“Arya, maayos na ba ang pakiramdam mo?” Tanong ni Kaiser kay Arya na nang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin makapaniwala dahil sa sinabi ng doktor. “Kaiser, buntis ako..” nakatulalang sabi nito kay Kaiser. Hinawakan ng binata ang kanyang kamay. “Hindi na lang ikaw ang nagmamay- ari ng katawan mo kung di dalawa na kayo ng baby mo kaya dapat alagaan mo na ang sarili mo. Makinig ka sa sinasabi ng doktor, kung gusto mo maging maayos ang anak mo, dapat ay alagaan mo ang sarili mo at lumayo ka sa stress” anang binata habang pinipisil pisil ang mga kamay ng dalaga na nakatingin lang sa kanya at walang imik. “Palagi kitang nakikitang lumuluha. Sa tuwing nagkikita tayo ay palagi ka na lang umiiyak, kaya ngayon ay dapat mo ng isipin kung magpapatuloy ka pa ba o titigil ka na. Hindi na lang ikaw

