ARYA’S POV Kinabukasan ay nagpasama ako kay Kaiser para kunin ang iba ko pang gamit sa bahay ni Rosell. Nagpasya na ako, para sa magiging anak ko at para na rin sa sarili ko. Kagabi ay kinausap ni Kaiser ang kanyang abogado upang gumawa ng Divorce Agreement at ngayon nga ay hawak na ni Kaiser ang papel. Huling beses ko pang tiningnan ang aking wedding ring bago ko ito tuluyang tanggalin sa aking daliri at inilagay iyon sa isang maliit na kahon saka inilagay sa puting envelope kung saan nakalagay ang Divorce Agreement Papers. “Sigurado ka na ba sa desisyon mo?” tanong sa akin ni Kaiser ng makasakay kami sa kotse nito. “Sigurado na ako, Kai.” binigyan ko ito ng isang ngiti upang ipakita na sigurado na ako sa aking desisyon. Huminga ito ng malalim at kita ko sa kanyang mga mata na kahit

