Sa Sylvia naroon Ang setro ng limang elemento na pag-aari ni Sauro.
Ipinagkatiwala ito sa kanya ng Maykapal.At si Sauro ay binigyan ng karapatan na kontrolin Ang limang elemento bilang tagapagtanggol ng Sylvia.
At mayroong misyon si Sauro, Ang itakda Ang tatlong Ave na Mula sa dugo ng mga Maharlika. Ang dugo ng Maharlika ay Ang sangay ng lahi ng Diwani at mga Diwata, at tatlo Ang pipiliin.
Ang mga Ave na mag-iingat ng tatlong elemento, Ang apoy, Ang liwanag at Ang hangin.Subalit may nakita si Sauro na pangitain, na magmumula sa Mundo ng mga tao magmumula Ang itinakdang mag-iingat ng elemento ng apoy.
Siya ay may dugong tao, ngunit isang anak ng Diwata.At Ang dalawa ay nasa mga kaharian ng Garasus.
Minsan nag-usap si Lady Yu at Sauro,
"Sauro, nakita mo na ba sa iyong balintanaw kung saan naroon Ang tatlong pinili na mag-iingat ng tatlong elemento?",Tanong nito.
"Nakita ko na Ang isa,Ang isa ay nasa Mundo ng mga tao,at Ang dalawa ay nandito sa Garasus.",Sagot ni Sauro.
"Tayo'y magmadali na at malapit nang maghasik ng lagim si Asteria.",Saad ni Lady Yu.
"May mga simbolo na makikita sa kanilang katawan, at tiyak na ito ay lalabas sa kanilang katawan.",Tugon ni Sauro.
Samantala,si Mayari ay nagpatuloy na tumungo sa Sylvia.At nagtagpo si Mayari at Sauro sa tarangkahan ng Sylvia.
"Maligayang pagdating binibini.",Saad ni Sauro.
"Maraming Salamat Banal na Propeta.Nariyan ba Ang aking Kapatid?",Tugon ni Mayari.
"Nasa Hukuman ng mga Diwata Siya,may pagpupulong Sila at matatapos na rin Naman.Tumuloy ka na.",Saad ni Sauro.
At tumuloy Siya sa Palasyo ng Sylvia.
At may dalawang Diwata na bantay sa pintuan ng Hukuman.
"Anong maipaglilingkod Namin sa Inyo binibini?",Tanong ng mga mandirigmang Diwata.
"Nais Kong makausap Ang aking Kapatid na si Shaira.",Saad ni Mayari.
At may Diwata sa loob na bantay na umalis at pinuntahan si Shaira.
Ito ay yumukod at nagsalita sa harap Niya.
"Avriah Shaira,may nais na kayo ay kausapin,Siya daw ay iyong Kapatid.",Saad nito.
At umalis Siya sa harap ng kapulungan.
"Mga opisyales ng kapulungan, sandali at ako'y lalabas Muna dahil nandyan Ang aking Kapatid.",Saad ni Shaira.
"Ikaw Ang masusunod Avriah Shaira.",Sabay nilang Tugon.
At nakita ni Shaira si Mayari, niyakap Siya ni Mayari.
"Kapatid ko,salamat at tayo'y nagkitang muli.",Sambit ni Mayari.
"Ikinagagalak Kong makitang Kang muli aking Kapatid.",Tugon ni Shaira.
"Anong sadya mo Kapatid ko.", Tanong ni Shaira.
"Nandyan ba Ang Hari?",Tanong nito.
"Siya'y namamahinga Ngayon dahil napagod Siya pamumuno sa pag-eensayo sa hukbo.",Tugon ni Shaira.
"Sayang at Ang mga ginto ko ay ninakaw.Ihahandog ko sana sa Inyo.At mayroon akong Balita sa Inyo,isang Masamang Balita.",Saad ni Mayari.
"Anong Balita?",Tugon ni Shaira.
"Si Cleope ay nakipagkasundo Kay Asteria na labanan Ang Sylvia.",Tugon ni Mayari.
"Wala nang bago Kay Cleope,salamat at iyong pinabatid sa akin.Huwag ka nang mangamba,at mga ginto mo,huwag mo nang alalahanin.Ang pagtungo mo dito ay Isa nang handog."Saad ni Shaira.
"Ngunit may hiling Ako,maari mo ba akong bigyan ng asul na mutya.Tayo'y makipagsanib puwersa sa mga Diwani upang labanan si Asteria.",Tugon ni Mayari.
"Kapatid ko,Ang hinihiling mo ay Hindi madali, Ang tatlong prinsesa Ang may kontrol sa desisyon sa bagay na iyan.",Saad ni Shaira.
At dumating si Sauro,
"Kamahalang Sauro, Salamat at nakita kita.",Saad ni Shaira.
"Bakit Avriah Shaira,may nais ka bang Sabihin?",Tanong ni Sauro.
"Kamahalang Propeta,Alam mo ba na tatlong elemento lang Ang maaari mong ipagkatiwala sa mga Ave,At Ang kidlat at tubig ay mananatiling iyo.",Tugon ni Shaira.
"Masusunod Avriah Shaira Ang iyong tinuran.",Saad ni Sauro.
At dumating Ang Araw na itinakda na lumitaw Ang simbolo sa mga Ave.
Si Saura na Mula sa Magarus, at si Laurah na kinatawan ng Sylvia.
At Ang isa ay isang lalaki, na Mula sa Mundo ng mga tao, Isang office staff ng kompanya.
"Bro,ano yang nasa leeg mo at nagliliwanag.",Tanong ng kaibigan Niya.
"Martin,ito Ang salamin,tingnan mo sa leeg mo.",Saad nito.
Tiningnan ko sa leeg ko at may kakaibang simbulo nga.
At ako'y umuwi sa bahay nang Hindi ko maintindihan Ang nangyari.
Natulog Ako ng Maaga, dahil kailangang pumasok Ako bukas ng Umaga.
Habang ako'y natutulog,nanaginip Ako.
"Kamahalang Propeta, dumito ka na sa Garasus,matagal ka na naming hinihintay.",Sambit nito.
At nagising Ako ng alas dos ng madaling Araw.Nakita ko Ang babaeng may gintong buhay, pangahan,at Ang tangos ng ilong na may matang kulay berde.
At dumating Ang mama ko.
"Oh, Martin Ang aga mong nagising?",Tanong nito.
"May napanaginipan Ako Ma.Hindi ko alam Ang ibig Sabihin.",Saad ko.
At tumabi Ang mama ko, Siya si Luciana.Gusto Niya akong maging board member ng kompanya Namin pero mas pinili ko munang maging HR dahil Hindi pa Ako handa para dito.
"Anak ko kapag may problema ka Sabihin mo lang sa akin, huwag Kang maglihim,
Ang Tagal nating Hindi nagkasama, Ngayon nagkasama na tayo,ayaw ko nang malayo sayo.",Saad nito at niyakap Niya Ako
Samantala sa Magarus,
"Saurah,ano yang lumabas sa balikat mo na simbulo?",Tanong ni Maurah.
At napansin din ni Xena ito.
"Saurah,Ikaw ay napiling maging tagapag-ingat ng brilyante ng apoy.",Sambit nito.
"Anong ibig mong Sabihin Xena.",Tanong ni Maurah.
"Isa siyang Ave,Ang itinakda,tutungo Siya sa Sylvia upang tuparin Ang kanyang bugna.",Tugon nito.
At sa Sylvia,Naroon si Laurah, Ang prinsesa ni Shaira.
"Anak ko,Hindi Ako nagkamali sa aking pangarap, Ikaw ay pinili na mag-iingat ng brilyante ng hangin.",Sambit ni Shaira.
"Buti Naman Ma,at napili Ako.Matagal ko nang pangarap na maging Ave.",Tugon nito.
"Maraming pwedeng maging Ave ngunit Hindi lahat ng Ave ay piniling mag-ingat ng brilyante ng mga elemento.",Saad nito.
"Ganun ba ma, paano ko kaya makokontrol Ang hangin?",Saad ni Laurah.
"Tuturuan ka ng Papa Sauro mo.Tandaan mo sinabi ko hah, Ang Hari ng Sylvia ay papa mo rin,Kapag natutulog Siya,Siya rin si Shairo."
"Sabi nila magkapatid kayo ni Papa Shairo.Paano kayo naging mag-asawa?",Tanong ni Laurah.
"Dito sa Sylvia,kahit magkapatid ay pwedeng maging mag-asawa,Hindi Yun bawal.Hindi gaya sa Mundo ng mga tao, ipinagbabawal.",Saad ni Laurah at niyakap si Shaira.
At dumating Ang Araw ng pagsasanay sa mga Ave ngunit isa lang Ang nakitang tagapag-ingat ng brilyante.
"Kamahalang Propeta,saan na Ang mga Ave na pinili?",Tanong ni Gudivah.
At lumabas Ang anak ni Sauro na si Laurah Kasama si Shaira.
"Kamahalang Propeta,nandito na si Laurah.",Sambit ni Shaira.
"Pa,Ako Ang isa sa napili.",Sambit ni Laurah.
"Buti Naman Laurah at Ikaw Ang napili.
May makikipaglaban para sa Sylvia na isa sa mga anak ko.",Tugon ni Sauro.
"Isa lang Sauro?",Tanong ni Gudivah.
Tinaas ni Sauro Ang kanyang tungkod.At lumitaw sa balintanaw Niya Ang isang prinsesa ng Magarus.
"Siya Ang pinili, Si Saurah,Ang prinsesa ng Magarus.",Tugon ni Sauro.
"Kung ganun sunduin Siya.",Tugon ni Gudivah.