Chapter V

1492 Words
Kinabukasan, matapos ang gabi na may nangyari sa amin ni Sir Rosell ay masaya akong pumasok sa club. Umaasang mas lalalim ang aming pagkakaintindihan. “Oh, Arya. Ang aga mo yata nagyon.” puna ni Yllah sa kaibigan ng makita ako. “Walang pasok kanina di ba, Sabado kaya maaga na ako pumunta rito.” saad ko pero ang aking leeg ay magkanda haba sa paghahanap kay Sir Rosell. Tinitingnan ko ang bawat sulok ng club at umaasang andito na ito. Sabi kasi ni Manager ay alas syete palang daw ng gabi ay naririto na ang lalaki, kaya imbis na alas otso ako pumasok ay inagahan ko para mas mahaba ang aming pagsasama. Masakit pa ang aking pwerta dahil sa ginawa namin kagabi pero ito lang ang oras na pwede ko siyang makita at makasama. Gusto ko sanang makasama siya kahit sa huling mga araw ko rito sa club. “Ang lapad ng ngiti mo, samantalang kapag pumapasok ka rito laging seryoso o di kaya nakasimangot ka. At base sa kinikilos mo ay mukhang hinahanap mo siya.” nakatitig sa akin si Yllah “ Hindi ah, Tinitingnan ko lang kung maraming tao.” “Yan ang sabi mo eh. Kamusta na pala kuya mo?’ tanong nito. Maaga pa naman kaya habang nag- aayos kami ay may oras pa kami para magkwentuhan. “Yun nga eh, kakausapin ko si Manager na baka huling pasok ko na bukas. Nakalabas na si kuya sa kulungan at nakaipon na rin ako ng kaunti para sa pambudget ng mga kapatid ko.” Sagot ko rito. Gumuhit ang lungkot sa aking puso, dalawang gabi na lang ang nalalabi at baka hindi ko na muling makita pa si Sir Rosell. Nahihiya naman ako tanungin ito tungkol sa number nito o ang personal information nito. Isa pa, wala akong karapatan magtanong dahil bayad ang bawat oras na kasama niya ako. “Bakit ka malungkot? Hindi ba gustong gusto mo na umalis ka rito sa lugar na ‘to pero bakit ang sad mo?” tanong ni Yllah ng mapansin ang pagtahimik ko “Wala, hindi naman ako malungkot.” sabi ko saka nagpatuloy sa paglalagay ng make- up sa aking mukha. “Arya, payong kaibigan lang ha. Huwag ka masyadong maattach sa customer mo, alam mo ang trabaho natin. Hindi tayo pwedeng mainlove sa customer natin dahil paniguradong masasaktan lang tayo.” payo nito sa akin “Alam ko naman yun. Hindi ko nakakalimutan.” pagrarason ko saka tumayo at nagpalit ng aking susuotin. Habang naghahanap ng aking susuotin ay ang tanging laman ng aking isipan ay ang mukha ni Rosell na nakatingin sa akin. Naipilig ko ang aking ulo dahil sa naisip. Kakasabi lang ni Yllah pero heto at iniisip ko na naman siya. Kailangan ko na pigilan ang aking nararamdaman bago pa mas lalong lumala at masaktan lang ako sa bandang huli. “Arya, ikaw ang magpeperform mamaya sa stage pagkatapos ni Yllah.” sabi ni Kat ng pumasok sa dressing room. “Nasaan si Manager?” tanong ko rito “Nasa kabilang club na hinahawakan niya, may bagong recruit kaya kailangan niya bantayan. Ako na raw muna ang bahala” sabi ni Kat habang sinisipat ang mukha sa malaking salamin pagkatapos maglagay ng lipstick sa mapula na nitong labi. “Magready ka na ha, maraming tao ngayon since weekend. Galingan mo.” sabi pa nito bago lumabas. Sumilip ako sa pinto at muling iginala ang aking mga mata sa kabuuan ng club na para bang may hinahanap. Mas lalong nanaig ang lungkot sa aking puso ng sumunod na gabi ay maski na anino ni Sir Rosell ay hindi ko nakita sa loob ng club. “Sigurado ka na hindi ka na magsasabi ng personal kay Manager, Arya? Baka magalit yun” may pangambang tanong ni Devin na kasama na rin namin ni Yllah ngayon. “Kayo na lang magsabi, hindi ko na matawagan si manager nagpalit yata ng number.” “Naku, Arya baka pati kami ay pagalitan ni manager. Hintayin mo na lang kasi baka bukas andito na yun” saad naman ni Yllah “Hindi na, habang tumatagal ako rito pakiramdam ko ay magkakaanxiety ako na baka may makakilala sa akin. Alam naman na ni Manager na pansamantala lang ang pagttrabaho ko rito, usapan na kasi namin yan bago ako ulit pumasok.” saad ko “Sigurado ka ba na iyon lang, mukha ka kasing dissappointed. Dahil ba hindi mo nakita ang favorite customer mo?” ani Yllah na kinurot pa ako sa bewang “Hay naku, Arya. I’m telling you ha. Balutin mo ng bakal ang puso mo bago ka pa masaktan ng sobra.” sermon ni Devin “Oo na, sige na. Aalis na ko may klase pa ako mamaya.” paalam ko dahil paniguradong naikwento na ni Yllah kay Devin ang tungkol sa amin ni Sir Rosell at sermunan niya rin ako. Sa mga nagdaan na mga araw ay bumalik sa normal ang aking pamumuhay bilang isang guro. Kahit ilang buwan na ang nakakalipas ay hindi mawala sa aking isip ang gabing pinagsaluhan namin ni Sir Rosell. Marahil ay kagaya lang rin ito ng ibang lalaki na pagkatapos makuha ang gusto ay aalis at mawawala na parang isang bula. Halos dalawang buwan rin akong kinabahan sa pag- aakala na nakabuo kami kaagad dahil sa dalawang buwan akong hindi dinatnan. Mabuti na lamang ay nadelayed lang pala ako dahil kung nagkataon ay malaking problema ang aking kakaharapin. Araw ng biyernes at nakapag desisyon ako na dalawin ang aking mga kapatid at makasama sila. Ang lugar kung saan ako lumaki ay sa isang masikip na eskinita. Magulo, masikip, maputik, maingay. Tanging tao lang at motor ang pwedeng pumasok sa loob. “Ate!” salubong sa akin ng aking kapatid na si Cedric ng makita niya ako habang naglalakad. Anim kaming magkakapatid: Si Kuya Couran ang panganay- 24, sumunod ako, si Carol- 16,Cedric-14, Chelsea- 7 at ang bunso si Chloe na 5 years old. Gusto kong sisihin sina Nanay dahil sa hirap ng buhay ay nagawa pa nilang mag- anak ng marami. Siguro dahil sa wala silang ibang libangan kaya paggawa ng bata ang ginawang libangan. “Kamusta? Nagdala ako ng pasalubong na gusto niyo” Nakangiting sabi ko sa kapatid ko at pinakita ang dala kong paper bag ng pulang bubuyog. “Wow, salamat ate. Tulungan na kita diyan sa dala mo ate, mukhang mabigat” sabi nito at kinuha ang dala kong box na naglalaman ng pinamili ko sa kanilang pangangailangan gaya ng de lata at noodles. “Nasaan si Nanay?” tanong ko sa aking kapatid habang naglalakad kami patungo sa aming bahay. “Hindi pa po, umuuwi nung myerkules pa” sagot nito “Hindi pa umuuwi? Eh sinong kasama niyo?” Tanong ko rito “Wala po, kaming tatlo lang nina Chelsea at Chloe” “Eh si Carol at ang asawa niya?” “Umalis na po sila, doon daw po muna sila sa magulang ni kuya Gilbert titira.” “May iniwan ba sa inyong pera?” “Wala po.” Napahinto ako sa paglalakad “Wala? Eh nagpadala ako kay Carol noong Lunes ng pambaon niyo, hindi ba nag- iwan sa inyo?” naiinis na tanong ko. “Nag- iwan po siya tig- bente kami nina Chloe” sagot nito Naihilamos ko ang aking kamay sa aking mukha sa sobrang inis at awa sa aking mga maliliit na kapatid. “Chloe! Nandito si Ate!” sigaw ni Cedric sa kapatid na nakikinood sa kapitbahay. Kita ko ang ngiting gumuhit sa mga labi ng aking mga kapatid ng makita nila ako. Para namang piniga ang aking puso ng makita ang kanyang itsura. “Ate!” tumatakbong sigaw ng aking kapatid at niyakap ako. “Si Ate Chelsea mo nasaan?” tanong ko dahil hindi ko pa ito nakikita “Nasa bahay po, nagugutom daw po kasi siya.” sagot nito “Wow, Jollibee. ” tuwang tuwa na sabi ni Chloe ng makita ang hawak ko. “Tara na at para makakain na kayo” sabi ko at inakay ang aking kapatid. Bago kami makarating sa aming bahay ay may tindahan kaming madadaanan. “Corienne! Ikaw ba yan?” tanong ng tindera “Opo, Aling Adel. Kamusta po?” tanong ko “Ay naku, mabuti at napadalaw ka. Ilang araw na hindi umuuwi ang nanay mo diyan, ang balita ko ay may bagong kinakasama. Malaki na rin ang utang niyang mga kapatid mo kaya kung meron ka diyan baka pwedeng pakibayaran, luging lugi na ako sa mga kapatid mo kaya hindi ko na muna pinautang. Wala pa raw sahod si Couran kaya hindi makabayad” kwento pa ng tindera “Sige po, Aling Adel. Bayaran ko po mamaya, nandito naman po ako hanggang linggo.” sagot ko bago nagtuloy sa aming bahay. Pagpasok ng bahay ay mas lalo akong nahabag sa aking mga kapatid.. Paano nasisikmura ng aking ina na iwan ang aking mga kapatid na walang matandang kasama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD