“GABGAB!!!”
“Mari Lu?”
“Thank you so much, Sissy! Alam mo bang kami ang representative ng Telon? OMG! Ang galing-galing mo talaga!”
“Totoo!? Congrats!”
“What’s up, guys? Did you guys miss me?” ani Vanessa na paparating.
“Hindi,” pabalang na usal ni Stephen na kadarating lang kasama si Keith. Inirapan ito ni Vanessa kapagkuwan ay inaya na siya para sa activity na gagawin.
“Sa bahay kami ni Phoebe this afternoon, sama kayo?”
“Pass ako, Vaness. Gustuhin ko man kaso ihahatid namin si Dad sa airport mamaya," ani Mari Lu.
“Aw. Ingat kayo. Kayo Stephen?”
“Hindi rin, may gagawin pa ako. So paano? Una na kami—oh, wait. Gabriella?”
“What, Stephen?” bagsak ang balikat na tiningnan niya ito.
“Chill…” he said. “Favor naman, sweetie.” Hinila siya nito kay Vanessa at lumayo nang bahagya sa mga kaibigan. “Tulungan mo naman ako sa pagpa-paint, nahihirapan ako. Lalo na sa pagbe-blend ng color, please.”
“In one condition.”
“Anything.”
“Sabihin mo muna sa akin ang pangalan ng tinutukoy ko kanina.” Niluwagan niya ang pagngiti.
“Gab!?”
“Then I won't help you.” Akmang lalakad na siya nang hilahin siya nito pabalik.
“Wait, okay? 'Yon lang pala. So that guy, his name is Chopilo. Chopilo Makarugo.”
Hindi makapaniwalang tiningnan niya ito. “Stephen, I know you. Huwag mo akong pinagloloko.”
“Magtatanong ka tapos hindi ka maniniwala?”
“Seryoso ka ba?”
Pakiramdam niya siya pa ang namroblema sa pangalan nito. Bakit ba ganoon ang ilang mga magulang? Siyam na buwang nagpakahirap sa pagbubuntis tapos papangalanan lang ang anak ng hindi makatarungang pangalan? Hindi bagay sa guwapo nitong hitsura.
“Ba’t ganiyan mukha mo?” natatawang sambit nito. Hindi na niya napigilang mahawa sa tawa nito at kumawala ang malutong niyang pagtawa.
“Seryoso ka ba talaga? Stephen naman, eh!"
"Seryoso nga ako!"
"Buwisit." Muli ay napaisip siya at hayan na naman ang tawa nilang dalawa.
"Sandali, 'yong usapan natin. So, tutulungan mo na ako?” nangingiti nitong sabi sa kaniya.
“Mmm. Kailan ba kita hindi tinulungan?”
“That’s my Gab!”
PALABAS na siya ng shop nang gabing iyon, antok na antok. Wala siyang pahinga simula pa kanina dahil tinapos nila ang activity para bukas, pagkatapos ay dumiretso kaagad sa shop. Mabuti na lamang at tapos na ang duty niya.
Mayamaya ay may naamoy siyang nagtitinda ng ihaw-ihaw. Gising pa talaga ang mga tao sa ganitong oras, lalo’t bayan ito. Pumunta siya roon at bumili ng makakain, nagwawala na ang mga dragon niya sa tiyan.
Habang naglalakad patungo sa ilang benches dito, may nabangga siyang tao. May narinig siyang nahulog na gamit nito na kaagad ikinatigil ng mundo niya nang maapakan niya iyon. Mas lalong nanlaki ang mata niya—it was an iPhone 11! From... She looks up—from Chopilo!?
Kung kailan namang inaalat siya! Gaya ng inaasahan ay nagalit ito, humingi siya ng sorry ngunit kulang na kulang iyon. Anong ipambabayad niya? May barag ang screen niyon!
“Sorry talaga, hindi ko sinasadya. Babayaran ko na lang.”
“Kaya mo?” kinuha nito ang cellphone sa kaniya.
“Hindi ko kayang bayaran ng buo, pero puwede ko hulugan hangga’t sa makabayad—”
“Mukha ba akong lending?”
“Pero ‘yon lang kasi ang kaya ko. Pasensya na talaga, hindi ko naman alam.” Napayuko siya at napapikit sa katangahan.
“Tingin mo matutuwa ako kapag nabayaran mo ‘to? Konsensya ko pa kung lalo kang maghirap.”
“Kahit ano na lang ipagawa mo sa akin. Gagawin ko.”
Napaisip ito at tinitigan siya. “Katulad ng?”
“Assignments mo...”
“Puwede. Pero, ayoko.”
“Tagalaba mo? Tagalinis ng bahay n’yo, utusan mo o kahit—”
“Enough. What you said was totally bullseye. Gusto mong alilain ka ng iba kapalit ng pagkakamali mo?”
“Kung mayaman lang ako hindi na natin kailangan magtalo. Hindi ko gustong alilain ako ng kahit na sino, wala lang talaga akong ibang pamimilian.”
“Very good answer! I have a better deal for you. Come.”
Nagtatakang sinundan niya ito. Umupo sila sa isang bench.
“Sumali ka sa Harmony, bayad na ang utang mo,”
“Ano!? Ayoko!”
“C'mon, ‘wag ka na maarte,”
“Hindi ako maarte! Ayoko lang talaga, marami akong ginagawa. Halos wala na akong pahinga, saka hindi ako kumakanta.”
“I saw you,”
“Aalis na ako.” Tumayo na siya.
“Hindi ako sisipot bukas sa kanila kapag hindi ka sumali, pero kapag sumali ka sisimulan na ng team ang paghahanda. Next week na ‘yon, ikaw rin.”
“Bakit parang kasalanan ko? Konsensya ko pa talaga?”
“Yeah.” Tumatangong sagot nito.
Lalong sumakit ang ulo niya. Ang kapal ng mukha nitong paingan siya at heto naman siya nabiktima! Kung makaasta at magsalita ito ay parang hindi ito nag-aalala. Parang walang pakialam sa Harmony.
“I need your answer now.”
“Kainis. Pag-iisipan ko.” Napahawak siya sa sintido at hinilot iyon.
“Hanggang bukas ng 9:30, puntahan mo ako sa garden.”
Tumango siya at naglakad na paalis. Hindi niya na talaga kaya, sobrang sakit na ng ulo niya. Binilisan niya maglakad. Naalala niya sina Pula at Lupa, parang gusto na naman niyang maiyak.
May humintong kotse sa gilid niya. Nakita niya si Chopilo na lulan nito.
“Hop in.”
Walang pag-aatubiling sumakay siya roon. Laking-pasasalamat niya rito. Ilang minuto lang at mabilis silang nakarating sa bahay niya.
“Salamat,” aniya pagbaba.
Bumaba rin ito. “Kumain ka ba?”
“Mamaya na lang. Sige na, umuwi ka na. Baka hinahanap ka na.”
May kinuha ito sa sasakyan kapagkuwan ay inabot sa kaniya. “Kainin mo ‘yan.”
Nanuot sa ilong niya ang amoy niyong mabango. Ngumiti siya at nagpasalamat. Hindi niya maintindihan kung bakit ang bait nito sa kaniya o sadyang suhol lang ito para sumali na siya? Gayunpaman, hindi niya maitatangging natutuwa siya. Nagpaalam na siya rito at dagling tumingin.
“Ingat ka.”