“Bakit hindi ka man lang nagsabi na papunta ka na?” aniya paglabas.
Nakaupo na ito sa sofa habang nagtitingin ng libro sa katabing bookshelf. “Tumawag kaya ako sa labas, pero walang sumasagot kaya pumasok na ako.”
“Pumasok ka nang walang pahintulot?” Pinulot niya ang ilang papel na pinaglaruan ni Tobi.
“No. Pinapasok ako, of course.”
Nilingon niya ito nang magkasalubong ang mga kilay. “At nino?”
“Ni Tobi.” Binuhat nito si Tobi at nilaro sa kandungan.
Lihim na napangiti siya dahil doon. "Buang," pabulong niyang sambit.
“So, saan mo nga binili itong mga paintings na 'to?”
“Hindi ko binili ‘yang mga ‘yan.”
“Shoplifting?”
“Mukha bang gawain ko ‘yon?” paanas niya ritong sabi.
Tinitigan lamang siya nito. “I'm just asking.”
“Ako may gawa niyan,”
“Kapag nagsisinungaling mas lalong pumapangit,”
Tumayo siya at kinuha ang paborito niya sa mga ito; this was inspired by Starry Night of Vincent van Gogh.
“Edi ‘wag kang maniwala.”
Mahabang minuto nitong pinagmasdan ang artwork na iyon pagkatapos ay bigla na lang siyang tinitigan. “Hindi halata. Ang ganda ng artwork, sana ‘yong artist din.”
Para siyang sinampal lalo’t dito nanggaling ang mga salitang iyon. Hindi siya umimik. Alam naman niya iyon. Hindi siya kagandahan at hanggang ngayon ay patatas pa rin. Siya kasi ‘yong tipo ng babae na mas gugustuhing ibili ng makakain ang pera kaysa ipambili ng skin care. Nanghihinayang siya.
Pero alam naman niya sa sariling kahit papaano ay hindi siya ganoon kapangit, hindi lang talaga siya marunong mag-ayos at ni minsan ay hindi napasok sa bokabularyo niya ang salitang ‘glow up’.
“Bakit hindi ka sumali sa school?”
Umiling siya at nag-iwas ng tingin. Nang minsan kasing nag-submit siya ng entry ay hindi siya nakapasok dahil ninakaw ang artwork niya. Hindi siya pinaniwalaan dahil ang kumuha niyon ay isang maganda at famous na estudyante. Ipinagwalang-bahala niya na lamang iyon, artwork naman ang nanakaw at hindi ang talento niya.
Mayamaya rin ay umalis na sila. Kinakabahan siya dahil baka hindi siya magustuhan ng mga miyembro ng Harmony.
Malayo pa lamang ay natanaw na nila ang mga ito. Masayang sinalubong ng mga ito si Chopilo.
“We're very glad, bro,” masayang salubong ni Denver
Nagkaayos ang mga ito. Humingi rin ng tawad si Chopilo at nagdeklarang simula bukas ay sisimulan na nila ang dapat ay matagal na nilang ginawa, ang maghanda para sa kompetisyon.
Natutuwa siyang pagmasdan ang mga itong masaya. Habang siya ay nasa isang tabi lamang. Natawa na lamang siya sa isip nang mapansing hangin na naman siya. Ilang minuto pa ang lumipas nang may makapansin sa kaniya.
“Who is she?” tanong ng isang member.
Nakuha niya ang atensyon ng lahat. Nilapitan siya ni Chopilo. “This is Gabriella. New member of Harmony.”
“How come? Nag-audition ba ‘yan? Hindi man lang namin alam.”
Ito na nga ba ang sinasabi niya.
“Believe me, magaling siya,” depensa ni Chopilo.
“Ganito na lang, let her sing. Of course we're part of this group. Karapatan ng bawat isang malaman kung ano ang kakayahan ng bagong nasasali.”
Sumang-ayon naman ang nakararami. Aapila pa sana si Chopilo nang hawakan niya ito sa kamay. “It's okay, I’ll sing.” Pagkasabi niya’y nginitian niya ito.
Mabilis na naihanda ang mga gagamiting instrumento. Nginitian niya si Chopilo nang makitang naiinis ito. Nasa stage siya ngayon habang nakaupo at hawak ang gitara. May magpi-piano sa kanan niya at drums naman sa likuran niya.
“Uhmm… I am... Gabriella Sullivan.” Tahimik ang lahat at nakatingin sa kaniya. Huminga siya ng malalim bago nagsimulang mag-strum.
“I don't know
But I think I maybe fallin' for you
Dropping so quickly
Maybe I should keep this to myself
Waiting 'til I know you better
I am trying, not to tell you
But I want to,
I'm scared of what you'll say
And so I'm hiding what I'm feeling
But I'm tired of holding this inside my head.”
Unti-unti ay nakuha niya ang kiliti ng mga ito. Ang iba ay pumapalakpak kasabay ng beat.
“I've been spending all my time
Just thinking about ya
I don't know what to do
I think I'm fallin' for you
I've been waiting all my life
And now I found ya
I don't know what to do
I think I'm fallin' for you
I'm fallin' for you...”
Nahagip ng mata niya si Chopilo na malalim ang titig sa kaniya. Hindi niya malaman kung bakit natutuwa siyang pagmasdan ito ngayon at gusto niyang panoorin lamang siya nito.
“As I'm standing here
And you hold my hand
Pull me towards you
And we start to dance
All around us
I see nobody
Here in silence
It's just you and me
I am trying not to tell you
But I want to
I'm scared of what you'll say
And so I'm hiding what I'm feeling
But I'm tired of holding this inside my head
I've been spending all my time
Just thinking about you
I don't know what to do
I think I'm fallin' for you
I've been waiting all my life
And now I find you
I don't know what to do
I think I'm fallin' for you
I'm fallin' for you
Oh, I can't take it
My heart is racing
The emotions keep spilling out...
I've been spending all my time
Just thinking about you
I don't know what to do
I think I'm fallin' for you
I've been waiting all my life
And now I find you
I don't know what to do
I think I'm fallin' for you
I'm fallin' for you
I think I'm fallin' for you
I can't stop thinking about it
I want you all around me
And now I just can't hide it
I think I'm fallin' for you
I can't stop thinking about it
I want you all around me
And now I just can't hide it
I think I'm fallin' for you
I'm fallin' for you
Oh,
Oh, no, no
Oh,
Oh, I'm fallin' for you...”
Nang matapos ay pinuno ng palakpakan ang paligid. Tumayo na siya at nag-aalangang tumingin sa mga ito. “So… am I in?”
Natahimik ang mga ito at kapwa nagkatingian. Pagkatapos...
“Wait, hanapin lang namin 'yong golden buzzer!” sabi ni Denver na sinundan ng hiyawan.
Nakahinga siya nang maluwag at napangiti.
"Since you're in, ikaw na ang magli-lead vocal sa babae," sambit ng isa pang miyembrong lalaki.
Nagulat siya. Hindi niya inaasahan iyon. Ngunit sa kabila ng tuwang nararamdaman niya at kasiyahan ng mga ito ay mayroon pa ring umapila.
“Teka! Pero paano si Mandy? Hindi natin siya puwedeng palitan basta-basta! ” anas ng isang babae.
“Fiona, matagal nang umalis si Mandy,” wika pa ng isang babae.
“For your information, Mervie, babalik pa siya! 'Wag naman kayong magdesisyon ng gano’n-gano’n lang. Tapos papalitan ninyo ng isang babaeng ngayon lang nag-audition? Sino siya para sa posisyon? Kumpara n’yo naman kay Mandy ‘yan, wala siyang binatbat hitsura pa lang—”
“Shut up, Fiona! Ganiyan ka na ba mag-welcome ng bagong member?” bulyaw ni Chopilo.
Agad na nilapitan siya ng babaeng nagtanggol sa kaniya na sa pagkakatanda niya ay 'Mervie' ang pangalan. Hinila siya nito pababa, malayo kay Fiona. “Don’t mind her. Nangungulila kasi ‘yan kay Mandy, sa best friend niya.” Nginitian siya nito.
“Okay lang, naiintindihan ko. Saka… bakit ako ang magli-lead vocal? Nahihiya ako sa inyo, bago lang ako.”
“No. Alam mo bang nagulat din kami sa boses mo? Pang-international kaya! Parang hindi pangkaraniwang boses ng pilipino.”
Overwhelmed siya sa sinabi nito. Ang sayang nakikita niya sa mata nito ay hindi niya gustong pawiin. Ipakikita niya na kaya rin niyang mag-shine! Na hindi lamang 'airbender' ang role niya sa paaralang ito. This is it! Wika nga nila.
“Nga pala, I am Mervie. Nice meeting you, Gabriella and welcome to Harmony!” She gave her a warm hug. Doon na naglapitan sa kanila ang iba pa.
‘Tulad ni Mervie ay in-entertain din siya ng mga ito at winelcome. They're kind and hospitable. Sang-ayon ang mga ito na siya ang maging lead vocal para sa mga babae kaya naman buong puso niya itong tinanggap at handa nang panindigan ang bagong responsibilidad na nakapasan sa kaniya. Hindi niya gustong biguin ang mga ito.
Sobra ang kasiyahang nadarama niya. Ganito pala ang pakiramdam nang nasa kaniya ang atensyon, at pakiramdam niya, espesyal din siya.
Sa wakas, nagsisimula na...
“Teka, nasaan si...” Sinuri ng mata niya ang paligid.
“Sino?” tanong ni Denver.
“Si Chopilo.”
“Chopilo?” Nagkatinginan ang mga ito at halata ang pagtataka.
“Si Chopilo! ‘Yong kasama ko kaninang pumunta rito!”
“You mean…” Pagkasabing iyon ni Denver ay biglang nagtawanan ang mga ito.
“Bakit?” kunot-noong tanong niya sa mga itong walang humpay sa katatawa.
“Si Chopilo ba kamo? Nandoon si Lu—si Chopilo sa stage. Tawagin mo,” sabi ni Ken.
Kahit kinakain ng kyuryusidad ay tumayo pa rin siya para puntahan si Chopilo. Nang makita siya nito ay lumapit ito sa kaniya.
“Tara ro’n,” nakangiting pag-aya niya rito. Tumango ito at sumunod sa likuran niya.
“Gabriella, kuwento mo naman, paano kayo nagkakilala ng aking sissy?” tanong ni Denver. Natawa si Chopilo.
“Ni Chopilo?” Tiningnan niya si Chopilo sa tabi at nagtaka siya kung bakit tila nagulat itong si Chopilo.
Ah, malamang ay hindi alam ni Chopilo na nalaman niya ang pangalan nito. Naisip niyang parati nga silang magkasama pero ni minsan ay hindi niya ito natawag sa pangalan nito.
“Can you repeat it?” kunot-noong utos nito.
“Ha? Ang alin?”
“Anong pangalan ko, Gabriella?”
“Chopilo.”
Muling nagtawanan ang mga kasamahan nila. Pero hindi niya pinansin dahil confused siya sa reaction ni Chopilo. Namumula ang mukha nito. Nahihiya ba ito sa pangalan?
“Nice endearment, ma dear!” tuluy-tuloy sa paghalakhak na sabi ni Ken.
“Saan mo nalaman ‘yan?” si Chopilo.
“Sa kaibigan k—”
“Huwag mo akong gawing katatawanan, Gabriella.” Tinitigan siya nitong ramdam niya hanggang kaibuturan. Nagsimulang dagain ang dibdib niya at hindi maintindihan kung ano ang nangyayari. “Hindi kita maintindihan. Bakit parang galit ka?” aniya.
“Kilala mo ba ako?”
“Oo, ikaw si Chopilo.”
“Hindi ako si Chopilo!” sigaw nitong ikinagulat niya. “Saan mo napulot 'yan?”
“Paanong hindi?”
“Lucas! Lucas, Gab! Lucas Frantehr!”
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Natulala siya. “Lu…cas?”
In a blink of an eye, wala na ito sa harapan niya at mabilis na naglalakad palayo.
“Sandali! Sorry! Huy, Chopilo! Ay—Lucas!”
Sinubukan niya pang tawagin ito ngunit mabilis itong nakaalis. Nakabayad nga siya sa isa niyang kasalanan dito ngunit napalitan naman ng panibago.
Lumapit sa kaniya si Ken at inakbayan siya. “Sshh... don't think too much. Lilipas din galit n'on. Ayaw lang talaga kasi n‘on na napapahiya siya. And sorry as well dahil hindi namin sinabi sa iyo na hindi siya si Chopilo." Napatingin siya rito. "Na-miss lang namin na mapikon si Lucas, kaya ipinagkanulo ka namin," dugtong nito na ikinatawa nilang lahat. Nanghihinang napahawak siya sa noo.
That Stephen! She wanted to kill Stephen.