ARYA’S POV Medyo nakahinga ako ng maluwag nang mga sumunod na araw ay madalang ko na makita sa school si Sir Rosell. Hinahatid lang nito si Kiev pero sa hapon ay ang bantay na ng bata ang nagsusundo. Ganun pa man may parte ng aking kalooban na hinahanap ang presensya ng lalaki. May mga pagkakataon na napapatingin ako sa bintana kung saan ito lagi nakatambay. Sa tuwing bubuksan ko ang pintuan ay umaasang nasa labas ang lalaki at matiyagang naghihintay. Napabuntong hininga ako sa kakaisip rito. Parang hindi kumpleto ang aking araw na natapos. “Pauwi ka na, Cher? Gusto mong sumabay?” tanong sa akin ng ilan sa mga co- teachers ko na may sasakyan “Okay lang ako, Ma’am. Salamat, may dadaanan pa kasi ako” pagdadahilan ko dahil nahihiya na rin ako na palaging nakikisabay. Nagpatuloy ako sa p

