bc

Misery of His Unlove Wife

book_age18+
12.9K
FOLLOW
172.4K
READ
revenge
love-triangle
HE
forced
opposites attract
second chance
arrogant
boss
stepfather
heir/heiress
drama
bxg
serious
musclebear
actor
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa isang pagkakamali, nauwi sa kasal sina Yuri Ann at Zade Larzon— ang boyfriend ng kanyang kapatid na si Atasha, upang maligtas sa kahihiyan ang kanilang pamilya.

Inakala ni Yuri na ang binata ang makakatulong para matakasan niya ang masalimuot na buhay sa piling ng kanyang kinalakhang pamilya. But she was wrong dahil si Atasha lang ang mahal ng kanyang asawa.

At sa tatlong taong kasal nila ng asawa. Zade never loved her, he never cared for her. Bulag ito sa katotohanang pinaniniwalaan nito tungkol sa kanya. Dahil walang ibang nakikita si Zade kundi si Atasha.

Sapat na ba ang kanyang pagmamahal para manatiling asawa ni Zade? O mas tamang palayain ang sarili mula sa lalaking kailanman hindi siya makikita bilang asawa?

chap-preview
Free preview
1: Mapait!
1: Mapait NATUPOK Na ang kandilang sinindihan ko sa ibabaw nang cake. Labing dalawang araw bago ang pasko. Ito ang wedding anniversary namin ni Zade. Subalit alas diyes na nang gabi. Malamig na ang pagkaing pinaghirapan kong ihanda para dito, pero wala pa rin ang aking asawa. Kinailangan ko pang uminum ng anti-allergy pagkatapos dahil iniluto ko ang mga paborito nitong pagkaing seafoods. Which I am allergic to. Pero mukhang bigo na naman ako. Tatlong taon na akong kasal sa asawa kong si Zade Larzon Dela Merced. Ang CEO nang DELAMER's Group of Company. Pagmamay-ari nila ang ilang hotels at mga condumimum sa boung NCR. At mula nang hawakan ni Zade ang kompanya nang ama nito. Mas lumaki pa nga ang mga yaman ng pamilya nito. Mayroon na ring itong nacquire na Logistic company isang taon na ang nakakaraan. "Ma'am ililigpit ko na po ba ito?" mahinang tanong sa akin ni Aling Susan. Nagawa ko pang sulyapan ang mga pagkaing pinaghirapan kong ihanda. Another wasted efforts pero hindi pa rin ako nagsasawa. Isang mabagal na tango lang ang ginawa ko bilang tugon dito. At mapait kong tinitigan ang cake na pinaghirapan kong gawin para kay Zade. Hindi ko na tiningnan si Aling Susan dahil alam kong kinakaawaan lang naman niya ako. Buong buhay ko iyon lang naman ang natatagap ko mula sa ibang tao. But no one dare to make me feel na puwede rin akong mahalin. Dahil kahit ng mga katulong sa mansion ng magulang ko takot na magpakita ng awa para sa akin. Dahil ikagagalit 'yon ni Atasha. And my parents didn't care about that. Dahil si Atasha ang priority ng lahat. Ako--I was nothing. Dapat wala lang ako, hindi ako dapat maging mas mataas kay Atasha. Buti pa nga ang hangin, hindi mo naman nakikita pero nararamdaman mo pa rin. Noon kahit iyon kinaiingitan ko. Kaya kahit nahihirapan ako sa sitwasyon ko bilang asawa ni Zade mas gusto ko nang manatili sa bahay niya. Dahil kahit paano, hindi naman ako inaalila ni Zade tulad ng pamilya ko. Mabigat ang mga paang pumanhik ako sa silid ko. Hindi ko alam kong tama ba ito? Dahil minsan napapagod na rin ako. Pero hindi ko maiwasang umasam na kahit isang beses lang maramdaman kong may nagmamahal rin sa isang tulad ko. At umaasa pa rin akong balang araw makikita rin ako ni Zade Larzon bilang kanyang asawa. At hindi makasalanang babaing sumira sa magandang pangarap nito. Pero sino ba ang inuuto ko? Nakikita lang ako ni Zade kapag kailangan niya ang katawan ko. He told me it was my duty to satisfy him in bed. Dahil kasalanan ko kaya nasira ang kanyang pangarap. Kasalanang hindi ko naman alam kong paano nangyari. Pero siya--- wala siyang obligasyong igalang ako bilang asawa niya. Pagdating ko sa kuwarto ay binuksan ko ang TV para maglibang pero lalo lang akong nanlumo sa nakita kong live fashion show na umiere sa screen. Rumarampa doon ang kapatid kong si Atasha. She's my older sister, pero hindi ito pumapayag na tawagin ko siyang ate dahil isang taon lang raw ang age gap namin. Twenty two ako ngayong taon. Papatayin ko na sana ang TV nang magbago ang focus ng camera at napunta sa lalaking kanina ko pa dapat hinihintay. "Zade!" mapait kong sambit. The man was oozing with his undeniable charm and charisma. Walang sinumang hindi mapapalingon kapag dumaan o makita ito. Zade is an American-Turkish-Filipino. His physique was jaw dropping a sight to be hold. Lalo na kung nakahubad ito. I had seen him naked many times kaya alam ko. He was tall about 6'3, tanned skinned, well-built body na hahangarin ng kahit na sinong babae. He was a perfect figure na puweding gawing modelo. O Kaya isang male lead sa isang pelikula. Naglamlam ang aking mga mata habang pinagmamasdan ko si Zade sa tv screen, nakatingin sa kapatid kong mala-diyos ang kagandahan na rumarampa sa runway. Habang naghihintay akong parang tanga sa bahay, abala naman pala ang asawa ko sa pagbabantay sa kapatid kong pinakamamahal nito. Yes. My husband was in love with my sister. She's a saint for Zade. At ako ang masama at ipokrita, maldita at peke. Mangagamit at walang kuwenta. He was so blind to see what kind of life I was into, kasama ng kinikilala kong pamilya. I was an outcast. Unknown. Unseen. Akala ko noon si Zade na ang pag-asa kong makawala sa masalimuoot kong mundo sa piling ng pamilya ko. Pero nagkamali ako. Dahil higit na paghihirap pala ang mararanasan ko sa piling ng aking asawa. Sanay na akong masaktan at mabaliwala. Kaya hindi ko alam kong bakit nasasaktan pa rin ako ngayon. Nagpasya akong tawagan si Zade kahit alam ko na kung nasaan ito. I keep sending him message mula kaninang umaga pero hindi ito samagot man lang. Busy or not he would never answer my message. Minsan sinasagot rin niya ang tawag ko kaya umasa ako. Dahil kita pa rin ito sa kamera ay kita kong kinuha nito ang phone nito. He just look at his phone at kinancel ang tawag ko. Sukat doon ay hindi ko na napigilan ang pagtulo nang luha ko. "Kung ganun bumalik na siya." mapait kong saad sa kawalan. Hanggang sa nakatulog na lang ako habang nagpi-play ang fashion show ng kapatid ko. Ang alam ko tatlong taon na rin siyang wala sa bansa. Dahil sa kasal namin ni Zade. Nagising akong naramdaman ko ang mga matang nakatitig sa akin. Hindi na ako nagulat ng makita ko si Zade na nasa kuwarto ko. "Bakit panay ang tawag mo kagabi? I was busy last night." malamig pa sa yelo ang tinging ipinukol nito sa akin. "Huwag mong sabihing naghanda ka na naman para sa lintek na anniversary na 'yan." he growl with his perfect chiseled jaw tighten in rage. "Sorry," mahinang sabi ko. Ayaw ko mang sabihin pero hindi ko maiwasan. Tila kasi nakaprogram na sa sistema ko ang pagsasabi ng mga salitang 'yon kahit ayaw ko naman. Why would I be sorry kung siya dapat ang humihingi ng sorry sa akin. But who am I kidding? "Will you stop apologizing already, Yuri Ann. Why do you always play like a victim here." mapakla nitong sambit, hindi itinatago ang pag-uyam. "May family dinner tayo sa bahay n'yo mamayang gabi. Are you even aware na dumating na si Atasha?" puno ng sarkasmo nitong tanong pero nang bangitin nito ang pangalan ni Atasha hindi nakaligtas sa akin ang pagkislap ng mata nito. Kaya muli na namang nilapirot ng sakit ang puso ko. "Nakita ko kagabi." maingat kong sagot dahil ayaw kong mabulyawan pa ni Zade. Ganun siya pagdating sa kapatid ko. He was concern na parang ito ang itinuturing nitong asawa. He would even fvck me calling her name kapag lasing ito, tulad na lang noong nakaraang buwan. Naglakad na ito palabas ng kuwarto ko nang hindi ko napigilang magsalita. "Ayaw kong pumunta." mahina pero alam kong dinig niya ang sinabi ko dahil napahinto ito sa paglalakad. "Huh! Are you too ashamed to face her?" tuya nito. "You're coming with me!" madiing deklara nito saka pabagsak na isinara ang pinto. "Bakit ang unfair mo Zade?" naglalamlam ang matang tanong ko sa pintong sumara. Babangon na sana ako nang maramdaman ko ang saglit na pagkahilo. Ilang araw na akong parang laging lumulutang sa umaga. Noong isang araw nga nagsuka pa ako. Siguro dahil hindi ako nakakain nang maayos noon. Tapos kagabi hindi na rin ako nakakain dahil nag-antay ako kay Zade. Mabigat ang katawan kong naligo at nagbihis nang bigla akong napatakbo sa banyo dahil biglang tila kinuyumos ang sikmura ko. Nasusuka ko pero wala naman akong maisuka. Kumuha ako ng tissue para ipampunas sa bibig ko nang maagaw ang atensyon ko sa sanitary pads ko na hindi ko pa pala nagagalaw. Biglang tila sinuntok ang dibdib ko kaya't napatakbo ako palabas nang banyo only to see the calendar. Isang linggo na pala akong delay. Lumukob ang takot sa dibdib ko. But part of me felt....excited. Zade strictly told me that I couldn't conceive his child. Kung tama ang hinala ko, alam kong dapat akong matakot para sa magiging anak ko. Binibigyan niya ako ng contraciptives para hindi ako mabuntis. Pero nakalimutan kong inumin 'yon pagkatapos ng may namagitan sa amin noong nakaraang buwan. Or maybe because I don't want to. Gusto ko na rin naman magkaanak. Magkaroon ng maituturing kong pamilya. "Tandaan mo to Yuri, hindi ikaw ang babaing pinapangarap kong maging ina nang mga anak ko kaya huwag mong papangaraping magkaka-anak tayo. Take that! Ayaw kong mabuntis ka." parang sirang plakang paulit-ulit na naglalaro sa utak ko ang mga sinabi ni Zade. Alam kong kung tama ako wala na akong ibang pagpipilian. "CONGRATULATIONS, Misis, buntis ka!" deklara nang doktora na nagpasikdo ng puso ko. Kaya't nahimas ko ng wala sa oras ang t'yan ko. Hindi naman na ako nagulat. But I felt like I wanted to cry. "Bu--buntis ho ako!" napapalunok kong ulit dito. "Yes dear," masaya ang ngiting saad ng Doktora. "Reresitahan kita ng mga vitamins na kailangan mo. You need to gain weight too. Kaya kumain kang mabuti." bilin nito saka nagsimulang isulat ang mga gamot na kailangan kong bilhin. Nagbilin rin ito na dapat may regular check-up ako. Excited ako kahit kinakabahan rin. Kailangan kong maging maingat na hindi malaman ni Zade ang tungkol sa anak namin. Ayaw kong isipin pero posibling utusan niya akong ipalaglag ang anak ko. At iyon ang labis na ikinababahala ko. "Hindi na niya kailangang malaman ang tungkol dito." Kaya kailangan ko nang magpasya ngayon. Kumirot ang didbib ko sa tanging paraang alam kong nararapat kung gawin. "I need to let him go. Palalayain na kita Zade." mapait kong saad saka napahawak ako sa tiyan ko. "Baka hindi ko na rin kailangang tuparin ang pangako ko sa'yo noon."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.7K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.6K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook