Chapter 3.2

1778 Words
Maaga siyang nagising kinabukasan. Pinakain niya muna si Tobi at saka naligo. Pagkatapos gumayak ay may narinig siyang bumisina sa labas. Sinilip niya ito at nakitang si Lucas. Gaya ng dati ay pumasok na ito nang tuloy-tuloy sa loob. “Magandang-umaga po, senyor! O, ‘yan, hindi kita tinanong kung bakit ka nandito.” “Naitanong mo na.” Napairap siya. “Bilisan mo, halika na.” “Sabay ulit tayo?” Siya naman ang inirapan nito. Habang nasa sasakyan, naisipan niya itong tanungin. Gusto niyang malaman ang tunay na motibo nito. Hindi puwedeng dahil gusto lamang siya nitong makasama. Imposible. Ang mga hindi nga kasikatan sa eskuwalahan nila ay hindi siya napapansin, ito pa kayang may katungkulan? “Lucas?” Tumingin ito sa kaniya. “Bakit mo ‘to ginagawa?” “Ang alin?” “Ito. ‘Yong pagsundo mo sa akin sa umaga, paghatid at ‘yong sa shop noon, ibinigay mo sa akin ‘yong sukli mo. Tapos isinali mo pa ako sa Harmony. Ni hindi naman tayo magkakilala talaga. Nagtataka lang ako kung bakit napansin mo ako, eh, halos walang nakakakilala sa akin sa school. Ano ba ang motibo mo?” Matagal bago ito sumagot. “Sabihin na nating naiinip ako o naaawa ako sa ‘yo. Mukha kang pulubi.” Muntikan siyang masamid sa sinabi nito. Kahit kailan talaga ay blunt ito. “Iyon lang ba talaga ang dahilan?” “Nagdududa ka?” “Mmm." Tumango siya. "Pero kung ‘yon talaga, pakiusap ‘wag mo akong kaawaan.” “Bakit naman?” “Naa-appreciate ko lahat, pero 'wag mo akong kaaawaan. Ipinanganak akong walang deperensiya. Oo nga't hindi ako mayaman and I have no parents, pero napalaki naman ako nang maayos at tinuruan akong maging mabuting tao. Doon pa lang, masuwerte na ako, because no one can steal it.” “CONGRATULATIONS, students! I'm so impressed! Talagang pinaghandaan n’yo ang activity. Sana parating ganiyan." Kahit kailan talaga ay napakatinis ng boses ng teacher nila na ito—si Teacher Onin. Mataba ito kaya hindi aakalaing ganoon ang boses ng guro. Halos lahat nga ng nakakakilala ritong mga estudyante ay natatawa kapag nagsasalita ito, lalo na kapag nanenermon. Kay imbis na katakutan, nag-e-enjoy pa ang mga loko-lokong na-detention. "Okay, para sa group ni Vanessa, bilang may pinakamataas na nakuhang puntos, pumunta kayo rito sa harap. Please give a big round of applause to these ladies; Vanessa, Phoebe and Mica!” Nagtayuan naman ang mga nabanggit maliban sa kanya. Pinalakpakan ang mga ito. “Teacher Onin, we just wanna mention Gabriella. Si Gab po kasi talaga ang halos gumawa ng lahat. Idea niya po lahat ‘yan,” wika ni Vanessa. “Yes po, Ma'am,” dagdag pa ni Phoebe. Napatingin siya sa mga ito. Itinuro siya ni Vanessa sa guro. Nakita niya ang pagtaas ng kilay nito. “Really? You impressed me, too... ah...” dagli itong natigilan at napaisip. “Gabriella po,” bulong ni Vanessa. “Oh, yes! Gabriella! Palakpakan n’yo si Gabriella!” Ngumiti ito nang bonggang-bongga. "Hindi kita madalas mapansin kasi. Anong apelido mo?" "Sullivan po." "Ikaw pala 'yon. Hmm," Napatango ito kapagkuwan ay pumalakpak ng dalawang beses. "Okay, go back to your seats! Go back to your seats!" Nang matapos ang mga klase ay nagtungo siya sa library. Isasauli niya ang huling librong nahiram niya. “Oh? Nag-log in ka ba?" tanong ng librarian. “Opo.” Napabuntong-hininga siya. Paano ay kala-log-in niya pa lang. Por que hindi siya kilalang estudyante, ganoon ang treatment sa kaniya? Tinungo na niya ang shelf at doon naghanap ng bagong babasahin. Umupo siya sa pinakasulok nang may tumabi sa kaniya. Paglingon niya ay si Lucas. Nagulat siya sa pagsulpot nito. “Bakit ka nandito?” Nakatutok ang mata nito sa librong binabasa. “How about you, bakit ka nandito?” “Magbabasa ako.” “Exactly.” “Anong binabasa mo?” Hindi ito sumagot kaya hinayaan niya na lamang. Mayamaya ay nagsalita ito. “Gusto mong malaman?” Napalingon siya rito at tumango. “Nagbabasa ako ng mga tips about courting...” “Meron ba n‘on dito?” “Wala. Kaya tatanungin ko na lang sa iyo kung paano kita makikilala pa nang husto.” Parang hindi gumana ang utak niya nang mga sandaling iyon. Hindi kaagad siya nakabawi sa narinig. Nanatili siyang nakatitig dito habang ramdam ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Ibinaba nito ang hawak na libro at humarap sa kaniya. “I want to know you more, Gabriella.” "A-ah..." Hindi niya alam ang sasabihin. Blangko ang isip niya. Ano nga ba kasi ang dapat isagot niya rito? Gusto rin kitang makilala nang lubusan? Enebe!? “Gabriella?” “Ay enebe!” “Enebe?” “Ah, ano, I mean, hindi kita ma-gets.” Umusog ito palapit pa sa kanya kaya naman napalunok siya at lumayo nang bahagya rito. Nakita niya ang mapuputing ngipin nito nang ngumiti ito. “L-lucas? A-ano ‘yan, ha? Bakit ka lumalapit?” Hindi siya nito pinansin. “Lucas—” “Die, mosquito.” Kinuha nito ang kawawang lamok na pinitik kapagkuwan ay tumingin sa kanya. “What are you thinking? You little witch.” Napatingin siya sa hintuturo nito at nakitang naroon ang sinalbaheng lamok. Gusto niyang lumubog sa kinauupuan dahil sa hiyang nararamdaman. Pinitik nito ang lamok. “Bye, George.” Namamanghang tiningnan niya ito. “Buang.” “That mosquito is George, my not-so-rude friend. And…” Sumandal ito sa upuan. “And?” “I had to kill him just to save you. And as exchange, you will come with me.” Nangingiting tinitigan niya ito. “Thank you na lang, pero may kailangan akong gawin, Mr. Frantehr.” “Then I'll go with you instead.” “Sigurado ka? Malayo ‘yon. Idi-deliver ko sa client ko 'yong painting.” “Okay lang.” Nang mag-uwian ay inihatid nga siya nito. Kaagad na gumayak siya at inihanda ang idi-deliver. Mayamaya ay may bumusina na kaya kaagad siyang lumabas. Tinulungan siya nitong ipasok ang malaking painting sa loob. Hindi siya makatingin dito. Pakiramdam niya ang awkward. Hindi siya makakilos nang maayos gaya ng dati dahil sa kabang nararamdaman sa tuwing lalapit ito. Sa tuwing tititigan siya nito ay nanginginig ang mga tuhod niya. Parati na lang ito ang nasa isip niya, 'tapos ang realization pang hindi nakakasawa ang mukha nitong maamo. Pinagbuksan siya nito ng pinto. Napaigtad pa siya nang madikit ang katawan nito sa likuran niya. Nang tatanungin siya nito ay kaagad na pumasok siya sa loob ng sasakyan. Alam niyang nakakahalata ito sa pagiging balisa niya pero hindi niya talaga makontrol ang sarili. Nang mga sumunod na sandali ay binabagtas na nila ang daan patungo sa bahay ng kliyente. Hindi niya ito kinakausap pero pansin niyang nangingiti-ngiti ito. May kung anong saya ang bumabalot sa kalooban niya na hindi niya kayang pangalanan. Nang makarating ay natanaw na niya ang kliyente sa harapan ng bahay nito. “Gabriella, mauna ka na. I-park ko lang ‘to,” “Okay,” mahinang tugon niya at hindi na ito tiningnan. Mabilis na siyang bumaba. Hindi niya kayang salubungin ang mga tingin nito. Para bang may paru-paro sa tiyan niya, kung iyon nga ang tawag doon. “Hello! Magandang-araw sa ‘yo, Gabriella!” anang kliyente niya. “Magandang-araw din po! Nandito na po ‘yong painting.” Nilingon niya si Lucas. “Ayan na po pala.” “Saglit lang, ah? May kukuhanin lang ako. Halika, pasok kayo.” “Sige po.” Ngumiti siya rito at hinintay si Lucas na makarating. “Tara.” “Ito ba ang bahay ng client mo?” tanong nito kapagkuwan ay inabot ang kamay niya saka pinagsalikop ang mga kamay nila. Para siyang natuod at nahigit ang paghinga nang maramdaman ang malambot nitong palad. Nag-iinit ang mukhang tiningala niya ito. “What? Your palm is rough,” anito at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay niya. “Palibhasa tamad ka,” paanas niya at inirapan ito ngunit lihim namang napangiti. Habang nakaupo sa sofa ay hindi niya mapigilang mapamangha sa laki ng bahay. Napakaganda ng loob at maraming mamahaling kagamitan. Siguro ay matatakot kumilos ang sinumang papasok dito dahil puro babasagin ang kagamitan. “Miryenda muna kayo—oh! Lucas?” Nagtataka siyang tumingin sa mga ito. “Tita Amor? Dito na ho kayo nakatira?” Agad na napabitaw ito para tumayo at ginawaran ng magaang yakap ang ginang. “Oo, anak. Gusto ng tito mong dito na lang manirahan. Mahirap sa Manila, hindi na maganda ang environment.” Umupo ito sa katapat niyang sofa. “Magkakilala kayo ni Lucas?” “Opo,” “So, kilala mo rin ang anak ko?” Tatanungin niya sana kung sino ang tinutukoy nitong anak nito nang bigla ay may tumawag dito. Nagpaalam sandali ang ginang para sagutin ang tawag. Napadako ang tingin niya sa isang picture frame. Nakita niya ang napakagandang dalaga roon. Marahil ito ang anak na tinutukoy nito. Sa tantsa niya ay kasing-edad niya rin ang babae. Nang tingnan niya si Lucas ay nakita niyang nakatitig din ito sa litratong iyon ng babae. Sa kauna-unahang beses sa buhay niya ay noon niya nahiling na sana ay ganoon din siya kaganda. “‘Yan na ba ‘yon, Gabriella?” Agad na nalipat ang tingin niya sa ginang na kauupo lang. “Opo, Ma'am.” Napangiti siya ngunit hindi tiyak kung tunay ba ang isang iyon. Kinuha niya ang painting at iniabot. Malaki ito at nakabalot pa. “Tita na lang din, Gab.” Binuksan nito ang kahon at napamangha nang makita ang ipinagawa. Gayang-gaya niyon ang reference na ipinagawa sa kaniya. Sa katunayan ay mas gumanda pa ito kaysa sa orihinal na kopya. “Wow! This is awesome! Ang ganda! May maidadagdag na naman ako sa collection ko. Salamat, Gab,” masayang sabi ng ginang. “Salamat din po,” Nagpatulong ito kay Lucas na isabit ito sa dingding. Napakarami nga nitong paintings sa bahay at mukhang mamahalin. Matapos ibigay nito sa kaniya ang payment ay nagulat pa siya nang sobra dahil ang ibinigay nito ay twenty thousand na dapat ay fifteen thousand lamang. Bago sila tuluyang umalis ay sinabi nitong siya muli ang kukuhanin nitong artist sa susunod. Sobra siyang nasisiyahan sa kabaitang ipinakita ng ginang. Dahil na rin siguro labis na siyang nangungulila sa kaniyang ina. Nang may libre pa siyang oras ay naglibot-libot sila ni Lucas. Kumain sila at nag-joy ride pagkatapos ay tumambay sa tulay. Nagkuwentuhan lang sila ng kung anu-ano roon. Paminsan-minsan nag-aasaran. Hanggang sa kinailangan na siyang ihatid nito dahil may pasok pa siya sa coffee shop.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD