(Minnie's POV)
Pagkagising ko ay agad kong hinagilap ang cellphone ko at nakita kong 9pm na at wala pa din si Mama. Hmm, bakit kaya hindi pa sya umuuwi? Pumunta ako sa ref at kumuha ng corned beef at iniluto. Nagugutom na ko eh.
Habang nagluluto ay nagsscroll ako sa sss ko, nang magchat sakin ang isa sa mga school mate nila Edward.
"Hi Minnie!"
"Hello din :)"
"Hmm, diba ikaw yung friend ni Edward, James and Luke?"
"Yep! Why?"
"Hmm, mukhang malapit kayo ni Luke ah. Girlfriend ka ba nya?"
Natawa naman ako sa sinabi nya. Ganon na ba kami kaclose ni Luke? Para sabihin nya na girlfriend ako nung tao? How I wish na sana ganon na lang talaga noh?
"Nope, hindi nya ko girlfriend. Bakit mo naman natanong?"
"Nagseselos kasi sayo si Wynwyn eh"
"What?! Hahaha, bakit naman sya magseselos sakin?"
"You know naman diba? Na may something sila ni Luke before. Kaya ayun, nandun pa din yung feelings nila for each other"
Each other? Hahaha, malaking ASA! One sided love na lang yun eh! Kasi, si Wynwyn na lang ang nagmamahal. Poor little b***h. Opps :D
"Yeah, alam ko ang tungkol dun. Pakisabi sa kanya na wala naman syang dapat ikaselos kasi friend lang kami ni Luke at walang namamagitan samin at walang mamamagitan samin"
"Salamat Minnie, dont fall for him. Okay?"
"Hmm, bakit naman?"
"You'll get hurt dear"
"I understand and I will try not to fall for him"
"Sige. Thanks sa time!"
"Likewise :)"
At natapos na ang usapan namin. Hmm, nasasaktan si Wynwyn? So, meron pa nga syang feelings for Luke? Oww, poor her. Pinaglalaruan na lang yata sya ni Luke eh! Tss.
"Honey! I'm home" bati ni Mama sakin at hinalikan ako sa noo
"Ma, bakit naman ang tagal mo?"
"Sorry, medyo madaming inasikaso eh! Oh, nagluto ka pala ng corned beef" sabay tingin nya sa niluto ko "Not bad"
"Hindi ko kaibigan ang stove eh! Pagtyagaan mo na lang Ma" sabi ko at naghain na. Sabay naman kaming kumain at nagkwentuhan lang kaming dalawa. Hindi ko din nabanggit sa kanya yung tungkol kay Luke, baka kasi madulas pa ko eh. Haaay! Ang g**o ng buhay ko.
"Leave the dishes. I'll do it" sabi ni Mama sakin
"No Ma, ako na lang po"
"Magpahinga kana anak. I know na pagod ka"
"Pero mas pagod ka"
"I'm fine. Sige na at umakyat kana sa kwarto mo"
"Okay Ma. Goodnight" kiniss ko sa pisngi si Mama at umakyat na sa kwarto ko
Minsan talaga naiinis ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung bakit, basta naiinis lang talaga ako. Kasi, nagpapakatanga ako? Ay ewan! Ganito ba talaga pag in loved? Humiga ako sa kama ko at pinagmasdan lang yung ceiling ng kwarto ko.
"Why are you doing this to me, Luke?" tanong ko sa sarili ko nang biglang magring ang cellphone ko at agad kong tinignan. Nung una, nag-aalangan pa kong sagutin pero in the end sinagot ko din naman.
"Akala ko hindi mo na sasagutin eh" sabi nya sakin
"Bakit?"
"Bakit umuwi ka agad kanina?" Seriously? Yun lang ang dahilan kaya sya tumawag? Para itanong kung bakit umuwi agad ako?
"I'm so tired"
"Ahh. Okay kana?"
"Medyo"
"Kumain kana?"
"Yep, ikaw?"
"Hindi pa eh"
"Kumain kana" utos ko sa kanya kaya naman kumakain na sya
Okaaaayyy, ang boring ng usapan namin
"Tumawag ka para malaman yung dahilan ng pag-uwi ko?" tanong ko sa kanya
"Hindi lang yun"
"Ano pa?"
"Iniiwasan mo ba ko?"
"No, why?"
"Eh bakit ganyan ka sakin?"
"Anong 'bakit ganyan ka sakin?' What do you mean by that?"
"Ang plain mo eh. I mean, para kang tinatamad na kausap ako. Ang cold mo sakin"
"Ahh. May nalaman lang ako. That's why I acted this way"
"Ano naman?"
"Nothing"
"Minnie, tell me. Ano yun?" medyo napataas ang tono ng boses nya kaya naman para akong nainis
"At bakit? Pakialam mo sa nalaman ko? May ginawa kaba na kakaiba at ganyan ka makatanong sakin?" tumaas na din ang boses ko
"Wala. Gusto ko lang malaman kung ano yun. Tell me, sige na" malumanay na ulit ang boses nya
"Totoo ba?"
"Ang alin?"
Nagsimula na kong magkwento sa kanya ng lahat ng kinuwento sakin ni Edward. At halata sa kanya na nagulat
"Who told you that?" tanong nya sakin
"At bakit ko sasabihin sayo?"
"Sabihin mo sakin kung sino ang nagsabi sayo nyan"
"Nope. Ayoko. At anong gagawin mo dun sa nagsabi sakin?"
"Wala akong gagawin. Gusto ko lang malaman kung sino ang nagsabi nyan sayo. Dahil sinisiraan nya ko sayo" sabi nya. Oww, sinisiraan nga ba? O yun ang totoo? Hahaha :D
"Sinisiraan? Hmm"
"Sino nga kasi ang nagsabi?"
"Ayokong magsalita. Pero eto lang ang sasabihin ko sayo. May mga mata ako dyan at nalalaman ko ang mga pinaggagagawa mo. Be careful who you trust"
"Hindi totoo yun Minnie. Wag kang maniwala kung sino man ang nagsabi nyan sayo. Sinisiraan nya lang ako sayo. Kanino kaba nagtitiwala? Sakin o dun?" agad akong napag isip sa tanong nya. Should I trust him or not?
"Sayo. Don't worry. Sayo ako naniniwala. Alam ko naman na di mo magagawa yun eh"
"Salamat. Sakin ka lang maniniwala huh?"
"Yep"
"Matulog kana"
"Okay. You too" in-end ko na agad ang call at huminga ng malalim.
Should I trust him? Haaay, Edward is my so called bestfriend. Kaya sa kanya ako dapat magtiwala. Hindi ko pa talaga alam ang tunay na ugali ni Luke. We'll see kung anong mangyayari. Bahala na!