Normal

1785 Words
Chapter 4 Kasalukuyan akong nandito sa kwarto ko. Nagmumuni-muni lang but it’s a joke. You know I still need rest to recovered. But sad to say I can’t do that. Kasi kahit gusto ng mga kasambahay dito sa bahay na magpahinga lang ako. Yung parents ko naman ayaw. Lalo na yung nanay ko. Dapat daw ako maglaba ng mga damit ko, ako daw mag ligpit ng mga kalat ko kasi sa akin naman yun. I know naman ang dapat kong gawin kasi ever since naman ako na gumagawa noon but hey I just got out from hospital. Kagigising ko lang sa coma duh. Pero I don’t have a choice. They will get mad at me. At kung sasabihin n’yo naman na I’m already old enough para hindi bumukod. Ito lang rason d’yan; they won’t let me stay away from their eye sight ng matagal dahil baka maging dahilan ako ng pagkasira ng pangalan ng pamilya and the other reason is I’m trying to win their attention at ayaw ko lang din na magalit pa sila lalo sa akin. At saka yung galit naman nila sa akin hindi ko alam kung bakit at hindi ko alam kung kailan at paano nagsimula yun. Basta ang natatandaan ko lang na noong bata pa ako ramdam ko na ang pagiging cold ng treatment nila sa akin. Halimbawa na lang if may mga bisita dito sa bahay na mga katrabaho nila Mom and dad or business partners hindi nila ako pinapalabas ng room ko na katabi ng maid’s room. Si kuya nga lang ang palagi nilang sinasama sa mga gatherings kaya si kuya lang din kilala ng lahat bilang nag – iisang anak ng nanay at tatay ko. At kung ikokompara naman ang relationship namin ng kuya ko masasabi kong mas better naman kumpara sa relasyon namin ng parents ko. He didn’t treat me bad naman at saka sabi ni Tita dumalaw naman daw dun si kuya sa hospital. At saka bestfriend ni kuya yung bebe ko, as in jowa ko. His name is Seven Kennedy. Sosyal ng name no. Two years na rin kami. Kasama na dun yung 1 year na coma ako kaya hindi kami nakapag celebrate ng 2nd Anniversary. Speaking of, kanina pa pala tumatawag ang aking boyfie. I’m busy na naman sa aking daydreaming kaya hindi ko napansin na tumatawag si boyfriend. Kaya wait lang guys sagutin ko lang yung call “Hello Kimmy BAE” pagbati n’ya sa akin agad pag kasagot na pagkasagot ko pa lang. “Hello bebe ko” sagot ko naman na natatawa tawa pa kaya tumawa na rin because he doesn’t like it. Kaya ginamit ko yun pang asar ko sa kanya. “Yah, I told you not to call me that. By the way kamusta naman ang BAE ko” sabi n’ya para di ko na asarin. Pero dahil mabait ako a – asarin ko pa rin s’ya. “Doing well naman po bebe ko” sagot ko na nagpatawa sa kanya ng sobra that made me smile genuinely. “Pwede ka na bang lumabas, date tayo to celebrate our anniversary” tanong nya na nagpakilig sa akin. “Paalam muna ako ha, sana payagan. Kapag pinayagan ako puntahan kita sa condo mo. Ok ba yun tapos gala na tayo” sabi ko sa kanya. I hope na payagan ako. “Tapusin ko lang yung ginagawa ko then papaalam na ko. Kitakits na lang kapag pinayagan ako bebe ko. Hahahaha. “Sana payagan ka nila. Miss na miss na kita. One year kitang hindi nayakap at nakasama sa mga gala ko” pag – dadrama niya “Asus ang drama naman po ng bebe ko na yan.” Pang – aasar ko pa muli sa kanya “ I do really miss you” seryosong sabi n’ya. “I miss you too.” Sagot ko naman sa kanya na walang halong biro “ Puntahan na kaya kita dyan, sunduin na kita. Para ako na mag papaalam para sa’yo.” “Huwag na kaya ko na to. Wala naman sila Dad at Mom kaya sure na makakapunta ako. Nasaan ka ba n’yan ngayon. Para after I finish what I’m doing gora na ako” sabi ko habang nagba – vacuum ng kwarto ko. Mukha kasing minsan lang nalinis mula ng na coma ako. “Ano bang ginagawa mo. Do you need help. Gusto mo puntahan na kita dyan at tulungan” sabi nya na nagpangiti sa akin at kinikilig. “No need patapos na rin naman. San ba tayo magkikita?” “Sa office ko na lang, nasa condo ko pa ako e.” sagot nya. Anong oras na a, bakit nasa condo pa kaya s’ya? “Ok see you later na lang. Bye bye bebe ko.” Sabi ko at tumawa pagkatapos “Hays, see you later. Mga lunch ka na lang pumunta ha. See there. Bye bye BAE” sabi nya at pinutol na ang tawag. Muntik ko nang makalimutan I still have him pa pala. Sa sobrang pag – iisip ko ng mga negative things I almost forget about him. Na kahit almost all of them hindi ako pinapahalagahan, he stay and he didn’t let me feel alone. Pero ano kaya meron dun sa lalaking yun. Anong oras na pero di pa rin pumapasok sa office. Better na tapusin ko na to at sa condo niya na ako pupunta. Baka masama ang pakiramdam nung lalaking yun e. I have a spare key naman. Tinignan ko ang kabuuan ng kwarto ko and inspect baka marumi pa e. At ng makita kong malinis naman na kumpara noong tinulugan ko kagabi ay nakontento na ako. And decided to take a bath. After a few minutes Ng matapos akong maligo at magbihis. At nagayos na rin ng kaunti. Nakita kong 10 pa lang. Pero dahil mabait ako at nag-aalala sa aking jowabels ay pupuntahan ko s’ya sa kanyang condo unit. Yayamanin yang jowa kong yun. Kasosyo ng parents namin sa business sila. At kinakapatid sya ni kuya saka bestfriend din. We grew up together but ako palihim lang nakakalaro sila ni kuya. Bawal makita ng iba. Pati nga rin itong pagiging mag jowa namin sekreto lang. Masyado lowkey lang dapat kami. At sabi ko nga sa inyo yung samahan namin ni kuya hindi pangit. Tama lang kapag gusto ni Seven makipagkita si Kuya yung nagiging tulay namin. Sya nagiging way namin para di mahalata. I better get going na. Nagaalala talaga ako. Minutes had passed Pagtingin ko sa orasan ko ay 10:36 na. Buti na lang at hindi traffic kay ito na ako sa harap ng building ng condo unit ni bebe ko. Hindi ko na sya tinawagan para I – surprise s’ya. I hope hindi ito katulad ng mga nababasa ko na may maaabutan na kung ano. _____________________ Room 624 Oopps muntik na akong lumagpas. Buti na lang at nakapag preno. At dahil di alam ng bebe ko na dadating ako kaya gagamitin ko ang spare key. Nang mabuksan ko ang pinto, naririnig kong may kausap s’ya. Wrong timing ata ang pagpunta ko. Kaya para hindi ako makita pumasok na lang ako sa may CR. At dahan dahan na isinarado. “Bro, pano ko sasabihin sa kanya?” pagsisimula ni Seven “Bro hindi ko din alam. Alam mo naman how she suffered right. Hindi ko ata kakayanin na masaktan pa s’ya” wait boses ni kuya yun a. “Ano Seven itutuloy mo pa ba o bibitaw ka na?” “Hindi ko alam. Hindi ko alam ang gagawin ko. Mahal ko yun. Mahal ko ang kapatid mo, Zian. Pero ano ang gagawin ko” ano ba yung pinaguusapan nila. I know it’s about me pero bakit iba yung pakiramdam ko dito. Unti – unti nang naninikip yung dibdib ko kasi alam kong may mali. “Be a man bro. Know your responsibility. At alam kong masasaktan ang kapatid ko pero makakalimutan ka nya din after sometime” “No, no. Hindi ako papayag na makalimutan n’ya ako bro. Hindi ako papayag. Ipaglalaban ko s’ya kahit mawala na sa akin ang lahat huwag lang si Kim.” Puno ng frustration na sabi ni Seven. Sumisinghot na rin s’ya. Kaya sigurado ako na umiiyak na siya. Ano ba kasi ang nangyayari. Bakit s’ya umiiyak. Tungkol ba saan iyong pinaguusapan nila. Kagigising ko lang from coma pero ano na naman ito. “At ano ang mangyayari ha Ven. Ang kapatid ko ang magdudusa ng lahat, s’ya ang sasalo ng lahat ng mali ha. Sa totoo lang galit ako sayo Ven. Galit na galit.” Halos pasigaw na sagot naman ni kuya kay Seven. “Hindi ko naman alam e. Nasasaktan ako ng mga oras na yun. Ubos na ubos ako nun. Dumagdag pa yung nalaman ng parents ko ang about sa amin. Alam mo namang tutol sila diba. Pero…” sabi ni Seven pero pinutol ni kuya “Kaya ano pumatol ka sa iba at sa pinsan pa namin. Tapos ngayon napatunayan na anak mo yung sanggol gusto mo maging kept woman ang kapatid. Gusto mong maging home wrecker s’ya ganun ba ang gusto mong mangyari” galit na galit na sigaw ni kuya na nagpagulat sa akin kaya napasigaw ako. Pero mas nangingibabaw sa akin yung sakit sa mga nalaman ko. “Si – sino yan nandyan” katok ni Seven sa pinto na dahilan kung bakit napahagulgol na ako. “Zia, zia ikaw ba yan. Buksan mo yung pinto si kuya to” sunod sunod na katok ni kuya. “Get the f**k**g key Kennedy. Baby sis, buksan mo yung pinto please.” Paki usap ni kuya pero nanatili lang akong nakasalampak sa sahig at umiiyak. Nang narinig ko ang pag – click ng doorknob na tanda na bukas na ang tanging harang para hindi ko sila makita ay lalo akong napahagulgol “Kimmy…” tawag ni Seven pero hindi ko sya pinansin bagkus kay kuya ako tumingin “Kuya, please get me out of here” pakiusap ko kay kuya at nilapitan ako ni kuya saka inakay patayo. Nang mapadaan kami ni kay Seven ang sama ng tingin ni kuya dito habang ako ay sumulyap lang at bigla ko na lang iniwas ang tingin dahil hindi ko s’ya kayang makita. Kaya hinigit ko na lang si kuya palabas “Seven Kennedy, katulad ng sabi ni kuya be man. Panindigan mo ang ginawa mo. Happy Anniversary pala. And let’s break up.” Sisinok sinok kong sabi at tuluyan na ngang lumabas ng unit. Akala ko nandyan sya para sa akin. Kaya pala may iba kanina habang mag kausap kami. Meron pala talagang mali. Umasa na naman ako. Sabagay sanay na naman ako sa ganitong sakit. Normal na ito, walang pinagbago.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD