Nalalapit na ang kompetisyon kung saan maglalaban-laban ang mga malalaking eskuwelahan. Ngunit wala pa siyang nababalitaang naghahanda na ang Harmony para sa laban.
“Gabriella!”
Napalingon siya sa nagtawag, sina Mari Lu at Keith pala. Lumapit ang mga ito. “Bakit?” aniya.
“Gab, help naman,” ani Mari Lu.
“Para saan?”
“Magpe-perform kami ng musical play, kung sino mananalo, magrerepresent ng Telon. Kaso hindi kami nakapag-practice,” salaysay ni Keith na sinundan ng pagtawa.
“Tumatawa ka pa talaga diyan? Kainis.”
“Tumawa ka rin!”
“Kung gano'n, kailan ba kasi kayo magpe-perform?”
Nagkatinginan ang dalawa sabay sabing, “After break time! Hehe.”
“Ha!?”
“9:40 na!”
Agad na nagtakbuhan sila patungong classroom nina Mari Lu. Doon ay nagtulung-tulong sila. Sa loob lamang ng sampung minuto ay naisaayos na ang lahat, mabuti na lamang at may pakikisama ang mga ito.
Nagpasalamat ang mga ito ngunit nag-request na kumanta siya. Tumanggi siya subalit mapilit sina Mari Lu. Bagsak ang balikat na umupo siya sa harap habang nakapalibot ang mga ito sa kaniya at matamang nanonood.
Napuno ng palakpakan ang silid kapagkuwan ay nagsitahimik para makinig.
“Na, na, na, na,
Na, na, na, na, yeah
You are the music in me.
You know the words once upon a time
Make you listen
There's a reason
When you dream there's a chance you find.
A little laughter or a happy ever after
Your harmony to the melody
It's echoin' inside my head
A single voice
Above the noise
And like a common thread.”
Sumabay sina Mari Lu at Keith, “Mmmm... You're pulling me.”
“When I hear my favorite song
I know that we belong
Oh you are the music in me
Yeah, it's livin in all of us
And it's brought us here because
Because you are the music in me
Na, na, na, na,
Oh,
Na, na, na, na,
Yeah,
Na, na, na, na,
You are the music in me...”
Matapos ang masayang kantahan ay nagpalakpakan ang mga ito. May saya siyang naramdaman sa dibdib. Tila ba nag-iba ang ihip ng hangin ng mga oras na iyon.
“Ala-Gabriella talaga ng HSM! Galing!” papuri ni Mari Lu.
"Marunong ka pala kumanta? Bakit hindi ka mag-audition sa Harmony?" tanong ng isang babae, batchmate niya rin.
Napangiti siya at umiling. “Teka, nasaan si Stephen?”
“Nandyan lang sa tabi-tabi ‘yon, baka nagpa-practice ng script niya,” si Mari Lu.
Inilibot niya ang paningin at nahagip ang taong nakasilip sa bintana, diretso itong nakatingin sa kaniya. Dagling nagpaalam siya para tingnan ito. Ngunit paglabas niya ay nakatalikod na at mabilis na naglalakad ang lalaki.
Kilalang-kilala niya kung kaninong likod ito, pero posible kayang dito ito nag-aaral? Susundan pa sana niya nang may humawak sa braso niya.
“Saan punta mo, Gabriella?”
It's Stephen. Sa halip na sagutin ay tinanong niya rin ito.
“Kilala mo ba ‘yon?”
“Sino? ‘Yong lalaking naglalakad na ‘yon?”
Tumango siya at nanatiling nakatingin sa lalaki.
“Oo—”
“Talaga?"
“Bakit parang interesado ka? Crush mo?”
“Hindi, wala. Naitanong ko lang. Ano name niya?”
“Sasabihin ko sa iyo kung sasabihin mo sa akin kung bakit gusto mo malaman.”
“Customer namin siya sa shop.”
“Tapos?”
“Pumasok ka na nga, mag-ensayo ka.”
“Hindi ka manonood?”
Umiling lamang siya at ngumiti. Naisip niya kasing hanapin ang lalaking iyon. Nagpaalam na siya sa kaibigan at nagsimulang maghanap. Nakarating siyang hardin at doon ito natagpuan.
Napahinto siya at lumayo nang bahagya nang marinig na may kausap ito. Alam niyang maling mag-eavesdrop pero ngayon lang naman.
“Pero wala pa tayong plano for incoming competition.”
“Mmm.”
“Ano bang plano mo?”
“Maghintay lang kayo, Denver. Alam ko ginagawa ko.”
“Until when? Next week na ang competition, wala pa tayong nauumpisahan.”
“Matatalo rin naman tayo.”
“What? Naririnig mo ba ‘yong sinasabi mo? Ano bang nangyayari sa ‘yo? Alam kong may problema ka, pero dapat alam mo ring may responsibilidad kang dapat gampanan! Nandito pa ‘yong team para sa ‘yo, huwag kang mabuhay sa nakaraan.”
Hindi ito sumagot.
“Bukas, hihintayin ka namin, 4:00pm.”
Tingin niya ang kompetisyong tinutukoy ng mga ito ay ang magaganap na laban ng Harmony next week. So, totoo nga ang narinig niyang pinagkukuwentugan ng dalawang babae sa coffee shop tungkol sa Harmony. Ibig sabihin din ay member ito ng Harmony. Lihim na napamangha siya.
Nang maramdaman niyang paalis na ang sa tingin niya ay Denver, kaagad siyang naglabas ng notebook at nagkunwaring nagbabasa habang naglalakad. Ngunit napahinto siya nang tumigil sa harapan niya ang binata. Unti-unti siyang nag-angat ng tingin dito at napangiti na lamang—ngiting hindi mawari.
Nginitian siya nito pabalik at lumakad na paalis. Tulala siya habang nakatayo at hindi gumagalaw. Hindi naman niya kasi inaasahan na ganoon pala iyon kaguwapo, mukha pang mabait.
Sinilip niya ang hinahanap niya, nakatalikod ito habang nakapamulsa at mukhang sobrang lalim ng iniisip. Naglakad siya palapit rito nang biglang may tumalon na palaka sa paa niya. Napahiyaw siya na halos ikapunit ng lalamunan niya.
“Mama!!!”
Humarap ito sa kaniya.
“Ikaw?” tanong niya rito na kunwari'y hindi niya alam.
“Anong ginagawa mo rito?”
“Wu...wala. Magpapahangin sana.”
“Magpapahangin? Oras ng klase?”
Kinuha niya ang alcohol sa bag at nag-spray sa paa. “Ikaw rin naman nandito.”
“Excuse ako.” Umupo ito sa sanga ng puno na nakalaylay, mahaba ito at malapad kaya naging upuan na rin ng mga estudyante. Umupo rin siya, isang dipa ang layo rito.
Tahimik lamang sila ng mahabang sandali hanggang sa basagin nito ang katahimikan.
“Bakit mo tinatawag mama mo?”
“Nakasanayan ko lang.”
“The cutest yet funniest reaction I have ever seen.”
“Talaga?”
Tumango ito. “Mmm. You look like a fool.”
“Papuri ba ‘yan o ano?”
“You choose,” anito at humarap sa kaniya. “Nasaan ba ang magulang mo? Bakit ka nagtatrabaho? Bakit hindi ka na lang humingi ng tulong sa kanila?”
“Kahit na hindi na ako humingi, makita ko na lang sila,”
Ramdam niya ang mga titig nito. Mahabang katahimikan uli ang dumaan.
“Aalis na ako.” Humakbang siya ngunit dagling napahinto at napaisip kung sasabihing narinig niya ang usapan ng mga ito. Sa huli ay humarap siya rito at sinabi niya rin. “Uh… Narinig ko nga pala ang usapan n’yo kanina. Sorry... Pero mukhang kailangan ka nila. ‘Wag mo sana sayangin ‘yong opportunity na naghihintay, hindi lahat ng tao kaya ang kung ano'ng kaya mong gawin, ‘yong iba naman hindi nabibigyan ng chance, kaya masuwerte ka at maraming naniniwala sa kakayahan mo at sa ‘yo mismo.”
Inaasahan na niyang magagalit ito ngunit hindi ito umimik at nakatingin lamang sa kaniya. Tumalikod na siya.