Sa Himalaya ay naroon si Mayari, Kapatid Siya ni Shaira.Nais niyang tulungan si Shairo na labanan si Asteria,
Sapagkat si Asteria ay bihasa sa kulam at itim na mahika,nais nitong kontrolin Ang mga mutya upang Sila ay maghasik ng lagim,subalit Hindi nila alam na ito'y batid ni Khendro.
Kaya si Lady Yu, ay tumungo sa Samardis upang hingin Ang tulong ni Sauroh, Si Sauroh ay bihasa sa Sherma, ito ay kailangan upang sarhan Ang lagusan tungo sa kaban ng mga mutya,
Walang pwedeng pumasok dito kundi si Sarah,Sheenah,Laurah,Shaira at Shairo.
"Sauroh,nabalitaan mo na ba na naghahanda na si Asteria na maghasik ng lagim sa Garasus.At bakit nandito ka,Hindi ba't Ikaw ay mandirigmang Propeta ng Nordland?",Tanong ni Lady Yu.
"Wala na Ang Nordland,nabigo akong protektahan ito.",Tugon ni Sauroh.
"Kung ganun, tulungan mo akong lagyan ng matibay na harang Ang lagusan sa kaban ng mutya,may maitim na pakay sa Asteria,Tara na.",Saad ni Lady Yu.
At Sila ay Ang eviksha tungo sa Lagusan ng mutya.Dala ni Sauroh Ang kanyang tungkod.
"Narito na tayo Sauroh,gamitin mo na Ang iyong tungkod."Saad ni Lady Yu.
Itinaas ni Lady Yu Ang tungkod Niya, at tinatakan ito ng Sanskrit,
at itinaas ni Sauroh Ang tungkod Niya, at binigkas Ang Nordic na salita upang ang tarangkahan ay Hindi mabuksan maliban sa mga pinili na maaring pumasok dito.
At Mula noon ay walang makapagbubukas nun maliban sa mga pinili.
At,nagngitngit sa galit si Asteria dahil Hindi Niya maisakatuparan Ang kanyang Plano.Kaya humingi Siya nang tulong sa manggagaway na si Shanera, Ang manggagaway ng Nigeroh, Ngunit Hindi Niya batid kung saan naroon Ang Nigeroh.May Balita na tanging Hari ng mga mangkukulam Ang pinapahintulutang tumungo doon,
Kapag Hindi Ikaw ay Hindi Hari ng mga mangkukulam,Ikaw ay mamamatay sa tarangkahan ng Kastilyo.
Ang mga mangkukulam doon ay may proteksyon sa tarangkahan ng Kastilyo,kaya kahit lumabas Sila ng Kastilyo,makakabalik Sila.
At walang lalaki na pwedeng pumasok doon kundi Yung Hari ng mga mangkukulam.At Ang dayuhang mangkukulam na Hindi bahagi ng kaharian ay mamamatay sa tarangkahan pa lang ng Kastilyo.
Mabigat Ang problema ni Asteria, sapagkat Wala siyang Kilala na mangkukulam na bahagi ng kaharian ng Nigeroh.Siya ay lubos na nababagabag kung paano maghahasik ng lagim sa Sylvia.
At natuklasan Niya na may duwende na may kilalang mangkukulam ng Nigeroh, ngunit nabalitaan niyang humihingi ito ng kapalit,walang iba kundi Ang mutya ng Sylvia.
Kaya naisip niyang pakiusapan si Rhena na kuhaan Siya ng mutya kapalit ng isang medalyon na minana Niya pa sa kanyang ninuno.
"Ave Rhena, maaari bang ako'y kuhaan mo nang mutya sa Sylvia,gusto Kong maranasan kung paano gumamit ng mutya.",Saad ni Asteria.
"Mabigat Ang hinihingi mo,
walang ibang binigyan ng kakayahan na humawak nito maliban sa kanila Sarah at Sheena.At Hindi ko pwedeng suwayin Ang Batas ng Garasus,Ang Sylvia ay isa sa kaharian ng Garasus.Kapag sinuway Ang batas ay tiyak na magagalit ang mga Immortal.",Tugon ni Rhena.
Kaya si Asteria ay lubos na nalungkot at Hindi Niya alam kung paano magtatagumpay sa kanyang layon.
At Hindi Niya alam na mahirap talagang linlangin Ang Sylvia.Kaya nag-isip Siya nang ibang paraan.
At si Asteria ay umupo sa kanyang trono.
"Mahal na Reyna, bakit nakasimangot ka?",Tanong nang isa niyang lingkod.
"Tumigil ka,at Wala akong panahon sayo.",Saad nito.
At si Mayari ay tumungo sa Labanhera, kinausap si Lakambini at Verina,At Sila ay nagkasundo na magkaisa na labanan si Asteria. Ngunit Sila ay may problema,kailangan nilang balaan Ang Sylvia na nais ni Asteria na maghasik ng lagim.
"Verina at Lakambini, tayo'y magkaisa at makipagsanib puwersa sa Sylvia upang hadlangan Ang maitim na Plano ni Asteria.",Saad ni Mayari.
"Napakadaling Gawin nang gusto mo, ngunit may kahilingan Ako,bigyan mo Ako ng asul na mutya.",Tugon ni Verina.
"Hindi madali Ang nais mo, ngunit aking gagawin Ang kahilingan mo.Ako'y tutungo sa Sylvia upang humingi ng mutya.",Tugon ni Mayari.
"At balaan mo na rin Ang Hari doon na may paparating na kalaban Ang Sylvia,at kapag nasa amin na Ang mutya, tayo ay magsasanib puwersa upang labanan si Asteria.",Tugon ni Lakambini.
At tumungo si Mayari sa Sylvia, Ngunit sa daan ay tinambangan Siya ng mga tulisang babae.Ngunit lumaban Siya, ngunit Siya ay sugatan.Nadaig Niya Ang mga tulisan,at ito ay tumakas.Si Mayari ay nakahandusay na sugatan.
At nakita Siya ng diwani, At tinulungang gumaling Ang sugatang katawan.
"Binibini, saan ka galing at Ikaw ay sugatan?Sinong may gawa nito sayo.
Halika't sumama sa akin at gagamutin ko Ang sugat mo.",Tugon ng Diwani.
At naglakbay Sila patungo sa lupain ng Magarus.Kung saan naninirahan Ang Diwani.
"Ayan, ginamot na kita binibini,saan ka galing, bakit tinambangan ka nila.",Tanong ng Diwani.
"Ninakaw nila Ang Dala Kong ginto na ihahandog ko sa Hari ng Sylvia,Hindi ko na alam paano pa Ako kukuha ng mutya nito.",Tugon ni Mayari.
"Ano bang dahilan bakit maghahandog ka ng ginto sa Hari ng Sylvia?Anong pakay mo.",Saad ng Diwani.
"Nabalitaan ko na may mangkukulam na guguluhin Ang Sylvia,natatakot Ako na baka mapahamak Ang Reyna ng Sylvia na si Shaira.",Tugon nito.
"Ganun ba,kung ganun ano nga ba Ang pangalan mo binibini?",Tanong ng Diwani.
"Ako si Mayari,galing Ako sa Himalaya, Nagkahiwalay kami ng Kapatid ko dahil doon na Siya nanirahan sa Sylvia.Ikaw Anong ngalan mo?",Tanong nito.
"Ako si Sarina, isang Babylan ng Magarus.Buti nakita kita sa daan.
At ako'y naawa sayo sa kalagayan mo.
Napakaraming masasama sa Emmerandia Ngayon.Dapat huwag Kang lalakad na nag-iisa Lalo na at may Dala Kang mga ginto.",Saad ni Sarina.
"Salamat sa kabutihan mo Sarina, Pagpalain ka ng Maykapal sa iyong kabutihan.",Saad ni Mayari.
"Walang anuman Yun, Sabi mo may mangkukulam na manggugulo sa Sylvia,kilala mo ba Ang mangkukulam na ito?",Tanong ni Sarina.
"Siya si Asteria,dati siyang Diwani ngunit nilabag Ang Batas ng mga Diwani na ipinagbabawalang gumamit ng itim na mahika,kaya Siya ay itinakwil, kaya Siya ay napopoot sa mga Diwani na Minsan niyang nakasama.Ngayon isa na siyang mangkukulam,bihasa sa paggamit ng itim na mahika.",Tugon ni Mayari.
"Ganun Pala,mali siya, talagang itatakwil Siya dahil nilabag Niya ang batas para sa mga Diwani.Yan ay isang sagradong batas ng Emmerandia, Kaya ang anumang kaharian sa Emmerandia na lumabag sa sagradong batas na ito ay kalaban ng Maykapal na si Khendro.",Saad ni Sarina.