ROSELL’S POV Unang kita ko palang sa guro ni Kiev ay may kung anong nararamdaman ang bumuhay sa aking puso, maging ang aking katawan ay parang kilalang kilala ito. Ang sandaling pagdampi ng aming mga braso ay nagpagana sa sirkulasyon ng aking katawan. Natagpuan ko na lang ang aking sarili na palaging nakatanaw rito mula sa bintana. Siya ang naging motibasyon ko upang mas mapalapit ako sa aking anak na si Kiev. “Dad, You know. I really really like Teacher Corienne. She’s not only beautiful but also kind to me. Sana siya na lang ang mommy ko.” paulit- ulit kong naririnig na sinasabi ng aking anak sa tuwing magkasama kami. Ultimo sa sasakyan, pagkain at maging pagtulog ay pangalan ng guro nito ang bukambibig nito. That night, napagdesisyunan kong liligawan ko siya. Sa ayaw at sa gusto

