Pinunasan ko ang luha habang pababa ng hagdan tsaka dumiretso sa labas kung nasaan ang garden at ang pool. "HEY YOU OKA--" "Nasaan si Ganna?" diretsang tanong ko kay Russel. Kumunot ang noo niya at nag-kamot ng batok, madilim na pinukawan ko ito ng 'tingin. "NASAAN ANG ANAK KO." Madiing sambit ko, wala akong oras para patagalin pa ito. Kukunin ko na ang anak ko. Tinignan ko ang kabuoan ng garden kaya naman ay tinitigan ko siya na nagtatanong kung nasaan si Ganna. "Uhmm---" Kinagat niya ang ibabang labi at iniwasan ang mga mata ko. Putang ina! Hinilamos ko ang mukha ko at nanggangalaiting hinarap siya, "AKALA KO BA KASAMA MO ANG ANAK KO?! NASAAN ANG ANAK KO RUSSEL!" kulang na lang ay yugyogin ko ito sa inis at gigil na mapaaminin. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Hindi ko napigilan

