Chapter VI

1405 Words
Pagpasok ng bahay ay naabutan ko na magulo ang loob at si Chelsea ay kumakain ng kaning tutong na nasa rice cooker. Hindi na nito inilagay sa plato ang kanin sa halip ay diretso itong kumakain sa kaldero. Ang nagsisilbi nitong ulam ay ang powder ng kape na hindi man lang naitimpla sa baso. Magulo ang buhok nito na parang hindi pa nagsusuklay at naliligo kagaya ng dalawa na sina Chloe at Cedric ay Marurumi na rin ang mga damit. Gusto kong maiyak sa aking nadatnan. Hindi ko alam na ganito na ang sinapit ng aking mga kapatid. “Ate” tawag ni Chelsea sa akin na may malamlam na mata. “Ano yang kinakain mo?” “Kape po. Wala po kasi kaming tubig tska hindi po ako marunong magbukas ng kalan kaya ito na lang inuulam ko.” sabi nito “Igilid mo na yan. Ito oh may dala akong Jollibee.” ipinakita ko sa kanya ang aking dala. Ibinaba ni Cedric ang kahon na dala nito. “Cedric, may tubig pa ba na panligo?” tanong ko “Meron pa ate kaya lang isang tabo na lang. Kaunti pa kasi yung kalakal na naipon ko kaya hindi pa ako makabili ng tubig.” sabi nito “Okay na yan. Maghugas kayo ng kamay bago kumain. Pagkatapos samahan niyo ako mag- igib ng panligo niyo.Maghugas ng mabuti ha, sabunin ng maigi ang mga kamay.” sabi ko rito. Sumunod na ang mga bata sa akin, habang naghuhugas sila ng kamay ay hindi ko alam kung ano ang uunahin. Punong- puno ang laundry basket na parang ilang linggong labahan, nangangamoy na rin ang kasilyas at Ang mga hugasin ay tambak sa lababo. Isa isa kong pinulot ang mga kalat sa sahig at nagwalis upang kahit papaano ay malinis ng kaunti. Pinunasan ko rin ang lamesa na nanlalagkit na sa dumi. Nang matapos maghugas ang mga ito ay inayos ko na sa lamesa ang pagkain nila. “Wow, Chicken. May Ice cream pa! Salamat ate!” nangingislap sa tuwa ang mga mata ni Chloe “Huwag kalimutan magdasal bago kumain.” sabi ko sa mga ito. “Kain na kayo, ubusin niyo yan ha” sabi ko sa mga ito ng matapos silang magdasal. Parang mga gutom na gutom ang mga ito. “Ate, ang sarap ng chicken” sabi ni Chloe habang tahimik na kumakain ang dalawa “Dahan- dahan baka mabulunan kayo niyan” sabi ko dahil diretso ang pagsubo ng mga ito kahit na puno na ang kanilang mga bibig. “Wala pa kaming maayos na kain,Ate. Yang kanin tira pa namin kaninang umaga yan.” sabi ni Cedric “Bakit. Hindi ba nagbibigay ng pagkain si kuya?” “Nagbibigay po ate kaya lang kasi kakaumpisa niya lang sa trabaho kaya nagtitipid kami tska hindi na nagsusugal si kuya.” sagot nito “E di sana tinawagan niyo ako.” “Hindi namin alam number mo ate, Si Nanay at si Ate Carol lang ang may alam tapos dinala pa ni Ate Carol yung cellphone na ibinigay mo sa akin pang online class.” “Pumapasok pa ba kayo?” tanong ko pa “Hindi na po ate, Mahigit isang linggo na po” “Isang linggo? Akala ko ba Myerkules lang umalis si Nanay?” Takang tanong ko dahil sa loob ng dalawang linggo ay halos apat na beses akong nagpadala dahil nanghingi si Carol at si Nanay. “Nung isang linggo pa po, de bale sampung araw na wala rito si Nanay. Si ate Carol naman noong martes lang umalis.” saad ni Cedric Nanlata ako sa aking nalaman. Para akong nagoyo ng aking kapatid at ni Nanay. “Sige na, hayaan niyo na. Kumain kayo ng kumain” saad ko Naiiyak akong pinagmamasdan ang aking mga kapatid. Pagkatapos kumain ng mga ito ay nagpasama ako kay Cedric na mag- igib dahil binibili ang tubig dito pagkat wala kaming sariling kontador. “Corienne, huwag ka na mag- igib sa malayo. Dito ka na mag- igib sa akin” sabi ni Aling Adel ng makita akong may dalang timba. Nagtanong rin ako sa kanya kung baka pwede kong maupahan ang washing machine nito para malabhan ang mga damit ng aking kapatid. Maswerte dahil mabait ang ginang dahil bukod sa Washing ay pinahiram na rin nito ang Dryer nito. Pinaliguan ko ang aking mga kapatid at nang makaligo ang mga ito ay tinulungan naman nila ako sa paglalaba kaya kaagad kaming natapos. “Aling Adel, magkano po ang utang ng mga kapatid ko?” “Nasa 1,500 lahat” sabi nito at ipinakita ang notebook ng listahan ng utang. Naglabas ako ng dalawang libo at ibinigay rito. “Okay na po ba yan? Kasama na rin po sa tubig at sa nahiram ko na washing at dryer niyo.” Sabi ko “Malaki na ito, salamat ha” nakangiting sabi nito. “Yung bill niyo pala sa kuryente dumating na, may disconnection notice na rin kayo at ilang buwan na hindi nakakabayad ang nanay mo.” pumasok ito sa loob ng bahay at saka ibinigay sa akin ang bill. Nagulat ako dahil sa laki ng aming bill. “Corienne, pakiramdaman mo nga yang kapatid mong si Chelsea.” ani Aling Adel “Bakit po?” “Aba’y parang laging matamlay at hirap huminga. Baka inaatake na naman ng asthma niya” sabi pa nito Nagpasalamat ako sa ginang dahil kahit may pagkachismosa ay siya pala ang nagkukusang magbigay ng ulam sa mga kapatid ko tuwing tanghali. Kinagabihan ay dumating si Kuya at nagulat ito ng makita ito. “Oh, Corienne. Napadalaw ka?” tanong nito na naka- construction pang uniform “Kinakamusta ko lang sina Chelsea” “Oh Corienne, nagbago na ko gaya ng ipinangako ko.” sabi ni kuya at kumuha ng tubig sa lamesa “Mabuti naman.” “Gusto ko na talaga magbagong buhay talaga para sa magiging pamilya ko.” sagot ni kuya Napatitig ako sa sinabi nito. “Magiging pamilya? Mag- aasawa ka na kuya?” gulat kong tanong “Buntis na kasi Girlfriend ko, Corienne at kailangan kong suportahan mga pangangailangan niya ngayon gaya ng check up at gamit ng bata.” kakamot kamot ng ulo na sagot ni Kuya “Paano sina Cedric kuya? Wala silang kasama. Alam mo ba ang itsura nila ng dinatnan ko kanina? Mga mukha silang pulubi na pinabayaan ng pamilya!! Hindi ba kayo naawa ni Nanay sa mga kapatid natin?” naiiyak na sabi ko. Gusto kong ilabas ang lahat ng hinanakit ko. Mag- aasawa siya? I aatang na naman nila sa akin ang lahat ng pasanin pagkatapos ko silang tulungan at magbago, Hindi ba sila naawa sa mga bata na daig pa ang mga batang nakatira sa lansangan na naghihintay na may magpakain sa kanilang kapitbahay. “Kung hindi ko susuportahan GF ko kakasuhan ako ng tatay niya Corienne. Tutal ikaw ang may magandang trabaho at may tinapos, ikaw na ang bahala sa kanila. Wala na si Nanay dito, nasa kabilang barangay na at may kinakasama. Wala rin akong maitutulong na malaki sa kanila.” saad pa ni Kuya. Kinabukasan ay nagdesisyon akong dalhin ang mga kapatid ko sa apartment na aking tinutuluyan. Dahil balak na rin ni kuya na puntahan ang girlfriend nitong buntis kaya kesa maiwan na naman ang tatlo ay isinama ko na ang mga ito. Ang dala ko kahapon na grocery ay inuwi ko na lang dito para stocks namin. “Dito na muna kayo habang nasa school ako ha. Manood na muna kayo ng TV o kaya magcellphone, basta huwag kayong aalis dito. Kukunin ko ang Card niyo sa dati niyong school para makapasok na kayo bukas tapos bibili tayo ng uniform niyo pagdating ko.” sabi ko sa mga kapatid ko bago ako umalis. “Cedric, bantayan mo mga kapatid mo ha. Huwag makulit at makikipagbarkada sa labas. Check mo si Chelsea lagi.” bilin ko pa kay Cedric dahil ito ang mas nakakatanda. “Kapag nagugutom kayo, may pagkain diyan sa ref. May mga pagkain din diyan sa cabinet” huling hirit ko bago tuluyang lumabas ng bahay.. Kinausap ko rin ang kapitbahay ko na ginang upang tingnan tingnan ang mga kapatid ko. Balak ko rin maglagay ng cctv sa loob kahit yung mumurahin lang para makita ko ang kalagayan nila. Kahit papaano ngayon ay panatag akong makakapagturo dahil alam kong nasa maayos na kalagayan na ang aking mga kapatid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD