Chapter Six

1401 Words
(Luke's POV) Alam ko na maraming nagagalit sa inyo. Kasi ang alam nyo ay pinagttripan ko si Minnie, diba? Naalala ko yung pag-uusap namin ni Edward "Anong kalokohan ang sinasabi mo sa kanya?" seryosong tanong sakin ni Edward "Kalokohan? Anong kalokohan ba ang sinasabi mo? May kinuwento ba sya?" kunot noong tanong ko sa kanya "Ikaw ang magkwento. Hindi sya nagkkwento sakin. Pero alam kong may hindi sya sinasabi sakin eh" "Wala naman. Pinagttripan ko lang sya" kibit balikat kong sabi. Crap! Bakit ko ba nasabi sa kanya toh?! "Paanong trip?" "Niloloko ko sya. I mean, nagtatanong ako kung pwedeng manligaw sa kanya" "At anong sabi nya?" She rejected me. Haaay, kasi ang akala nya. Tinitrip ko lang sya "Sabi nya .. Secret. Hahaha, bakit mo gustong malaman?" inakbayan ko si Edward para hindi nya makita yung reaksyon ng mukha ko "None of your business. Please lang Luke. Not her" Hindi ko naman kasi talaga sya pinaglalaruan eh! Sinabi ko lang yun, kasi ayokong magalit si Edward sakin. Alam ko naman kasi kung gaano kahalaga sa kanya si Minnie eh! Kaya ayokong may malaman si Edward. Pero seryoso talaga ako kay Minnie. Pagkatapos kong makausap si Edward, lumabas na ko ng class room nila. Nasa school kasi kami eh. Nakasalubong ko si James kaya naman pumunta na muna kami ng court. "May problema ba?" tanong sakin ni James habang umiinom ng shake "Wala naman" "Eh anong mukha yan?" "Gwapo" "Tss. Ano nga?! Meron?" iritado nyang tanong "Isa ka pa eh! Wala nga kasi. Iniisip ko lang yung mga project na hinahabol ko" sabi ko sa kanya. Hindi kasi ako makakapagkwento dito eh! Kasi boto sya kay Wynwyn para sakin. Eh ayoko na dun sa babaeng yun. Napakaarte na kasi tapos kung ano-ano na ang nilalagay na kolorete sa mukha. Nawala na yung pagiging simple nya "Ahh" "Okay na? Wala ka na bang itatanong?" "Meron pa" "Itanong mo na lahat. Hangga't sumasagot pa ko sa mga tanong mo" "Pupunta ba si Minnie Mouse mamaya?" tanong nya. Pagkarinig ko pa lang sa pangalan nya parang huminto na ang mundo ko "Hoy Luke! Ano? Pupunta ba sya mamaya?" ulit nya "Hindi ko alam. Oo yata? Si Ed ang tanungin mo. Sya ang nakakaalam eh" "Okay. Iwan na kita dyan" sabay lakad na palayo Nako naman Minnie! Hindi kaba natutulog? Buong umaga at buong gabi kang nasa isipan ko eh! Tsk. Matulog ka naman. Di din kasi ako makatulog eh. "Lalim! Malulunod yata ako?" napatingin ako sa likuran ko at nakita si Wynwyn "Upo ka" at umupo sya sa tabi ko "Anong drama?" "Wala naman. May iniisip lang" "Ako ba yan?" "Hahaha. Loko ka talaga" "Kidding aside. Anong bumabagabag sayo?" usisa nya sakin "Mga project lang toh. Matatapos na din kasi ang school year. Kaya naman naghahabol ako. Dami ko pang kulang eh" "Likewise! Ganyan din ako eh" "Kamusta buhay?" tanong ko sa kanya "Eto, okay lang naman. Malapit na pala ang foundation noh? Sasayaw kaba?" "Required naman lahat eh" "Hahaha. Yeah. Wala din akong kawala eh" "Nakakaasar nga eh. Hindi pa naman ako marunong sumayaw" "Parang ako marunong ah! Pareho nga ding kaliwa ang paa ko eh" sabay tawa namin pareho "Wyn, may feelings ka pa sakin?" seryoso kong tanong sa kanya "Wala na. Bakit mo naman natanong?" "Wala lang. Naisipan ko lang itanong" "Eh ikaw? May feelings ka pa sakin?" "Wala na din. Kapatid na lang" sagot ko. Ewan ko ba. Sa yun ang nararamdaman ko sa kanya eh. "Ahh. I see! Para ngang may iba nangnagpapasaya sayo eh" nakangiti nyang sabi at biglang bumaling ang tingin nya sa likod ko "Edward!" sigaw ni Wynwyn kaya naman napalingon din ako. Nakita ko si Ed na ngumiti kay Wyn at pagtingin nya sakin ay sinamaan lang ako ng tingin. Luh? Problema nun? Nagseselos ba sya? Dahil kausap ko ang Wynwyn nya? Hahaha :D Baliw talaga yun! Ang laki talaga ng problema ko eh! Ano ba naman toh. Paano ko kaya sosolusyunan toh? Ano kaya kung halikan ko na lang bigla si Minnie? Hmm, baka naman masampal ako nun at kamuhian ako. O kaya'y bigla na lang akong sapakin at bugbugin. Wag na lang! Nakakatakot isipin. Hahaha. (Minnie's POV) Nasa klase na ko at nakakatamad ng sobra -______-" Pagtitiisan ko na lang toh dahil isa lang naman ang subject ko ngayon. 10am-11:30 lang naman eh. Maya-maya lang tapos na din toh at pupunta na ko sa bahay nila Edward. "Problema mo beh?" tanong ng classmate ko na si trisha "Wala naman beh. Medyo inaantok lang talaga ako" "Puyat na naman? Ano kaba naman! Matulog ka kasi ng maayos. Para kana tuloy zombie nyan. Tignan mo oh!" sabay turo nya sa mata ko "May maleta kana sa baba ng mata mo. Ang cute cute pa naman ng mata mo tapos hindi mo man lang pinapahalagahan" "Hahahaha. Hindi ko alam kung matutuwa ako sa sinasabi mo o maiinis eh. Abnormal ka talaga Trish" "Maganda naman" "Mana ka lang talaga sakin" "Oo na lang" Sooo boring talaga dito. May 20 minutes pa yung prof namin na walang tigil sa kakadada. Napapansin ko lang talaga na paulit-ulit na lang yung sinasabi nya. Hindi ko tuloy malaman kung may sense yung sinasabi nya. Hahahaha. "Maaga tayong mag-oout ngayon, kasi may mga meeting ang profs. Class dismissed" sabi nung prof namin kaya naman naghiyawan yung mga tukmol kong classmates "Tara Minnie, gala daw tayo sa Sm" aya ni Trisha sakin "May lakad ako eh" "Saan naman?" "Sa bahay nila Edward eh. Papatulong sya sa mga projects nya" "Project ba talaga ang ipupunta mo dun o si .." "Tigilan mo ko Trish. Hindi sya pupunta kila Edward kasi ang alam ko ay may mga project din syang hinahabol" "Masyado ka namang defensive eh. Joke lang naman. Eto hindi na mabiro" sabay tapik nya sa balikat ko Inirapan ko lang sya ng pabiro at kinuha na ang bag ko para pumunta sa bahay nila Edward. Medyo malayo ang bahay nila Edward kaya naman sasakay pa ko ng Jeep at ng isang tricycle. Hmm, nandun kaya si Luke? Ay! Erase. Tsk. Hindi ko dapat sya hinahanap eh. Ano ba naman toh! Nakatanaw lang ako sa kalsada habang nakasuot ang earphone ko nang biglang tumunog na yung "Passenger Seat" Naalala ko na naman yung gabi na kinanta ni Luke toh. Haaay, ano ba naman tong araw na toh. Hindi ba pwedeng walang magpaalala na may Luke sa buhay ko? Kahit ngayon lang eh! Para naman makapagpahinga ang utak ko. Lagi na lang kasing nandito si Luke eh. "Dito na po" sabi ko dun sa driver at bumaba na. Naglakad ako ng konti para sa sakayan ng tricycle papunta sa bahay ni Edward "Miss, san po kayo?" tanong sakin ng driver at ibinigay ko ang block at lot ng bahay nila Edward. Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. Parang ang bigat ng pakiramdam ko, na parang may masamang mangyayari? Hindi ko alam eh! Basta, ganon yung nararamdaman ko. "Pasok ka Minnie" sabi ni Edward sakin at ginuide ako sa pagpasok ng bahay nila. Walang tao at parang sya lang yata mag-isa? "Nasan sila Tita?" "Wala sila eh. May pupuntahan daw. Mamayang gabi pa nga ang dating at baka gabihin daw sila ng sobra" "Ahh. Okay" "Kumain ka na ba?" "Hindi pa nga eh!" "Nyee? Kumaen kana muna Minnie. Eto may kanin at sinigang pa dito" "Sige" Pumunta ako sa kusina nila at naghalukay sa mga kaldero nila. Ganito po talaga kami. Parang feeling at home, nakikikain at nakikitulog sa bahay ng may bahay. Kumuha ako ng plato at ng mangkok tsaka inilagay ang kanin at ulam. "Hinay-hinay lang sa pagkain huh? Baka tumaba ka nyan ng sobra" biro nya sakin "Uy grabe ka! Hindi naman ako mataba ah. Medyo chubby lang pero hindi naman sobra" depensa ko "Hahaha, oo na! Hindi na nga eh. Kain ka lang dyan" tsaka nya ko iniwan at pumunta sa taas ng bahay nila. Syempre in-enjoy ko lang ang pagkain ko. Pero bakit ganon? Nandun parin yung feeling na parang may mabigat. Akala ko kanina, gutom lang yun. Pero hindi eh! Busog na naman ako. Corny? Natapos na din ako kumain at inilagay ko na sa lababo ang mga pinagkainan ko at bumaba na din si Edward. "Tapos kana?" tanong nya sakin habang bumababa ng hagdan "Yep! Ngayon-ngayon lang din" "May pag-uusapan tayo Minnie" seryoso nyang sabi kaya naman kumunot ang noo ko "Ano naman yan?" "It's about him --- Luke"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD