Chapter 52 Enrico Umiinom ako ngayon kasama si Raydin, Gabriel, Dexter, Lance, Liam at pinsan kong si Reynold sa resort. Kami lang ang nasa resort ni Gabriel, hindi nila kasama ang mga asawa nila. “Mali talaga ang ginawa mo, Pare. Hindi mo dapat hinigpitan ang katulong mo. Kahit sinong babae na gawan mo ng ganoon tatakasan ka talaga,’’ paninisi ni Liam sa akin. Nai-kuwento ko sa kanila ang tungkol sa amin ni Ruby Rose. “Ayan na nga ang sinasabi namin na makakakita ka talaga ng katapat mo,’’ sabi naman ng abnormal kong pinsan na si Reynold na may bagong chix. Palagi na lang sila nag-aaway ng asawa niyang si Crystal at hindi sila nagkakasundo simula nang ikinasal sila. “Dapat kasi pinakinggan mo muna ang panig ni Ruby, Dude. Dapat kinokontrol mo rin ang temper mo dahil hindi lahat ng o

