(James's POV)
Umagang-umaga at magkasama agad kami ni Luke. Nasa food court kaming dalawa at kumakain ng kung ano-ano lang.
"Nagtetext ba sayo si Minnie?" tanong sakin ni Luke
"Yep! Kanina nagtext sya sakin" sabay subo ko ng pasta na kinakain ko
"Anong sabi nya?"
"Good Morning daw. Yun lang naman ang tinext sakin. Bakit? May dapat ba kong asahan?"
"Ahh. Wala naman. Buti sayo nag-good morning sya, sakin hindi eh"
"Baka naman nawala lang sa isip nya. Ano kaba naman. Ay, mamaya nga pala tatawag sya sakin. Sabi nya mga tanghali daw tatawag daw sya at may pag-uusapan daw kami eh"
"About saan daw?"
"Hindi ko alam. Sinabi nya lang na may pag-uusapan kami tapos in-end na nya yung call kanina" tapos ay uminom ako ng juice "Teka, bakit ba tanong ka ng tanong tungkol kay Minnie? Hindi ba sya nagpaparamdam sayo?" tanong ko ulit sa kanya
"Ewan ko nga eh! Hindi ko alam kung anong ginawa ko. Parang iniiwasan nya nga ako eh"
"Baka naman busy lang"
"Busy? Eh bakit nakakapagtext sayo? At sakin hindi? Sige nga! Ganon ba kahirap na magtext sakin ng kahit 'Hi' man lang?" Malaki nga yata ang problema ni Minnie at Luke sa isa't isa. Hmm, ano nga kaya ang problema nila? Nawala ang pag-iisip ko ng biglang magring ang phone ko.
"Hello?" "Sa mall" "Hindi eh" "Si Luke" "Sige, hintayin kita"
Pagkatapos naming mag-usap ay binaba na nya agad. Tama ang iniisip nyo, si Minnie nga ang kausap ko.
"Sino naman yun? Chixx mo na naman?" tanong sakin ni Luke
"Hindi ah!"
"Eh sino?"
"Si Minnie. Pupunta daw sya dito" Nakita ko naman na parang nagliwanag ang mukha ni Luke kaya umiling-iling na lang ako. Haaay, kawawang nilalang.
"Talaga?"
"Oo nga. Nasa daan na nga daw sya eh"
"Ahh. Okay"
(Minnie's POV)
Maaga akong nagising ngayon. Hindi ko alam kung bakit eh. Bumabagabag pa rin kasi sakin yung mga sinabi ni Edward at yung sinabi ni Luke sakin.
"Nak, pasok na ko ha?" paalam ni Mama sakin
"Okay po Ma! Ingat ka po" sigaw ko sa kanya. Nasa kwarto pa kasi ako at nakahilata at nasa sala sya
"Ingat ka din nak"
"I will Ma"
Narinig kong nagsarado na ang main door namin kaya natiyak kong wala na si Mama. Tsaka ako nagtititili. Para akong nasisiraan ng ulo that time. Naguguluhan na kasi talaga ako. Hmm, ano kaya kung si James na lang ang kausapin ko about this? Siguro naman ay may nalalaman din sya dito dahil pinsan nya si Luke.
Kinuha ko ang phone ko at dinial ang number ni James.
Calling James ...
"Hello?" sagot ni James
"Nasan ka?"
"Sa Mall"
"Kasama mo si Edward?"
"HIndi eh"
"Then, who's with you?"
Medyo matagal ang pagsagot nya. May nalalaman ba sya tungkol sa pag uusap namin ni Luke? "Si Luke" sagot nya
"Ahh okay. I'll be there in a minute"
"Sige, hintayin kita" sagot nya kaya naman binaba ko na ang phone
"Aaaaaaahhhhh!!" tili ko na naman "Bakit nandun sya?! Bakit? Bakit? Bakit?" Para akong baliw na nagsisisigaw sa kwarto ko.
"Sige, sigaw pa" Napabalikwas naman ako nang marinig ang boses ni Ed
"What are you doing here?" taka kong tanong sa kanya
"Wala lang naman. Masama ba? Kanina pa kaya kita pinapanood. Para kang may sira sa ulo dyan. Bumangon kana nga dyan!" sabay bato nya sakin ng stuffed toy na nakakalat sa kwarto ko. Bumangon naman ako at nag ayos ng sarili. Tsaka bumaba sa may sala namin. Nandun si Edward at nanonood ng cartoons.
"Paano ka nakapasok sa bahay ko?" agad kong tanong sa kanya
"Ako? Paano nakapasok? Simple lang. Nagkasalubong kami ni tita at ibinigay nya sakin ang duplicate key ng bahay nyo"
"Ha?"
"Ulitin ko pa ba from the top?"
"Nope. Wait lang ha? Liligo lang ako at alis tayo"
"Okay" sabay balik ng mga mata nya sa panonood ng tv. Siguro alam nya na makikipagkita ako kay James at alam nya na nandun si Luke kaya sya nandito. Hmm, baka naman sasama sya sakin para naman hindi ako landiin ni Luke? Ano sa tingin nyo?
Hinanda ko ang mga susuotin ko at pumasok na ko sa cr para maligo. Minadali ko lang ang pagligo. Shampoo, sabon, banlaw. Then! Tapos na! Sinuot ko na yung maong short ko at yung black tshirt ko na may white print na "Princess"
"Ang bilis maligo ah! Ligong uwak" natatawa tawang asar ni Ed sakin
"Leshe~ Eh baka kasi sabihin mo .. Pinaghihintay kita. Tara na nga"
Hinigit ko na sya at kinuwento ko din sa kanya ang pag uusap namin ni Luke about dun sa issue.
"Luh? Sinabi mong ako ang may sabi?" nag-aalalang tanong nya sakin
"Nope. Sabi ko, kalat na sa buong campus nyo na ganon nga ang siste. At may nagkkwento sakin na mga schoolmates nyo. Ang sabi naman nya, wag daw ako maniwala sa mga yun dahil sinisiraan lang daw sya ng mga yun"
"Tss, wag ka nga magpapaniwala sa lalaking yun. Alam ko ang totoo, Minnie. Kaya sana sakin ka lang maniwala okay? Alam mo naman na mahalaga ka sakin kaya prinoprotektahan kita ng sobra at ayoko lang na masaktan ka nya. Kaya please lang! Wag na wag kang sasakay sa mga kalokohan ng gunggong na yun. Okay?"
"Ayan ka na anman sa sermon mo, Ed! Alam ko na nga yun eh! Kaya nga pinapatay ko na yung feelings ko for him diba?" Pero hindi ko mapatay-patay
"Good kung ganon" sabi nya
Bumaba na kami ng jeep at pumunta na sa food court para makita sila James at Luke.
"Yow! Akala ko naman mag-isa ka lang na pupunta dito. Kasama mo pala si Ed" sabi ni James sa amin at tumingin pa kay Ed
"Ahh. Ang aga naman kasing pumunta ni Ed sa bahay eh. Ayun, sinama ko na lang dito. Wala daw kasi syang magawa eh" sagot ko
"Tara umupo" aya ni Luke. Umupo kami ni Ed nang magkatabi. Tahimik lang naman ako habang sila ay walang patid na nagkkwentuhan.
"Tara Ed, bili na muna tayo ng makakain" aya ni James kay Ed
"Okay!"
"Sama ako" sabi naman ni Luke
"Dyan ka na muna. Samahan mo si Minnie, babalik din naman kami agad" sabi ni James. Tinignan ko si Ed at nilakihan nya ko ng mata. Senyales na wag akong magpadala sa kwento ni Luke
"Sige na nga" sagot ni Luke at umalis na yung dalawang ugok.
"Kamusta ka naman Minnie?" tanong sakin ni Luke
"Okay lang naman. Buhay na buhay pa rin naman ako ah! Parang hindi tayo nag-uusap kung makamusta mo ko"
"Haha, namiss lang kita" nginitian nya ko ng pagkatamis tamis. Aaminin ko. Kinikilig ako pero sabi nga ni Ed, wag akong papaapekto at patayin ko na daw ang feelings ko kay Luke kaya parang balewala lang sakin ang sinabi ni Luke
"Edi wow"
"Haha, pasaway ka talagang babae ka. Totoo nga! Namiss nga kita kulet!" sabi nya ulit sakin at pinisil pa ang pisngi ko. Tinabig ko naman yun kaya nagulat sya
"Baka may makakita satin na ka-schoolmate nyo" sabi ko sa kanya
"Sus. Wala naman eh! Tsaka nasa may dulo tayo ng foodcourt. Wala yan"
"Sige na nga" Pinabayaan ko na lang sya na pisil pisilin ang pisngi ko. Tutal, wala naman masama eh.
"San ka sa Valentines day?" tanong nya sakin
"Wala. Wala namang pupuntahan eh"
"May ibibigay nga pala ako"
"Ano yun?" agad na tanong ko. Hindi naman halata na excited, ano?
"Basta. Malalaman mo na lang yun" tapos ay kumindat sya sakin. Hmm, ano naman kaya yun? Binitawan nya ang pisngi ko nang makita namin na papalapit na samin sila James.
"Anyare sa inyo?" tanong ni Ed
"Wala naman, nag-usap lang naman" sagot ni Luke. "Kainin na natin yan"
Umupo na si James at si Ed kaya naman kinain na namin yung dala nilang Pick-a at Pepsi na dalawang litro. Kakausapin ko si James mamaya. May itatanong lang ako sa kanya.