Chapter 2.2

1502 Words
Nang sumunod na araw ay nagising siya sa alaga niyang aso, si Tobi. Ito na ang nagsilbing alarm clock niya sa umaga, madalas siya nitong dinidilaan sa mukha o minsan sa labi pa. Kinuha niya ito at niyakap pahiga. “Heh. Matulog pa tayo.” Ngunit sobrang likot nito kaya wala siyang nagawa kung hindi ang bumangon. Kinuha niya ang paboritong tasa at nagtimpla ng kape. Hinatian niya si Tobi at sabay na nag-almusal. Hindi ito kagaya ng ibang aso, para itong isang tao na may 8 hours sleep din. Mas madalas pa nga ito mag-toothbrush at maligo kaysa sa kaniya. Sa labas ng bahay ay may bumusina. Tiningnan niya kung sino ito at laking-gulat niya nang makitang si Chopilo iyon. “Anong ginagawa mo rito?” agad na tanong niya. “Huwag mong itulad ang ugali mo sa mukha mo, hindi maganda.” Bumaba ito ng sasakyan. “I think you need to learn how to greet people in the morning.” Tuluy-tuloy na pumasok ito sa loob na kung lumakad ay animo'y isang prinsipe. Napakaguwapo nito sa suot na longsleeve na polong grey, idagdag pang maputi’t matangkad ito at kita ang magandang pangangatawan. Napaisip siya, siguro ay nag-gy-gym ito. Siguradong kung itatabi ito sa mga kalalakihan ay lulutang ito sapagkat mayroon itong kakaibang appeal na hindi mahahanap sa iba. O sadyang siya lang ang nakapapansin niyon? At bakit naman niya mapapansin iyon? Napangiwi siya. “Nag-almusal ka na?” Umiling ito. “Dito ako mag-aalmusal, ah?” Walang pag-aatubiling ipinaghanda niya ito ng makakain. Maraming naitulong sa kanya ang binata, bakit naman niya ito ipagtatabuyan? Saka isa pa, hindi siya madamot. Hindi siya ganoong klase ng tao. “Nagkakape ang aso mo?” Kinuha nito ang isang tasang kape. “Mmm. Hindi aso ‘yan, baby ko ‘yan.” Binuhat niya si Tobi nang layasan na nito ang sariling inuminan. “Mahilig ka pala sa aso?” “Baby ko nga ‘to!” “Maligo ka na kaya, ma-late pa tayo.” “Sabay tayong papasok?” “Sa tingin mo nagpunta lang ako rito para maki-kape?” Napakurap siya. “Ba’t ka galit?” tumayo na siya at nagtungong banyo. Sa loob ng banyo ay hindi niya mapigilan ang sariling isipin kung bakit siya nito sinusundo. Hindi naman sila close, sa katunayan ay kailan lang sila nagkakilala. Pero hindi kaya type siya nito? Pinigilan niya ang sariling kiligin. Sigurado siyang dahil ito sa deal kaya nito ginagawa ang kabaitan sa kaniya. Ah, tama. Nang tapos na siya gumayak ay naabutan niya ito habang nilalaro si Tobi. Napangiti siya dahil doon ngunit kaagad ding tinampal ang sarili. “Inaantok ka pa? Bakit mo sinasampal sarili mo?” kunot-noong tanong nito. “Ha? Hindi. May lamok lang.” Kinuha niya si Tobi rito. “Dito ka muna, ah? Huwag kang pupuntang kalsada. Pasalubungan na lang kita later.” Pagkatapos itong bigyan ng halik sa mukha ay umalis na sila. Habang nagmamaneho ay tinanong siya nito. “Ikaw lang mag-isa sa bahay mo?" Napatingin siya rito. “Mmm.” “Nasaan sila?” “Sino? Parents ko?” Tumingin ito sa kanya ngunit hindi tumugon. “They're gone.” “Sorry.” Ngumiti siya at isinandal ang ulo sa bintana. Mahabang oras na nilukob lamang siya ng kahungkagan. Ayaw niya ng ganoong pakiramdan kaya pilit na nilibang niya ang sarili. Napagdesisyunan niya na ring tanggapin ang iniaalok ni Chopilo. Baka ito na ang daan para makilala siya sa academy nila. Matagal na niya iyong inaasam, kahit na ba sa huling taon niya sa paaralang ito maranasa niyan man lang. Sino ba siya para tanggihan ang opportunity na naghihintay? “YOU look sad, sweetie.” Napatingin si Gabriella rito at ibinalik ang tingin sa mga puno. “Inaantok lang.” Nasa garden siya ngayon, hinihintay si Chopilo. Kaso si Stephen naman ang dumating. “Kailangan mo ako tuturuan?” Umupo ito sa tabi niya. “Pumunta ka ba rito para sabihin lang ‘yan?” Natawa ito. “Of course not. Here, I brought you something,” anito sabay abot nito sa paper bag na dala. “Ano ‘to?” “Open it.” Binuksan niya nga iyon at nangiti siya nang makita ang set ng paint brush at Acrylic paint. “Ito ba ang gagamitin mo?” “No. Sa 'yo ‘yan.” “Suhol ba ‘to?” “Hindi, ah. Gift ko ‘yan, saka... parang gano’n na rin, pero slight lang.” Natatawang napailing siya. Nagkuwentuhan muna sila habang breaktime. Palinga-linga pa rin siya, nagbabakasakaling makikita niya si Chopilo. Hanggang sa matapos na lamang ang breaktime na hindi niya ito nakita. Nang mag-lunch break ay nakamasid pa rin siya sa pag-aakalang makikita niya si Chopilo. Sa hindi malamang kadahilanan ay bigla na lamang niyang gusto itong makasama, siguro ay dahil may nakakapa siyang munting atraksyon para rito. Naglakad siya sa ala-paraisong hardin ng kanilang eskuwelahan at pumikit. Dinama niya ang sariwang hangin. “Where are you now? ‘Cause I'm thinking of you You showed me how How to live like I do If it wasn't for you I would never be who I am...” pag-awit niya. Napalingon siya nang may nagtuloy ng kanta sa kaniyang likuran. “To my first girlfriend I thought for sure was the one To my last girlfriend Sorry that I screwed it up To the ones I loved But didn't show it enough Where are you now?” At last, he's here. He's finally here. Nakapamulsa itong lumakad papunta sa kanya. He looked really cool! Awtomatikong kumurba ang ngiti sa labi niya. Napakaganda ng boses nito. Sinumang babaeng makaririnig ay siguradong manginginig ang tuhod at mahuhulog ang panty, sadyang pinalad lamang siya at mahigpit ang garter ng suot niya. Nang mag-chorus ay sumabay siya sa kanta. “Where are you now? ‘Cause I’m thingking of you You showed me how (showed me how) How to live like I do If it wasn't for you I would never be who I am... And I will never see those days again And things will never be that way again But that's just how it goes People change But I know I won't forget you...” When they eyes met, she saw pain in his eyes. What’s that for? [/Chopilo: “To the ones who cared And who were there from the start To the love that left And took a piece of my heart To the few who'd swear I'd never go anywhere Where are you now?” They continue singing as they staring at each other. Tila ba nasa isang musical play sila. She felt a little spark and the beat of her heart goes crazy. [/Gabriella and Chopilo: “Where are you now? ‘Cause I'm thinking of you You showed me how How to live like I do If it wasn't for you I would never be who I am If it wasn't for you I would never be who I am If it wasn't for you I'd be nothing Where are you now?” Nang matapos ang pagkanta ay tinitigan siya nito at maingat na itinaas ang mukha niya gamit ang index finger. “You’re such a liar!” “Ikaw ang sinungaling, hindi ka sumipot kanina sa usapan natin,” “Nandoon ako, kaso may ka-date ka,” “Ha!?” Inisip niya kung sino ang tinutukoy nito. “Ah! Si Stephen ‘yon! Friend ko. Sana nagpakita ka, ‘di ba?” “Let’s not talk about it,” “So... tanggap na ho ba ako, Sir?” Malaki ang pagngiti niya. Ngumiti ito. “Welcome to the Harmony… Gabriella.” Nawala ang ngiti sa labi niya. Where did he get her name? Simula nang sumulpot ito kailan lang ay parati itong nalalagi sa isip niya. Aminado rin siyang gusto niyang malaman kung ano ang pinagdadaanan nito. May kung anong nag-uudyok na gusto niyang pawiin ang sakit na nakikita niya rito. Pero natatakot siya. Alam niyang hindi puwedeng palalimin ang munting atraksyong nararamdaman niya. Nagkuwentuhan sila hanggang sa mag-uwian. Wala namang klase dahil abala ang mga teachers sa competition na mga magaganap. Pasado alas-dos pa lang at alas-kuwatro pa ang punta nila kina Denver para sa meeting ng Harmony. Ihinatid siya nito at sinabing susunduin na lamang siya after lunch. Habang nagpapahinga ay nilalaro niya si Tobi. Mayamaya ay tumayo siya para maligo, para hindi naman siya amoy pawis kapag nakipag-meet sila mamaya. Mahirap na, baka papalapit pa lamang siya ay kinakaladkad na siya paalis. Paglabas ng CR ay nagulat siya nang may biglang nagsalita. “Good paintings, huh. Mahal siguro bili mo sa mga ‘to—ouch!” Binato niya ito ng tsinelas. Nakatuwalya lang kasi siya. “Bakit ka ba nambabat—holy s**t!” Mabilis na tumalikod ito nang makita siya. Nag-init ang mukha niya at kumaripas ng takbo papuntang silid. Ang birheng Gabriella!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD