami sa office namin at inayos na ang mga papers na nandun. Hindi din maiwasan na magtanong sila sakin ng mga bagay-bagay. "Luke, girlfriend mo ba yung laging napunta dito sa school natin?" tanong sakin ni Tara "Ha? Sino ba? Si Minnie ba ang tinutukoy mo?" tanong ko "Minnie ba ang name nya? Ang cute naman! Oo, sya nga yata yun" "Ahh, hindi pa" "What do you mean na hindi pa? Bakit? May balak ka ba na ligawan sya?" tanong naman ni Lia "Hmm, meron yata? Bakit? Wala namang masama kung manliligaw ako diba?" "Anong walang masama? Eh diba nanliligaw ka din kay Wynwyn? Paano na sya?" asar na sabi ni Tara "Tinigil ko na ang panliligaw ko sa kanya diba? Alam ni Wynwyn yun! At wala na din naman syang feelings sakin diba?" "Anong wala? Eh nasasaktan nga sya pag nakikita nya kayo ni Minnie na magkasama eh! Parang pinipiga yung puso nya pag nakikita ka na masaya kay Minnie. Nangako ka kasi sa kanya na walang iwanan eh! Na maghihintayan kayo" sigaw ni Tara sakin "Promises meant to be broken. Tsaka nagtanong naman ako kay Wynwyn kung okay lang na manligaw ako ng ibang babae eh! Ang sabi nya naman sakin ay okay lang daw sa kanya yun. Kasi hindi na naman daw nya ko mahal eh" paliwanag ko sa kanila "Tanga! Kaya nya lang sinabi yun kasi nga nakikita nya na iba na ang laman ng puso mo at hindi na sya! Hindi mo ba naiintindihan yun? Ang bobo mo naman Luke!" "Hindi ko alam" Yun na lang ang nasabi ko dahil hindi ko na alam kung paano pa ko magpapaliwanag kila Tara "Hindi mo alam kasi nga manhid ka at wala ka naman talagang pakialam kung may nasasaktan kana. Ang iniisip mo lang talaga ay ang sarili mo. Makasarili ka kasi! Selfish!" "Stop!" Pagkasabi ko nun ay tumayo ako "Tapos na ko sa ginagawa ko kaya aalis na ko" Umalis agad ako dun sa office at iniwan si Lia at Tara. Sh*t! Hindi ko naman talaga alam ang nangyayari eh! Hindi ko naman din ginusto na masaktan si Wynwyn eh! Masama na ba kong tao nun? Eh hindi ko naman hawak ang mga damdamin nila eh! At si Wyn? Ang sabi nya sakin wala na daw syang feelings sakin. Pero ano to? Meron pa pala? Tsk. Nakikita ko naman syang masaya sa araw araw ah! Paanong nasasabi ng mga kaibigan nya na nasasaktan sya pag nakikita kami ni Minnie na magkasama? Aaahh! Hindi ko na kaya ang ganito! Para akong mababaliw nang wala sa oras! (Minnie's POV) Hindi ko alam kung bakit masama ang gising ko ngayon. Siguro gawa nung kagabi! Ang ganda ganda kasi ng pag-uusap namin ni James eh! Paepal lang talaga si Luke! Madami pa naman akong gustong itanong. Tsk. Buti ay na-end ko agad yung call. Kung hindi ay nakausap ko pa si Luke. "Good morning nak! How's your sleep?" tanong sakin ni mama pagkababa ko. Naghahanda sya ng breakfast? Hmm, wala yatang pasok to. "Medyo hindi po maganda. Anyway, why are you here? Wala ka po bang pasok ngayon?" tanong ko sa kanya habang hawak ang batok ko na masakit. "Hmm, nagleave ako eh. Gusto mo mamasyal tayo?" "Sure" Umupo na ko at sinimulang kainin yung handa ni Mama. Nagleave si Mama sa trabaho? Bakit kaya? Baka naman nagkwento sa kanya si Ed tungkol sa nangyayari sakin? "Nak, mukhang malalim yang iniisip mo ah. Gusto mo i-share sakin yan?" "Ahh, wala lang po yun. Nagkwento ba sayo si Ed?" "Si Ed? Ano bang meron? Hindi ko pa sya nakakausap eh" "Ahh, okay" "Meron ba kong hindi nalalaman?" taas kilay na tanong sakin ni Mama "Wala po Ma. Sige na po, kumain na lang tayo" Kumain kami pareho at nagkwentuhan lang about sa happenings sa school ko. Si Mama talaga! Gusto lagi, alam ang nagyayari sa buhay ko. Haha. Nawala ang ngiti ko nang mabasa ang text ni Luke. Kung pwede ba daw ako mamaya may ibibigay daw sya sakin. Hmm. Ano naman kaya yun? "Ma, excuse lang po ah? May kakausapin lang po ako" "Okay" Tinawagan ko si Luke at tinanong about dun sa text nya sakin. "Hello?" panimula ko "Hi Minnie! Ano? Pwede ka ba mamaya?" "Anong meron? Hindi ba pwede ikaw na lang ang pumunta dito sa bahay?" "Hindi eh! Meet na lang tayo ng mga 6pm sa Sm. Aasahan kita! Bye!" "He--" Bastos yun ah! Hindi pa nga ako tapos sa pagsasalita, binabaan agad ako. Bumalik na ko sa pagkakaupo ko at napansin yata ni Mama na beast mode ako kaya inabutan nya ko ng gatas. "Anong nangyari? Sino ba yung kausap mo kanina?" "Si Luke po" "O ano bang sinabi nya at nagkaganyan ka?" "Makikipagkita daw sya sa Sm, mga 6pm daw po may ibibigay daw sya eh. Sabi ko naman, sya na lang ang pumunta dito. Eh ayaw nya. Tapos binabaan ako. How nice naman!" "Hahaha, yun lang naman pala eh! Edi makipagmeet ka. Okay lang naman sakin eh! Basta wag magpapagabi ha?" "Eh diba may lakad po tayo?" "After ng lakad natin tsaka ka pumunta. Mga 1pm naman tayo aalis eh" "Okay po. Ligo na ko Ma! Malapit na mag alas dose eh. Diba may lakad tayo? Maligo kana rin!" "Sige! Linisin ko na muna ang pinagkainan natin at maghahanda na din ako pagkatapos" Umakyat na ko sa kawarto ko at naligo. Hanggang ngayon eh beast mode pa din talaga ako sa Luke na yun! Argh! Bastos naman kasi eh! Nagsasalita pa ko bigla ba naman akong babaan? Nakakainis! Nagbilis na ko sa paliligo at nagbihis. As usual, maong short at black tshirt lang ang suot ko. Tapos ang pinakamamahal kong sapatos :) "Tara na?" tanong sakin ni Mama "Tara!" Nagcommute lang kaming dalawa. Hindi naman kami maarte ni Mama eh! Hmm, magkano kaya ang dala nito? Gusto ko kasi bumili ng bagong libro eh. Haha, namimiss ko na kasi ang pagbabasa ng libro. Puro gala na lang kasi ang inaatupag ko. "Here" tili ni Mama "Ay? Ano Ma! Parang ngayon ka lang nakapunta sa Sm ah!" "Namiss ko lang kasing maggala kasama ang pinakamaganda kong anak" Eto ang gusto ko kay Mama eh. Lagi akong binobola, kulang na lang eh bigyan ko ng piso araw araw :D Nagpunta muna kami ni Mama sa mga bilihan ng appliances. Okay? Ano naman kaya ang bibilhin nito? "Nak, ano kaya ang pwedeng bilhin?" "Ma, wag na tayong bumili! Ang dami na kaya nating gamit sa bahay. Mabuti pa! Bumili na lang tayo ng damit natin" "Sabagay, tara dun sa mga bilihan ng damit. May nakita ako dun na magandang dress eh. Sana nandoon pa" Pumunta kami dun sa sinasabi ni Mama kung san nya nakita yung dress na maganda daw. Sana talaga maganda XD Tapos after nun. Magpapabili ako ng libro kay Mama. "Isukat mo nga" sabi sakin ni Mama pagkatapos mamili ng mga dress "Ang dami naman nito! Bibilhin ba natin lahat toh?" "Titignan na muna natin kung bagay sayo lahat. Edi kapag bagay lahat. Bibilhin natin" sabi ni Mama at namili ulit ng mga dress. Okay? Mukhang marami nga ang pera ng Nanay ko. Pumunta na ko ng fitting room at sinukat lahat ng mga damit. Ang guess what? Sa dinami-dami ng damit na sinukat ko. Tatlo lang ang nagustuhan ni Mama. "Kain na muna tayo Nak?" "Okay? Pero mamaya, bili tayo ng libro ha?" sabay lambing ko kay Mama. para effective "Libro? Eh ang dami mo kayang libro sa bahay. Pero, sige na nga! Ano pa nga ba ang magagawa ko? Eh naglambing kana sakin eh" "Salamat Ma" Kumain kami ni Mama kung saan saan. Hahaha, eto ang nakakaenjoy dito eh! Pag maraming pera si Mama, hindi nya ko tinitipid tsaka busog na busog ako sa pagakain! Lahat kasi yata ng fastfood sa mall eh kinakainan namin XD "Busog kana?" tanong ni Mama sakin "Opo, tara sa bookstore Ma! May mga magaganda daw na libro ngayon eh. Tignan natin" Hinigit ko agad si Mama. Tapos namili kami pareho ng libro. Ano pa nga ba ang aasahan? Mag-ina kami eh! Syempre! Parehong bookworm :) Lahat yata ng makita kong libro eh dinampot ko na :D Mukha naman kasing magaganda lahat eh. Tsaka, maximum of 10 books daw sabi ni Mama. 6 palang naman ang nakukuha ko. Nakita ko yung libro na medyo makapal "The Selection" yung title. Nabasa ko na yung book one nun eh. Pinahiram sakin ng classmate ko. May book 2,3,4,5 pa pala yun? At may extra pa? Yun na lang kaya bilhin ko? Hahaha. Lahat ng nakuha kong libro, binalik ko at pinalitan nung series ng The Selection. "Tapos na ko Ma. Eto na lahat!" Iniabot ko kay Mama lahat ng librong nakuha ko. "Ano toh? Series? Aba, talagang nilahat mo ah!" "Maganda yan Ma! Papahiram ko sayo pag natapos ko na lahat. Nabasa ko na ang book one nyan eh" "Uhm, okay? Siguro nga maganda" Binayaran na ni Mama lahat ng nabili naming libro at papalabas na kami ng bookstore nang biglang tumawag si Luke. "Hello?" bati ko "Uhm, okay?" "Sige" Pagkatapos ay ibinaba ko na agad ang phone ko "Si Luke?" tanong ni Mama "Opo" "Ano daw sabi?" "Basta po. I have to go Ma! Kita na lang po tayo sa bahay. Iloveyou" sabay kiss ko sa pisngi ni Mama. Hindi pa ko nakakalayo ay huminto ako para sumigaw kay Mama "Ma! Ingat ka sa pag uwe ha?" Nginitian lang ako ni Mama. Okay? Panira talaga ng moment yun! Bigla ba namang magbago ng time? Ang corny eh! Mag aalas kwatro palang ng hapon eh. Wala pang tatlong oras na magkasama kami ni Mama :/
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD