2: Desisyon
"WHAT TOOK you so long!" malamig na bungad sa akin ni Zade nang sagutin ko ang tawag nito. "Sinabi ko naman sa'yo na---"
"Susunod na lang ako sa bahay," sansala ko sa sasabihin nito. Halatang natigilan ito, dahil dinig ko ang malalim nitong paghinga. I know he hates it when I cut him off.
"Nandito na kaming lahat at ikaw na lang ang inaantay, huwag mong abalahin ang lahat, Yuri." madiing sermon nito bago ko maibaba ang phone.
"Masyado ka lang excited na makasama si Atasha." mahinang sambit ko na ikinasulyap sa akin ng driver, subalit tipid ko itong nginitian.
"Paano n'yo nagagawang ngumiti Ma'am kung ganyan kalungkot ang mga mata mo." anang matanda na muling ikinabaling ko dito. "Sa tingin ko ho matapang kayong babae." may ngiti sa labing sambit nito. "Pero punong-puno ng bigat ang puso n'yo."
"Ho?" takang saad ko pero baka nga ganun ako kalungkot ngayon. Kaya kahit ibang taong hindi ko kilala nakikita ang sakit na nararamdaman ko. Mabuti pa si Manong nakita niya 'yon. "Salamat po, Manong." nasabi ko na lang.
"Kung ano man ang nagpapalungkot sa puso mo, hija. Bitiwan mo na. Anong malay mo kapag wala ka na doon ka makita nang taong nagpapalungkot sa puso mo." makahulugang saad ng matanda bago ihininto ang sasakyan. "Dito na tayo hija." anitong muling ngumiti. Tumango lang ako sa sinabi nito. Saka ko bumaba.
"Kung wala na ako?" mapait kong tanong sa kawalan. "Baka magdiwang pa si Zade kapag nawala na ako sa landas niya."
Kaagad naman akong pinagbuksan ng guard nang makita ako ng mga ito. May CCTV monitor kasi sang harap ng gate kaya kahit hindi ka kumatok pa makikita na nila. Binati rin ako ng security. Saka tuloy-tuloy na kong naglakad. Palapit ako sa main house ng maagaw ang atensyon ko sa dalawang taong nag-uusap. Nakahilira kasi sa pathway ang matataas na halaman ng santan na hitik lagi sa mga bulaklak. Kaya malamang hindi ako mapapansin ng dalawang taong nakaupo sa swing paharap sa garden.
All year round ang mga bulaklak ng santan kaya laging maganda ang hardin sa mansyon ng magulang ko.
Maganda ang bahay namin, elegante, malaki at malawak ang garden. Mataas ang bakod at mararamdaman mong safe ka kapag nasa loob ka. Siguro para sa mga taong totoong nakatira doon. Pero ako, kapag nasa bahay ako para ako laging hindi makahinga.
"Kailan mo ba siya hihiwalayan Zade?" natigil ang takbo nang diwa ko nang marinig ko ang tinig na iyon ni Atasha. Naroon ang mga ito sa swing sa labas kaya malamang hindi nila ako mapapansin. Kita ko pang nakahilig ang ulo ni Atasha sa balikat ng asawa ko habang nakaakbay naman si Zade dito.
Tila nilapirot ang puso ko sa sakit pero umiling lang ako. Nakapagpasya na ako. Hindi ko na dapat baguhin ang tungkol sa bagay na 'yon.
Tutal kahit naman maghiwalay kami ni Zade wala namang ibang makaka-aalam. Sekreto ang kasal namin ni Zade. Tanging sa pagitan lang nang mga pamilya namin. Kahit ang mga katulong ay pinagbabawalang pag-usapan ang tungkol doon.
Hindi ko alam kung paano ako napunta sa sitwasyon kong ito.
Basta isang gabi, three years ago sa supposed engagement ni Atasha at Zade, nagising na lang ako sa ingay at sa sigaw ni Atasha. At nagulat akong nasa guest room ako kung saan natutulog si Zade at magkasama kami sa kama. Wala akong matandaan sa nangyari noon. Pero dahil nakita kami ng mga magulang ni Zade sa di magandang sitwasyon, kaagad kaming ipinakasal sa huwes nang gabi ring 'yon.
Conservative kasi ang parents ni Zade. Para akong puppet ng sandaling iyon na walang ibang nagawa na lang kundi ang umayon sa lahat.
"Darating ang parents ko sa susunod na lingo, kakausapin ko na sila tungkol sa annulment namin ni Yuri, and well get married then, honey." malambing na pag-aassure ni Zade dito. Alam ko naman na pero para pa rin akong sinaksak na tumagos sa dibdib ko. Kaya't nagpasya na akong talikuran ang mga ito at tumuloy ako sa main house kahit halos gusto ko nang tumakbo na lang. Ang sakit pa rin kasi. Kung bakit kasi hindi ko magawang maging manhid na lang pagdating kay Zade.
"Finally you arrived," malamig na puna sa akin ni Mama. Si Mrs. Natasha Montefalco na tumaas pa ang kilay sabay iling. "Bakit hindi mo pinapahalagahan nang oras ng iba, Yuri?"
"Tama na 'yan may bisita tayo," saway naman ni Papa na ibinaba na ang hawak na libro. Saka walang ganang binalingan ako. "Sa susunod huwag ka nang magpapalate, minsan ka na nga lang umuwi dito sa bahay." malumanay pero malamig ang titig nito sa akin. Si Gener Montefalco ang ama ko-- isang kilalang negosyante. Civil siya sa pakikipag-usap sa akin. Hindi masungit at hindi naman sarkastiko, hindi tulad ni Mama. Pero ni minsan hindi ko naramdamang naging ama siya sa akin.
"Manang tawagin mo na ang Ma'm Atasha nang makapagdinner na tayo." utos ni Mama sa katulong na nagmadali naman nang sumunod.
Hindi nagtagal ay nasa hapag na kaming lahat. Kita ko pa ang pagkabigla saglit ni Zade ng makita ako. Dalawang linggo nang huli kaming magkita dahil busy umano ito. Malamang busy kay Atasha. Dahil nalaman kong dalawang lingo na pala mula ng dumating ang kapatid ko.
"We're glad na kompleto tayo ngayon." masiglang simula ni Atasha pero sa mukha ni Zade na pinilit nitong maupo sa tabi nito nakatingin.
"Oo nga, nang umalis ka, anak hindi na rin umuwi rito si Yuri, masyado ba siyang busy sa bahay n'yo hijo?" malambing na baling ni Mama kay Zade.
"Busy ho si Yuri sa mga painting niya. Pasensya na hindi ko siya mapilit dumalaw. Busy rin ho kasi ako sa trabaho." Paumanhin ni Zade.
"Ayos lang hijo, sanay na kami sa ugali ni Yuri, sadyang matigas lang talaga ang ulo ng batang 'yan. Kaya ikaw nang bahalang magpasensya." nakatawa pang saad ni Mama.
Sanay na ako sa pagiging plastic nila sa harap ng ibang tao. Lalo na sa harap ni Zade at nang mga magulang ng asawa ko.
"Siya nga pala sis, may mga pasalubong ako sa'yo nasa room mo. Kunin mo na lang later. Those are expensive stuff..." may pagmamalaking saad ni Atasha.
Kaya't hindi ko napigilan ang mapag-uyam na tawa, na ikinagulat nang lahat. "Sorry, natuwa lang ako." ani kong tumikhim pa. "Pero ako rin may surprise rin sa'yo?" nasabi ko. "I'm sure ikatutuwa mo nang sobra." sinamahan ko pa nang ngiti ang sinabi ko.
Kita kong pagkabigla sa mukha ni Atasha. Nagulat sila malamang. Kapag nasa ganung family dinner kami at may ibang tao. I was not allowed to say anything. Required lang akong kumain at ngumiti na parang isang puppet.
"Really!" tumaas pang isang kilay ni Atasha dahil doon. "Sana hindi prank 'yan ha."
"Ikaw lang naman ang mahilig sa prank. Sasabihin mo, mamahalin at bago ang regalo mo. Pero hindi naman talaga." mahinang sambit ko na ikinakunot noo ni Zade.
"Yuri, bakit mo sinasabi 'yan sa kapatid mo." tiim bagang saway ni Zade sa akin pero tinitigan ko lang ito na ikinagulat nito.
NATIGILAN ako sa kakaibang tingin ipinukol sa akin ni Yuri. Kahit minsan ay hindi pa ako sinalubong nito ng titig mula nang makilala ko si Yuri. Madalas itong nakatungo at walang sinasabi. Kundi oo, at sorry o kaya pasensya na. Iyon lang ang maaring marinig dito
But why did I feel bothered by her sudden change of expressions? Parang may nag-iba dito.
I was cruel with her I knew. Dahil hindi ko naman talaga siya mahal. Si Atasha ang girlfriend ko at dapat magpapakasal na kami. Pero sa araw ng proposal ko ay natagpuan ko ang sarili ko sa kama kasama si Yuri sa guestroom ng bahay ng mga Montefalco, kung saan ako natutulog.
Pinalaki akong konservative nang magulang ko. Though I'm not a saint para hindi sumuway sa utos nila pagdating sa tawag ng laman. Tao rin naman ako. Pero nang malaman kong si Atasha ang babaing pinangakuan kong pakasalan noon. Iginalang ko si Atasha. Dahil iyon ang turo sa akin nang magulang ko.
Pero nang gabing 'yon sa bahay pa mismo nila Atasha nakipagtalik ako sa kapatid nito. I got drunk that time at medyo nahilo ako kaya nagpasya akong magpahinga muna sa guestroom.
Tanda kong ipinagdala pa ako ni Atasha noon nang tubig and he told me to rest dahil dalawang oras pa naman bago magsimula ang party nito.
But in the middle of my sleep, at dala nang kalasingan ko, kita kong pumasok si Atasha sa kuwarto ko. And we make out. I took her na para akong isang gutom na hayop na inangkin siya sa unang pagkakataon.
Pero paggising ko ibang babae ang nasa kama. Hindi si Atasha kundi ang tahimik at mahinhin nitong kapatid na hindi mahilig makipag-usap.
The thought made me clench my teeth. Nagagalit ako kay Yuri dahil siya ang sumira sa amin ni Atasha. At kung bakit naman kasi nawala ako sa kontrol ng gabing 'yon to the point na nakita pa kami ni Atasha at ng Mommy ko na muntik nang atakihin dahil sa kahihiyan.
At sinisi ko lahat 'yon kay Yuri. Pakiramdam ko sinadya niya iyon. Pero sa tuwing iisipin ko rin naman, wala akong nakikitang rason para gawin ni Yuri iyon. Kaya lalo lang akong naiinis.
Tahimik ito at hindi palasalita. Ang sabi ni Mrs. Montefalco baka daw dahil artist ito. Mahilig kasing magpinta si Yuri. At magaling nga ito. I saw her some of her painting sa isang kuwarto sa bahay namin. Pero aksidente lang iyon dahil hinanap ko noon si Yuri para sana sermunan dahil hindi ito umuwi sa wedding anniversary ng magulang nito.
Hindi ko alam kung bakit parang walang paki-alam si Yuri sa pamilya nito. Gayong mababait naman ang mga Montefalco.
At ngayon nga ay nagiging rude na rin ito. "Don't say that to your sister." asar na saway ko dito.
"Ano bang alam mo. Bakit hindi ka pumunta sa kuwarto ko sa basement para makita mo ang mga regalo niya sa akin." paasik na sagot ni Yuri sa pagitan ng pagsubo. Saka ito tumingin kay Atasha na nagulat ata, kaya biglang namula ang mukha.
"Mama," naiiyak na nagpapasaklolo si Atasha sa ina.
"Anak, hayaan mo na ang kapatid mo. Yuri mamaya check mo iyong gift ni Atasha, kapag hindi mo nagustuhan magshopping na lang tayo." malambing na saad ni Mrs. Montefalco.
"Shopping? Hmp!" bakas ang disgusto sa mukha ni Yuri saka nababagot na ibinaba ang hawak na kubyertos. Maingat itong nagpahid nang tissue sa labi. Saka inalis ang reading glass nitong madalas nitong sout.
Noon ko napansing maganda pala ang mga mata ni Yuri. Kakaiba kaysa sa magulang o sa kapatid nito.
I thought she had deep black eyes too. But she had light brown eyes na may malambot na ekspresyon. Sukat doon ay napakurap-kurap ako.
Bakit parang ibang babae ang kaharap namin ngayon. Nasaan ang mukhang maamong tupa kong asawa.
"Hindi na kailangan, Mama. Nakakapagod mamili tapos hindi naman pala sa akin mapupunta. I can't even choose what I like." direktang saad nito sa ina.
"Yuri!" asik na saway ni Mr. Montefalco sa anak. "What is wrong with you?"
"Wala ho Papa. I just came to realized that I'm tired of everything. Pagod na akong magpangap, at pagod na rin akong tumungo lagi." ikinagulat ko ang pagtulo nang luha ni Yuri na nagdulot ng kakaibang kirot sa dibdib ko.
"What the fvck!" sambit ko sa sarili ko.
"Ngayong bumalik na si Atasha, gusto ko nang lumaya. Maghiwalay na tayo, Zade." parang may kung anong bagay ang sumipa sa didbib ko sa sinabi nito. "Para hindi n'yo na kailangan magtago pa ni Atasha, nakakahiya kong malalaman ng ibang kasal na ang lalaking sinasamahan mo hindi ba?" baling nito kay Atasha na pulang pula ang mukha. "Ang saklap kong matatawag na Mistress ang pinakapaboritong anak ng Montefalco."