Chapter Seven

1146 Words
(Minnie's POV) "What about him?" tanong ko kay Edward "I dont know kung dapat kong sabihin sayo toh eh. Pero--" "Sabihin mo na" pagputol ko sa sinasabi nya "I saw Luke and Wynwyn. Magkasama sila at parang may pinag-uusapan sila. Medyo masaya nga sila eh!" "Tapos?" "May sinabi din sakin si Luke" "Na?" "About sayo" "Haaay nako Edward, hindi ako nakikipaglaro. Pwede bang kumpletuhin mo na lang ang kwento? Nakakabitin naman kasi eh" "Pinagttripan ka lang nya Minnie" Hindi agad nagsink-in sa utak ko yung sinabi ni Edward kaya ang tagal bago ako makapagreact "Ano?" "Pinagttripan ka lang ni Luke. Minnie, sinabi nya sakin ang lahat kanina" "Wow! How nice" Parang hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. Nice? Pinagttripan nya lang pala ako? Pati yung feelings ko, pinagtripan nya? Ayos din! "Minnie" malumanay na sabi ni Edward "Nope, I'm okay. Dont worry" sabay ngiti ko sa kanya, kahit na halatang peke "Ano pang balita about sakin?" tanong ko pa sa kanya "May issue na kumakalat sa buong school" "Anong issue?" "Na .. Umamin ka daw kay Luke na gusto mo sya" "At sino naman ang nagpanguna nun?" "Si Luke. Pinagkalat nya sa buong school na ikaw daw ang may crush sa kanya" "Wow huh?! Wow talaga! Ano namang sabi ng mga schoolmate nyo?" "Hindi sila naniwala. Kasi ang gwapo naman daw ni Luke kung ikaw daw ang umamin" "Sira na ba ang pangalan ko Ed?" "Hindi ah! Yung kay Luke ang nasisira dahil feeling gwapo. Syempre naniniwala sila na si Luke ang umamin which is totoo naman" "Haha, syempre! Bakit naman sila maniniwala dun? Sa ganda kong toh? Ewan ko na lang kung maniwala pa sila dun" kampante kong sabi "Pero Minnie, yung sinabi ko sayo huh?" "Alam ko na yan. Grabe! Ngayon ko pa lang pala talaga nalalaman ang tunay na ugali ni Luke" "Sabi ko naman kasi sayo eh! Sa una lang magaling yun" "Sinabi nya talaga yun? Na ako daw ang umamin?" tanong ko sa kanya. Gusto ko lang kasing kumpirmahin "Oo, sinabi talaga ni Luke yun. Dahil kalat na kalat na sa buong school yun" "Eh?" "Alam nga din ng advisers namin eh" "Tsk. Ano ba yan! Bigla tuloy akong nahiya" "Hayaan mo sila. Hindi naman sila naniniwala kay Luke eh. Kakampi mo kaming lahat" "Hahaha, salamat. Tara na nga't tapusin na tong projects mo" Nagsimula na kaming gumawa ng mga project ni Edward. May mga dapat itype sa computer at dapat i-edit. At yung iba hand written. Si Ed ang nagtype sa computer at ako naman ang nagsulat. Mas maganda kasi ang penmanship ko kesa kay Edward eh! At tanggap nya yun :) Parang hanggang ngayon talaga ay hindi pa din nagsisink-in yung sinabi ni Edward sakin. Totoo ba lahat ng yun? Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba yun o hindi eh. Ano kaya kung tanungin ko si Luke? Pero ang sa tingin ko naman ay hindi naman aamin yun eh! Syempre, kasiraan nya yun. Bakit nya naman aaminin? "Affected ka Minnie" nawala ako sa pag-iisip ng magsalita si Edward "Huh?!" "Tignan mo yang ginagawa mo" sabay nguso nya sa cartolina na sinusulatan ko. Tinignan ko naman yun at nakita ko yung pangalan ni Luke at may drawing na taong may sungay kaya naman nanlaki yung mata ko "Hahahaha, matatapos ka nga sa ginagawa mong yan" sabi sakin ni Edward kaya naman feeling ko ay namula ang magkabilang pisngi ko "Sorry Ed. Inom lang ako ng tubig" paalam ko sa kanya sabay takbo sa kusina. Pagkaabot ko sa baso ay agad kong pinukpok sa ulo ko 'Ang tanga ko talaga' Pagkatapos kong uminom ng tubig ay agad akong bumalik sa pwesto ko at pinagpatuloy ang pagsusulat. Walang imikan kami ni Edward at focus ang isa't isa sa ginagawa. Habang yung utak ko ay lumilipad -_____-" Kailangan ko talagang makausap si Luke. Biglang nagring ang phone ni Edward kaya naman napatigil ako sa ginagawa ko at pinagmasdan sya. "Ahh. Sige" "Nandito" "Dala kang pagkain" "Sige, ingat" Yun ang mga narinig ko kay Edward "Sino yun?" hindi ko napigilang hindi magtanong eh. "Si Luke. Pupunta daw sya dito" "Alam nyang nandito ako?" "Oo, alam nya. Bakit?" "Wala. Ed, tapos na ko sa pinapasulat mo. Need ko na palang umuwi" paalam ko sa kanya "Huh? Bakit? Hindi mo ba hihintayin si Luke? Kasama nya din si James" "Nope! Nagtext na si Mama eh" "Ipagpapaalam kita" "No need na. Tsaka, maglilinis ako ng bahay ngayon. Para pag-uwi ni Mama ay malinis na ang bahay. Pagod kasi yun sa work eh! Nakakahiya naman kung si Mama pa ang maglilinis ng bahay diba?" "Ahh. Ganon ba? Sige, papaliwanag ko na lang kay Luke at James kung bakit ka napaaga ng uwi" "Salamat! Una na ko" sabay yakap ko sa kanya "Mag-ingat ka huh?" "Naman!" Inihatid ako ni Edward sa sakayan ng tricycle at nakita ko si Luke at James na naglalakad kaya naman todo tago ako dun sa tricycle -____-" Buti at hindi ako napansin. Yung feeling na pagod na pagod ka na nga. May malalaman ka pang ganon na issue. Shemay lang! Nakakainit ng ulo. Tsk. Tsk. "Bayad po" sabay abot ko ng bayad dun sa tricycle driver. Jeep naman ako ngayon. Pauwi ng bahay. Ginawa ko lang na palusot yung maglilinis ako ng bahay. Malaking ASA! Pag naglinis ako ng bahay. Gusto ko lang talagang iwasan si Luke ngayon. Peste kasi talaga eh! Sumakay na ko ng jeep at medyo pumikit. Pag gising ko ay malapit na ko sa bababaan ko. Buti naman! Nang makapagpahinga na ko. Pagod na din kasi ako eh. Pagkababa ko sa jeep ay dumaan na muna ako ng market para bumili ng grocery. Mga pagkain ko lang naman. Yung tipong chichirya at mga softdrinks in can. At umuwi na kaagad. Inilapat mo kaagad ang likod ko sa malambot kong kama at ipinikit ang mga mata. (Luke's POV) Pagkadating namin sa bahay ni Edward ay agad kong hinanap si Minnie. "Nasan na si Minnie?" tanong ko kay Ed habang sinusuyod ng mga mata ko ang buong bahay nila "Umuwi na sya eh" "Huh?! Umuwi na?" "Kanina-kanina lang. Pagkadating nyo, kauuwi palang" "Bakit umuwi sya agad?" "Pagod daw sya eh" "San naman?" pangungulit ko "Ewan?" kibit balikat nyang sabi "Amin na yang dala mo" sabay hablot ni Edward ng mga dala namin ni James "Sayang naman at hindi ko na naabutan si Minnie Mouse" dinig kong sabi ni James Bakit kaya umuwi agad yun? Iniiwasan nya ba kami? Hmm, hindi naman siguro. Baka nga pagod lang sya. "Kain tayo" aya sakin ni James at Edward sa kinakain na V-cut "Sige lang" "Malungkot si Loverboy dahil hindi nya naabutan yung daga" pang-aasar ni James kaya naman sinamaan ko sya ng tingin "Hahaha, joke lang naman Luke! Hindi ka mabiro eh" sabi nya kaya naman hinayaan ko na lang. Tawagan ko kaya mamaya? Tama! Tatawagan ko sya. Pagpapahingahin ko na lang muna sya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD