KAISER’S POV Tahimik lang ako at pinagmamasdan si Arya habang inaayos ang gamit nito. Kakatapos lang ni Arya makausap ang kuya nito na si Couran at dala ng kuya niya ang mga gamit nito. Gusto ko sanang bigyan sila ng privacy upang makapag- usap kaya lang ay pinigilan ako ni Arya. Gusto nito na marinig ko rin ang plano nito at ang rason nito ay dahil ako raw ang tumutulong sa kanya. “Mas mabuti nga siguro kung umuwi na lang kayo sa probinsya. Isama mo si Cedric para may makakasama ka roon” rinig kong sabi ng kanyang kuya. Bago tuluyang umalis ang kuya nito ay nangako itong babalik upang ihatid sila ni Cedric sa probinsya. Nakakatitig lang ako sa kanyang maamong mukha na matagal ng bumighani sa akin. Sa aking puso ay nakakaramdam ako ng saya na may pag- asang maging sila pero

