Ang Kambal na mag-asawa.
Sa Sylvia ay may dalawang Immortal na kambal na mag-asawa,Si Shairo at Shaira.Sila ay kambal na magkapatid,Sila ay mga tagalangit na bumaba sa Fairylandia upang balansehin Ang relasyon ng Langit at buhay.
Sapagkat may alitan Ang mga tagalangit at tagalupa.At doon sa Fairylandia naroon Ang Hukuman ng mga Bathaluman,sa Lupain ng Sylvia,
Ang Hari doon ay si Shairo at si Shaira Ang kanyang Reyna.
Sila'y labis na nagmamahalan at Mula pa sa Langit nagsimula Ang pagmamahalan nila.Sinubok ng panahon at kamatayan, ngunit kailanman ay Hindi pinaglayo ng kamatayan,Ang mag-asawang Independyente noon pa mang sagradong kasaysayan ng Langit.
At Ngayon,Tadhana na rin Ang nagpasya upang sila'y lubusang maging Kambal na mag-asawa magpakailanman.
Mayroon silang anak,Si Sheena,Sarah at Minah.Ang Tres Marias ng Sylvia.
Sa Hukuman nila dinadala Ang mga diwata na nais magkaroon ng pangarap na nais ninuman na matupad.
Naroon Ang mga mutya na tutupad sa mga pangarap ng mga diwata.
At dadaan Sila sa pagsubok ni Sheena.
Si Sarah Ang gumagawa ng desisyon.
At si Minah ang nagbibigay ng huling pasya.
At mayroong Diwata ng kasamaan,si Cleopatra,Ang pinakasamang diwata sa Fairylandia,Ang pinakakinapopootan ni Sarah.
Si Cleopatra na isang panira sa payapang pamayanan ng Sylvia.
At si Sheena ay Galit din Kay Cleopatra,kaya sinumpa Niya ito at ginawang Ahas.
Habang nasa Konsilyo si Sarah, ay may lumapit sa kanya na diwata. Ang ngalan ay Rhena, Gusto nitong Malaman kung paano gumamit ng magic wand.
"Ave Sarah,maaari mo bang ipahintulot na ako'y turuang gumamit ng magic wand.",Saad nito.
"Ngunit kung nais mong matutong gumamit ng magic wand ay dalhin mo dito Ang medalyon ng yumaong si Kerinah. At kapag nagawa mo iyon,ay ibibigay ko sayo Ang mutya ng mahika.",Tugon ni Sarah.
Si Rhena ay tumugon sa gusto ni Sarah, Ngunit Hindi nito alam na Ang medalyon ay hawak ng isang mangkukulam ng Garadoma. Ang mangkukulam ay bihasa sa itim na mahika ,at Marami itong pinatay na diwata. Iyon Ang isang mabigat na problema ni Rhena.
Paano Niya makukuha Ang medalyon gayong Wala siyang kapangyarihan na labanan Ang mangkukulam na ito.
At naisip ni Rhena na bumili ng diyamante na ibabayad sa sinumang mandirigmang diwata na lalaban sa mangkukulam upang makuha Ang medalyong suot nito. Si Rhena ay mayamang diwata at Marami siyang ginto, At Marami na siyang mga alahas na iniingatan, na binili Niya sa pamamagitan ng mga ginto. At ito ay isang mabigat na problema na kinakaharap Niya.
Kaya kumuha Siya ng maraming ginto,
tatlong toneladang ginto kapalit ng isang diyamante.
Ibinigay Niya Ang diyamante Kay Freya, upang patayin Ang mangkukulam. Si Freya ay isang diwatang gumagamit ng salamangka at mahikang puti.
At pinatay ni Freya Ang mangkukulam gamit Ang salamangka.
At nakuha ni Rhena ang pabor ni Minah, at ibinigay Ang mutya upang magamit Ang magic wand.
At Mula noon ay naging diwata ng mahika si Rhena, gaya ni Sheenah.
At may naiingit Kay Rhena, si Guerinah, Ang anak ng mangkukulam na pinatay ni Freya, Galit Siya Kay Rhena, dahil dito inalam Niya kung paano gumamit ng itim na mahika upang iganti Ang kanyang mama.
Samantala, Sa Sylvia ay may diwatang kambal na si Samantha at Maryah, mga anak din ni Shaira at Shairo.
Inutusan silang pumunta sa Magartha upang hiranging Tagapagmasid na diwata si Rhena, dahil sa kanya, napatay Ang mangkukulam na naghahasik ng lagim sa Logariah.
Sa Sylvia,naroon Ang ingat yaman ng ginto na si Ayesha.Sa Sylvia nagmumula Ang lahat ng ginto sa Garasus.
At dumating Ang Araw na si Cleopatra ay pinalaya sa sumpa.At noon nagsimula na tinawag siyang Cleope.
Si Cleope ay nagbalatkayo na Hindi Malaman na Siya ay si Cleopatra. Inilihim Niya Ang pagkakakilanlan Niya.
At gusto niyang gantihan si Sheena, subalit alam niyang ito'y mahirap dahil hawak nito ang magic wand na kayang lumikha ng sumpa,at Wala siyang ligtas kapag ginamit ito sa kanya. Baka sumpain ulit Siya nito.
Nag-isip Siya kung paano ito lalansihin.
Si Cleope ay tumungo sa Kastilyo ng mga mangkukulam,At kinausap Niya Ang Reyna ng mga mangkukulam na Siya ay tulungan na labanan si Sheenah.
Sa tarangkahan ay hinarangan Siya nang bantay.
"Anong sadya mo dito at sino ka?",Saad nila.
"Nais Kong kausapin Ang Reyna niyo, gusto Kong hingin Ang tulong niyo upang gapiiin Ang diwatang si Sheenah.",Tugon ni Cleope.
At Siya ay pinatuloy sa Kastilyo.
Habang Siya ay naglalakad ay Nakita Niya Ang Reyna na nakaupo sa trono.
"Anong pakay mo at sino ka?",Tanong nito.
"Lourda Astaria,Nais Kong hingin Ang tulong mo upang gantihan si Sheenah.
Gusto ko siyang gantihan dahil sa sumpa na ginawa Niya laban sa akin.",Tugon ni Cleope.
"Anong ngalan mo?Ano Naman Ang kapalit ng tulong na gagawin ko?"
"Tutulungan kitang maging kapanalig Ang Gomorrah upang talunin Ang Sylvia.",Tugon ni Cleope.
"Maaasahan ba Ang salita mo?",Tanong ni Astaria.
"Oo nman Lourda Astaria.",Tugon ni Cleope.
"Kung gayon,simula Ngayon kakampi mo na Ako.",Saad ni Astaria.
Mula noon nagplano na silang bumuo ng alyansa laban sa Sylvia.
At sa Korte ng Sylvia Kong saan nakaupo Ang Hari at Reyna, Nakita nila sa bilog na salamin Ang Masamang pakay ni Astaria.
"Mahal ko,dapat tayong kumilos upang hadlangan si Astaria,Mukhang nasa peligro Ang palasyo.",Saad ni Shaira.
At lumingon si Shairo, "Oo mahal ko, tayo'y magtalaga ng mga mandirigmang diwata na bihasa sa salamangka,at Mantra.",Saad ni Shairo.
At pinatawag ni Shaira si Gudiva,Ang Heneral ng mga mandirigmang diwata upang atasan si Sarah na bigyan ng mga mutya Ang mga mandirigmang diwata, upang depensahan Ang Sylvia.
At Mula noon, ay nagsanay Ang mga mandirigmang diwata sa pakikipaglaban gamit Ang mantra sa tulong ni Gudiva.
At nalaman ni Astaria na naghahanda Ang Sylvia sa pakikipaglaban.
"Lourda Astaria, naghahanda Ang Sylvia upang depensahan Ang kanilang palasyo. Handa na ba tayong lumaban.",Saad ni Guerrena , Ang katiwala ni Astaria.
"Saan si Cleope,Nais Kong gabayan Niya Ang hukbo sa pagsasanay.",Tugon ni Astaria.
At sinanay ni Cleope Ang hukbo ni Astaria.Nais nilang digmain Ang Sylvia.
Ngunit Hindi nila alam,na nasa pag-iingat ni Khendro ang Sylvia.
At Hindi ito masasakop nang walang pahintulot Mula sa kanya.
Si Khendro at Shaira ay nasa itaas ng alapaap.
Nakita nila sa balintanaw na naghahanda Ang Reyna ng mga mangkukulam na si Astaria upang sirain Ang Palasyo ng Sylvia.
"Mahal Kong Khendro,handa ka bang depensahan Ang Sylvia?",Tanong ni Shaira.
"Oo mahal Kong Shaira.",Tugon ni Khendro.
"Tara na Shairo,bumalik na tayo sa Sylvia.",Tugon ni Shaira.