Chapter 53 RUBY ROSE Kagagaling ko lang sa aking OB dahil nagpa-prenatal ako sa ipinagbubuntis ko. Anim na buwan na ang aking tiyan at healthy naman ang kambal na dinadala ko. Nalaman ko rin ang kasarian ng mga bata na nasa aking sinapupunan. Pinagbilinan din ako ng aking doktor na mag-ingat na huwag ma stress para iwas miscarriage. Sa apat na buwan namin pamumuhay ni Papa dito sa San Pablo wala naman kami naging problema. Maliban na lang kapag nagre-request ako kay Papa ng caviar o geoduck. Hindi ko alam sa dami ng puwede paglihian ang geoduck at caviar pa talaga ang gusto ng mga baby ko. Pasalamat na lang ako palagi ako pinapadalhan ng amo ni Papa na si Sir Daniel ng caviar. Minsan pumupunta pa si Papá sa San Luis para manguha ng geoduck. Kahit na anim na buwan na ang aking tiyan pero

