Chapter Ten

1345 Words
(Minnie's POV) Gabi na kami nang makauwi. As usual, kami na naman ni Ed ang magkasabay dahil pareho kami ng daan na tinatahak. Nasa jeep na kami pareho. "Kamusta naman ang pag-uusap nyo ni Luke? Ano na naman ang kalokohan na sinabi nya sayo?" tanong nya sakin "Ayun, sabi nya sakin. Namimiss nya daw ako" "Tss, oh ano naman ang sagot mo?" "Wala. Wala naman akong sinagot sa kanya at pinabayaan ko lang na magsalita sya. Hindi ko din naman sya masyadong nakausap kasi nga umiiwas ako sa kanya diba?" "Good! Dapat lang na iwasan mo sya. Dahil alam natin pareho na sasaktan ka lang nya. Alam na alam mo naman yun diba?" "Oo na! Alam ko naman yun eh. Nakakatililing na. Alam mo ba yun? Palagi mo na lang kasing sinasabi sakin yan eh" reklamo ko sa kanya "Para hindi mo makalimutan at hindi mo ko masisi pag nasaktan ka" "Hmpt! Hindi naman kita sisisihin eh!" "Tigilan mo na nga yang pag-nguso mo. Hilahin ko yang nguso mo eh" sabay pitik nya sa nguso ko kaya sinuntok ko sya sa braso Tahimik na kami pareho ni Ed sa byahe at nakasandal lang ako sa kanya dahil inaantok na din ako nang mga oras na yun. Pero hindi pa ko dapat matulog eh. Naalala ko pala na kakausapin ko pa si James mamaya pagkauwi ko ng bahay. Nandun na kaya si Mama sa bahay? Siguro ay nandun na yun dahil alas otso na ng gabi eh. "Dito na ko. Ingat ka sa pag-uwi Minnie Mouse" niyakap ako ni Edward at bumaba na ng jeep "Babye!" sabay kaway ko sa kanya Okay? Mag-isa na naman ako sa pag-uwi. Pinagmasdan ko lang ang daan at nag-isip ng malalim. Nung hindi ko pa nakikilala si Luke, hindi naman ako nagkakaganito eh. Maayos naman ang buhay ko. Nagkandaloko-loko lang naman kasi nang makilala ko sya at pumasok sya sa buhay ko. Pero, paano nga kaya kung hindi naman sya pumasok sa buhay ko? Magiging ganito ba ko ngayon? "Sinong bababa?" tanong ng driver ng jeep. Nagsibabaan naman ang mga pasahero at naiwan akong mag-isa sa loob ng jeep "Saan ka ineng?" tanong sakin ng driver "Medyo sa may unahan pa ho manong" Inandar nya ang jeep at nag-isip ulit ako ng malalim. "Baka naman malunod na ako sa kakaisip mo neng" sabi ni manong driver "Ano ba iyang iniisip mo?" "Haha, wala lang ho manong. Sa school lang ho" "Sa school nga ba o baka naman sa love life yan? Haay, mga kabataan nga naman ngayon. Ang aga kung umibig at ang aga din kung masaktan" natatawang sabi ni manong "Hindi naman ho manong. Humuhugot lang kayo eh! Hahaha, sa school papers lang ho talaga" "Ay ganon ba? O edi sige. Mag-aral ka muna ineng! At mahirap sa ngayon ang walang natapos. Tsaka na yang pagkakaron ng nobyo. May oras naman para dyan eh" "Opo. Alam ko naman po yun" sagot ko sa kanya. Huminto na ang jeep at bumaba na ko "Salamat po ulit manong! Mag-iingat ho kayo" "Ikaw din neng! Ingat din" Sumakay na ko ng tricycle at inisip yung mga sinabi nung manong driver. "Humuhugot nga naman si manong driver! Haha, pero in fairness. May point naman ang lahat ng sinabi nya. Nakakapagpagaan din ng loob" Nasabi ko na lang sa sarili ko habang nasa tricycle pauwi ng bahay. (James's POV) Nasa bahay na kami ngayon ni Luke at nagkkwentuhan. Ewan ko ba dito kung bakit ang saya saya. May nangyari kaya kanina sa food court habang wala kami ni Edward? "Para kang may sira sa ulo. Kanina ka pa nakangiti dyan nang wala namang dahilan. Bakit? May nangyari ba kanina?" tanong ko sa kanya "Wala naman" "Wala? Eh bakit ganyan ka makangiti? Para kang baliw!" "Napisil ko lang naman ang pisngi ni Minnie kanina. Namiss ko kasi sya! Ayun, akala ko naman ay hindi nya ipapapisil ang pisngi nya" "Yun lang?" "Anong yun lang? Malaking bagay na sakin yun ah! Akala ko kasi ay galit sya sakin. Yun naman pala ay hindi. Malinaw na sakin ngayon ang lahat" "Okay?" Hindi ko alam ang sasabihin kaya naman 'Okay' na lang ang nasabi ko kay Luke. Para kasing wala sa katinuan to kausapin eh! Baka mahawa pa ko sa pagkabaliw nya. "Teka, kuhain ko lang yung gitara sa loob ha?" paalam ko sa kanya "Sige lang" nakangiti pa din si Luke. Malala na talaga to! Inalis ko sa pagkakasabit ang gitara ko at lalabas na sana ako nang makita kong nagvvibrate ang phone ko na nasa lamesa ng sala namin. Minnie? Si Minnie natawag? Hmm, ano naman kaya ang kailangan nito? Ano to? Wrong dial lang o ako talaga ang tinatawagan? "Hello?" sagot ko. Pumunta ako sa kwarto ko at nilock yun. Niloudspeak ko din ang phone ko para mas marinig ko ang boses nya. Mahina kasi ang earpiece ng phone ko. "Hi James! Naistorbo ba kita?" tanong nya sakin "Hindi naman! Bakit?" "Wala lang naman. Makikipagkwentuhan lang ako sayo. Pwede ba?" tanong nya "Pwede naman" "Sinong kasama mo?" "Wala akong kasama. Nasa kwarto na kasi ako at si Luke naman nasa may garden sa labas" "Ahh okay. May itatanong nga pala ako" "Ano naman yun? Sige lang Minnie. Magtanong ka lang at sasagutin ko" "Hmm, pero promise me na hindi ka magkkwento kahit kanino" "Okay. Promise ko sayo na walang makakalabas sa pag-uusapan natin" "May alam kaba kay Wynwyn at kay Luke?" tanong nya sakin "Oo naman. Ang tagal ko nang kilala yun si Wynwyn eh at pinsan ko naman si Luke. Ano bang gusto mong malaman?" "Lahat. Magkwento ka na lang ng past nung dalawa" sabi nya sakin. Kaya naman sumang-ayon na lang ako "Ganito kasi yan Minnie. Dalawang taon nang nanliligaw si Luke kay Wynwyn at ang pangako nila sa isa't isa eh maghihintayan sila hanggang sa maging college na sila pareho. Tapos dun sasagutin ni Wyn si Luke. Ang alam ko nga tinigilan na ni Luke si Wyn na ligawan eh kasi magffocus daw muna si Luke sa pagtugtog. Pero masama ang loob ni Wynwyn dahil ang iniisip nya eh nagsasawa na si Luke sa panliligaw sa kanya. Oh well, ayaw na din kasi ni tita. Yung mommy ni Luke kay Wynwyn kasi nga daw parang nag-iba na daw si Wynwyn at parang umarte na daw. Kung ano-ano na daw ang nilalagay sa mukha na make-ups at yung pagkilos daw, parang umarte na din." kwento ko kay Minnie "Eh, ano na sila ngayon?" tanong nya sakin "Hindi ko alam eh. Wala naman kasi silang nababanggit pareho. Pero nakikita ko padin na sweet sila sa isa't isa. Yung para bang magboyfriend-girlfriend pag nakita mo. Ganon" "Ahh. Anyways, bakit kaya ganon yung ibang lalaki?" "Ha? Bakit? Anong meron sa lalaki?" tanong ko kay Minnie "Hmm, wala lang. Naiinis lang ako sa mga lalaki na pinaglalaruan ang feelings ng mga babae. Hindi ba nila naiisip na nasasaktan din ang mga babae? Parang kung ituring nila eh laruan. Ang sarap bugbugin at chop-chop-in ng pinong-pino! Grr" "Luh? Not me! Mabuti akong lalaki ha?" "Hahaha, alam ko naman yun James!" Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap ni Minnie nang kumatok ang loko-loko kong pinsan sa pinto ng kwarto ko. "Hoy! Buksan mo to" sigaw ni Luke "Sino yun?" tanong ni Minnie "Si Luke lang yun. Wait" Binuksan ko si Luke at humilata sya sa kama ko "Sinong kausap mo?" tanong nya sakin "Si Minnie" Bigla nyang inagaw sakin ang phone ko "Hello? Minnie? Ay! Wala na! Corny" sabay balik nya sakin ng phone ko "Bat hindi mo man lang sinabi sakin na magkausap kayo?" inis nya tanong "Wala lang. Medyo personal lang kasi ang pinag-usapan namin" "Ano naman yun?" curious nyang tanong "Wala ka na dun! Alis! Matutulog na ko" siniko siko ko si Luke at hinablot nya ang gitara ko "Pahiram na muna ha? Bye!" sinara na nya ang pinto ng kwarto ko. Haaay, tama ba na kinuwento ko kay Minnie ang lahat? What if ikwento nya kay Luke na ako ang nagkwento sa kanya? Baka patayin ako ng pinsan ko pag nagkaganon nga. Tsk. Bahala na nga! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD