Patuloy pa rin sa pag-iyak si Freya. Hindi niya matanggap na nagawa iyon sa kanya ng lalaking minsan na niyang tiningala, iyon bang itinuring niyang tatay at kuya na magpoprotekta sa kanya. Pero ngayon, iba na ang mga ipinapakita nito. Ang masakit pa, napakababa ng tingin nito sa kanya. Talagang maiiyak ka na lang kasi hindi naman siya gaya ng iniisip nito eh. Iningatan nga niya ang sarili niya, kahit na ang dami-dami niyang naging boyfriend at minahal niya ang lahat ng naging boyfriend niyang iyon. Pero pinanindigan pa rin niya na hindi niya ibibigay ang kanyang virginity sa kahit na sinong lalaki hangga't hindi siya naikakasal. Pero dahil nga sa nangyari, nasira ang planong iyo. At ang kanyang Kuya Fernan pa ang nakakuha ng virginity niya. Ito ang unang lalaki sa buhay niya, kaya b

