Kabanata 5

1304 Words
“Kumusta ka na Tina?” iyon ang bungad sa akin ni Sir nang makapasok ako sa sasakyan. Nakita ko sa rear view mirror na nakatingin siya sa akin at nakangiti. Agad naman akong nag- iwas ng tingin at sumagot, “ayos lang naman po ako Sir.” Sandaling tumahimik kaya’t tumingin akong muli sa salamin, hindi para tignan si Sir kundi para pagmasdan ang kasintahan niya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nang makita kong magkahawak ang kanilang mga kamay. Alam kong hindi ako dapat magdamdam subalit hindi ko ito maiwasan, tingin ko’y dapat na talaga akong umalis sa hacienda at maghanap ng ibang trabaho. Narating naman namin agad ang plaza, kahit dito ay napakarami pa ring tao. Ngayong araw na ito kasi i-aanunsyo ang simula ng piyesta na tradisyunal na ipinagdiriwang ng isang buwan. Magsisimula ito sa katapusan ng Marso at nagtatapos sa huling araw ng Abril. Mukhang naririto ang lahat ng taga- Aragon dahil halos mapuno ang buong plasa, napakarami ring tao sa kalsada na pinagkakaguluhan naman ang mga paninda sa gilid ng mga daan. Nang makahanap ng paradahan at tumigil na ang sasakyan ay agad na akong bumaba dala ang malaking payong para sa aking mga amo. Akmang bubuksan ko ang pinto nang bumungad na sa aking harapan si Sir Lorenzo inilahad niya ang kaniyang kamay, hindi ko maintindihan ang ikinikilos niya ngunit agad siyang nagsalita. “Ang payong Tina, ako na ang maghahawak. Mas matangkad ako kaysa sa iyo kaya ako na lamang ang maghahawak ng aming payong.” Saad niya at agad ko namang ini-abot ang payong sa kanya, nahihiya sa aking iniisip na akala ko’y hinihingi niya ang aking kamay. Masyado na akong nagiging ilusyunada, at hindi ito maganda! Hinayaan ko na lamang silang dalawa na makababa sa sasakyan, at naging buntot kami ni Kuya Berto upang hindi sila gaanong pagkaguluhan ng mga tao. “Naku Sir Lorenzo, ang gwapo- gwapo mo na parang nung kailan lamang ay maliit ka pang tumatakbo sa inyong hacienda! Tignan mo nga naman at napakaganda rin ng iyong kasintahan!” Sabi ng isang matanda habang naglalakad kami patungo sa mga upuan ng mga panauhin. Tumigil naman ng bahagya sa paglalakad si Sir at nakipagkwentuhan ng kaunti at may ibinulong sa matanda na nagpahagikhik dito. Nagpaalam na si Sir kaya naman ay nagpatuloy kami sa paglalakad papasok sa plasa. Siya na ang kumilos upang mabigyan ng upuan ang kasintahan niya na siya namang napansin ng mga tao kaya halos mapunit ang labi ng lahat dahil sa kilig na dulot ng dalawa. Parang lahat ng kilos nila ay bantay-sarado ng masa, papaano ba naman na hindi eh agaw-atensyon talaga silang dalawa. Maganda ang kasintahan niya at si Kuya Enzo naman ay napakagwapo, sino ba namang hindi kikiligin kundi ako lang. Ako lang ang halos mamatay na sa selos dito sa likuran nilang dalawa. Hindi ko alam kung sumasakit ba ang ulo ko dahil sa sobrang init dito sa plasa o dahil ba nagseselos ako? Parang napaka-OA naman na sumakit ang ulo dahil sa pagseselos? Sino ba ako para magselos eh alalay nga lang nila ako ngayon. “Tina, pwede mo ba akong samahan sa sasakyan? Nakalimutan ko kasi yung cellphone ko.” “Ako na lang po ang kukuha Sir, magpapasama na lang po ako kay Kuya Berto.” Pagkasabi ay agad na tinawag ko si Kuya Berto ngunit naunahan ako ni Sir Enzo na kunin ang susi sa kanya.  Wala na akong nagawa kundi ang sumunod na lang kay Sir dahil nasa kanya na ang susi. Pagdating sa sasakyan ay sa driver’s seat pumasok si Sir at pinapasok niya ako sa passenger seat. Ini-ayos niya ang posisyon ng upuan sa paraang parang nakahiga na ako, sa gulat ko ay muntik na akong lumabas ng sasakyan pero tinawag niya ang pangalan ko. “Tina. Alam kong masama ang pakiramdam mo, kanina pa kita napapansin. Pwede ka munang magpahinga rito, ako na ang bahala kay Hacintha huwag kang mag-alala dahil alam ko naman na napagod ka sa lahat ng ginawa ninyo sa mansion mula kaninang umaga.” Ginulo niya ang buhok ko at ngumiti bago siya bumalik sa programa. Matagal akong natulala at hindi alam kung paano ba dapat ang magiging reaksyon ko pero dahil sa sakit ng aking ulo ay agad akong nakatulog. "Tinang, gumising ka na. Paparating na sila Sir Lorenzo at Maam Hacintha, uuwi na tayo sa mansion." Pagkagising ko ay tapos na ang programa at ginigising na ako ni Kuya Berto dahil kami ay uuwi na. "Pasensya na Kuya Berto ha, masakit talaga kasi ang ulo ko, mabigat ang pakiramdam ko ewan ko ba, "pagpapaliwanag ko dahil baka akalain niya na sumama lang ako rito para makatakas sa mabibigat na trabaho sa mansion. Mabuti na lamang at naintindihan niya na sobra akong napagod kanina. Dumating na nga sa sasakyan ang magkasintahan at agad ko na silang ipinagbukas ng pinto. "Mabuti na ba ang pakiramdam mo Tinang?" pagtatanong ni Sir. "Ibibigay ko na lang sa iyo itong essential oil ko Tina, it will help you to relieve your headaches," iniabot naman sa akin ni Maam Hacintha ang isang pamahid, essential oil daw. Matagal kong tinignan ang maliit na boteng ini-abot niya sa akin at tinitignan kung may instructions ba sa label nito. Mukhang nahalata niya na hindi ko alam kung para saan ito kaya naman inituro nya sa akin kung paano at saan ipapahid ito. Nakakaguilty tuloy na pinagselosan ko si Maam Hacintha eh ang bait bait naman pala niya. Napakamahinahon kung magsalita at napakahinhin kumilos, kahit pa ngayong tanghali ko pa lamang siya nakasama ay masasabi ko na mabait talaga siya. Ang kagandahan ng panlabas niyang anyo ay ganoon din sa kanyang pag-uugali. Kaya bagay na bagay talaga sila ni Sir Lorenzo dahil magkapareho sila sa halos lahat ng aspeto.   “Tina, ikaw na lang ulit ang ipapadala kong aalalay kina Maam at Sir sa plasa mamayang gabi ha?” Paninimula ni Manang nang pumasok ako sa kusina. Abala silang naghahain ng mga pagkain para sa mga espesyal na bisita ng mga Ruiz, and pamilya Gutierrez na mula pa sa Maynila. Tingin ko ay narito sila upang makidalo at para obserbahan ang tradisyon sa bayan ng mapapang-asawa ng kanilang unica ija, si Maam Hacintha. Napakarami nga nilang dalang mga bagahe, aakalain mong rito sila maniniharan ng isang buwan dahil sa napakaraming maleta binuhat ng mga tauhan dito sa mansion. “Tina, ikaw ba’y nakikinig sa mga bilin ko sa iyo? Huwag mo silang masyadong tignan at baka sila’y matakot sa iyo,” natatawang sabi ni Manang. Napansin ata ni Manang na natulala ako sa may salas kung saan naroon ang mga bisita, talaga namang agaw-pansin sila dahil sa rangya ng mga damit nila hindi mo mapipigilan na usisain ang mga iyon. “Manang, baka naman pwedeng iba na lang muna ang umalalay kina Lorenzo, tignan mo at namumutla na ang Tinang ko,” pakiki-usap ni Nanay kay Manang. “O siya, sige at pauuwin mo na muna iyan para makapagpahinga na.” Mabuti na lamang at pumayag si Manang, napansin niya rin ata na hindi maganda ang pakiramdam ko. Nagpaalam naman ako kaagad at umuwi na, hindi naman kalayuan rito ang aming bahay kaya nilalakad ko na lang. Marami namang ilaw dahil fiesta at may dala rin akong flashlight kung sakali man. Marami akong nasasalubong na mga kakilala na papuntang plasa para manuod ng programa. Mukhang magiging masaya ang pagbubukas ng fiesta sa taong ito dahil sa wakas umuwi na siya. Bakit ba naman iniisip ko iyong lalaking iyon? Wala naman siyang ambag sa buhay ko ngunit bakit ganito? Gusto ko lang naman na makasama siya ngunit hindi na iyon maaari dahil pag-aari na siya ng iba. Hibang ka na talaga Kristina. Natalo ka na, Kristina Manalo. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD