3: Lakas Loob

2115 Words
3: Lakas Loob "ANO SA tingin mo ang ginagawa mo, Yuri Ann!" Galit na habol sa akin ni Zade ng palabas na ako nang mansion ng magulang ko. Marahas na kinabig nito ang braso ko kaya napangiwi ako. Subalit hindi ko ipinakita sa kanya na nasasaktan ako dahil wala namang halaga iyon kay Zade. Walang halaga sa kanya ang anumang tungkol sa akin. "Ano bang tingin mo, ginagawa ko ang sa tingin ko dapat matagal na nating ginawa, Zade Larzon. Pagod na rin naman ako," pag-amin kong ikinatitig nito sa akin. Ang kaninang nag-uuyam nitong tingin ay napalitan ng pagkagulat at gumalaw ang panga nito tanda na galit ito. Pero hindi ito nagsalita. "Tama ka, bakit nga ba hindi ako napapagod? But I am now. Kaya okay na. Malaya ka nang gawin ang gusto mo, hindi na rin ako maoobligang gawin ang mga bagay na kahit minsan hindi mo naman pinahalagahan. Dahil akala mo ako ang may kasalanan nang lahat, wala kang alam sa akin Zade, kaya bakit mo sa akin isinisisi ang lahat? Kaya tama 'to." mapait kong tinitigan si Zade sa mga mata nito. I never did that back then, dahil natatakot akong makagawa nang pagkakamali. Dahil ayaw kong maghiwalay kami ng asawa ko. Dahil alam kong sa poder nito mas ligtas ako. But I was wrong. Pero may dahilan na ako ngayon para palayain ang sarili ko. Kaya ito na ang gagawin ko. Kumurap-kurap ako upang pigilin ang nagbabadyang luha sa aking mga mata. "Hindi mo puweding gawin 'to Yuri, you can't---" "Bakit kailangan ba, antayin ko pang ikaw ang magsabi na maghiwalay na tayo. Kailangan ba isipin ko pa ang pride mo?" patuyang sumbat ko dito na muli na naman nitong ikinabigla. Malinaw ang narinig ko kanina. At alam kong tama lang talagang ako na ang kusang umayaw. "I'm sorry, pero gusto ko nang maging malaya, sayo at sa pamilya ko." kuyom ang kamaong saad ko dito. "At saan ka pupunta pagkatapos? Wala kang ibang pupuntahan Yuri. Your nothing without me or your family." pumiksi ang balikat ko dahil sa sinabi ni Zade. Totoo naman, kaya nga hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob dahil natatakot ako sa maraming bagay noon. Pero kapag nalaman ni Zade na buntis ako, alam kong mas dapat kong ikatakot ang magiging pasya nito. At hindi ko hahayaang mareject ang anak ko na hindi pa man lumalabas sa mundo. Siguro ganito kapag magiging ina ka na, mas nagiging matapang ka na. Dahil noon hindi ko man lang magawang isiping takasan ang lahat. Dahil ang alam ko sila ang pamilya ko. Kaya ginagawa ko ang lahat para makita rin ako. Kahit alam kong mas madali pa mamatay kaysa ipilit ang gusto ko. Dahil kahit minsan hindi ko naramdamang may pamilya ako sa piling ng kinikilala kong pamilya. At hindi kailanman ipinaramdam sa akin ni Zade na ako ang babaing posible niyang magustuhan kung magsisikap ako. Tulad ng pagsisikap kong gawin ang lahat para matuwa sa akin ang pamilya ko. Ang gusto ko lang naman sana magkaroon nang matatawag kong pamilya. Pero simula ng magkaisip ako lagi na lang akong nag-aamot ng atensyon at pagmamahal. Ang kuwarto ko sa basement hindi katulad ng silid ni Atasha na nasa second floor, at may magandang kama at maluwang na espasyo. Ang silid ko ay may iisang ilaw lang at maging ang kama ko ay pinaglumaan pa ni Atasha. Nagkakaroon lang ako ng bagong damit, kapag ayaw ni Atasha sa bagong damit na mayroon ito. The rest of my things belong to Atasha. Lahat ng pinaglumaan niya sa akin napupunta. Pero hindi pa ito nakokontento, kinukuha nito ang lahat na mayroon ako. Maging si Zade ay kinuha niya sa akin. Pero hindi ako puweding magsalita. At alam kung hindi rin naman kami bagay ni Zade nang muli kaming magkita. "Wala kang pupuntahan Yuri Ann kaya---" "Kung ang mga aso nga nakakatagpo nang mababait na amo kapag sinuwerte sila, baka makatagpo rin ako nang mabubuting tao para makita at maramdaman ko na may halaga rin ang tulad ko." matatag kong saad kay Zade saka ko siya tuluyang tinalikuran. "Yuri!" dinig ko pang sigaw nito. Pero wala na akong planong lumingon pa. Ang tanging alam ko lang, ito ang tama para sa amin ng magiging anak ko. Pagkalabas ko nang gate ay umilaw ang pulang kotsing nakaparada sa di kalayuan nang mataas na bakod saka iyong umandar palapit sa akin. "Let's go!" anang babaing maiksi ang buhok na ikinangiti ko. Kaagad na akong sumakay sa kotse nito. Si Moira Sebastian ang nag-iisang kaibigan ko. Magkaklase at magkaway kami noong college. "Nagawa mo?" excited nitong usisa saka pinasibad na ang kotse palayo. Noon ko nagawang huminga. Saka tumango kasabay nang pagtulo ng luha ko. "O--oo.." utal-utal ko pang sagot na ikinatawa nito. "Yuri my dear, dapat matagal mo nang ginawa 'yan. Congratulations! Ayan, para sa'yo yan, kainin mo." utos nito na inginuso ang brown paper bag na nasa ibabaw ng dashboard ng kotse. "Ano to?" "Buksan mo na lang kasi." ani Moira. Napaismid ako nang makita ko ang pritong tokwa. Kaya ngumisi ito. "Napapanood ko sa mga Korean drama, pinapakain nila niyan ang mga bagong layang bilanggo. Prito nga lang iyong dala ko. At medyo sunog para umitim naman ang budhi mo. At makaisip kang gumanti. Ops.." anitong tinampal ang sariling bibig. "Hindi naman ako narinig nang inaanak ko diba?" natatawang saad nito. "Baka hindi naman." nasabi ko. "So anong plano? Sabihin mo lang, ikaw na lang ang inaantay ng apartment mo." anitong sumeryoso pa. Six months ago nang ikuha ako nito nang apartment dahil matagal nang sinasabi ni Moira na sumuko na ako kay Zade. Mag-iisang taon na mula nang isama ni Moira ang ilang paintings ko sa gallery ng ina nito. And to my surprise sold out ang sampung painting ko sa gallery event. At magaganda ang feedback na natangap ko mula sa mga painting enthusiast. Sa kasalukuyan, may sapat na rin naman akong pera para magsimula. At si Moira lang ang nakaka-alam noon. Kaya mali si Zade na wala akong mapupuntahan. Alam kong magagawa ko. Makakaya ko. Dahil kakayanin ko. Madami na akong pinagdaanang hirap kaya alam kong madali na lang ang lahat. Palubag loob ko sa isipan ko. Pero hindi ko pa ring maiwasang kabahan. MEANWHILE. "ZADE bakit hindi ka pa pumasok sa loob, honey." ang tinig na iyon ni Atasha ang gumising sa natutulirong isipan ni Zade. Hindi pa rin ito makapaniwalang sa isang iglap lang nagbago ang babaing tatlong taon rin niyang nakasama. "Hindi ka man lang ba nag-aalala sa kapatid mo?" saway niya dito. Kakaiba ang mga sinasabi ni Yuri sa mga nakikita kong pakikitungo ng pamilya nito dito. She's being rude at halata ang galit sa mata nito kanina. Pero mabait at mapagbigay ang mag-asawang Montefalco sa bunsong anak ng mga ito. Kaya hindi ko maiwasang mapa-isip kung bakit ganun na lang ang ipinakaita ni Yuri sa dinner kanina. At sa nakalipas na tatlong taon, hindi umuwi si Yuri sa pamilya nito kahit sa mga special na okasyon na siya mismo ay nakakadalo. "Hayaan na natin si Yuri, masyado naming na spoiled ang batang iyon." iyon ang madalas sabihin ni Mrs. Montefalco sa kanya kapag dumarating siyang wala si Yuri. Kaya nga lalong naiinis si Zade sa asawa nito dahil parang wala itong pagpapahalaga sa pamilya. Sa lahat iyon ang isang bagay na gusto niya. Isang babae na may pagmamahal sa pamilya. "Bakit ganun si Yuri?" hindi nakatiis na tanong ni Zade kay Atasha na nakakapit pa sa braso nito. Zade didn't mind at all. Dahil si Atasha naman talaga ang mahal nito. Pero sa pagkakataong 'yon ukupado ni Yuri ang takbo ng isipan niya. "Don't mind her, kita mo naman ang ginawa niya. Salbahe talaga ang babaing iyon. I'm sure she's just jealous, honey. Alam naman niyang ako ang mahal mo kaya natural lang 'yon siguro. Nagselos at nagalit rin naman ako nang siya ang pakasalan mo noon." may himig tampong saad nito. "Pero ngayong siya na mismo ang nakikipaghiwalay. I guess. I don't care anymore." bakas ang excitement sa mukha ni Atasha. "Babawiin kita no matter what, just what I promised right." "I know, pero kasal pa rin kami ni Yuri at hindi ko pa nasasabi sa parents ko ang plano." "Ano ba, Zade. Ako naman talaga ang gusto ng Mommy mo para sa'yo diba. I have this." anitong hinawakan ang sout nitong kuwentas. Ang Jade pendant na kapares ng pendant na nasa kanya. It was a half star jade. Ang kalahati ay nasa kanya. Ipinapasa 'yon sa mga babaing napipili ng panganay na Dela Merced bilang maging kabiyak. Pero na kay Atasha ang kuwentas, subalit hindi ito ang asawa ni Zade. "I love you Zade, so much." bakas ang kasiyahan sa mata ni Atasha na mabilis na tumingkayad upang halikan sa labi si Zade. At dala nang pagkabigla ay hindi na rin naka-iwas pa si Zade. Ano bang masama? Kapag opisyal na silang hiwalay ni Yuri, pakakasalan niya ang babaing totoong para sa kanya. Dapat laging tumupad sa pangako. Iyon ang bilin sa kanya nang ama. Kaya lumaki si Zade na pinapahalagahan ang bawat salitang binibitiwan nito. At iyong ang ipinangako niya sa dalaga noon. "Excited na akong sabihin mo sa parents mo ang tungkol sa annulment n'yo ni Yuri." hirit ni Atasha. "Ako rin," nasabi niya subalit naroon ang agam-agam na hindi niya maunawaan. "ARE YOU sure na gusto mong umuwi pa sa bahay ng asawa mo after mong magdeklara ng giyera?" nandidilat pang tanong ni Moira sa akin pagkagaling namin sa restaurant para kumain. Bigla kasi akong nakadama ng gutom dahil halos hindi rin naman ako nakakain sa bahay kanina. Paano ko magagawang kumain kung kailangan kong mag-ipon ng matinding lakas ng loob para sabihin ang lahat ng dapat kong sabihin. "Hmm... kailangan ko ring kunin ang ilang personal kong gamit. Gusto kong umalis na walang iniiwang bakas sa bahay ni Zade." mahinang saad ko dito habang nakatuon ang mata ni Moira sa kalsada. "Iyon ba talaga ang dahilan?" Nanantiya ang tinging saglit na ibinigay sa akin ni Moira. "Yuri, kilala kita kaya alam kong hirap ka pa ring isuko si Zade." "Siguro pero wala na akong pagpipilian pa." I pressed my lips as I say that. "Alam kong hindi ganun kadali na kalimutan si Zade pero alam kong magagawa ko rin." " Yes. Para sa baby mo. Excited na akong makilala ang inaanak ko. Siya nga pala bukas ipapakilala kita doon sa benefactor ng gallery ni Mama na sobrang na inlove sa paintings mo." "Bakit naman?" "Gusto ka raw niyang makilala, akala ko nga ako ang type niya nang lapitan niya ako sa Gallery, ikaw pala. Nakaalis ka na kasi kaya disappointed iyong guwapong binata." nakangusong saad nito. "Big time 'yon. Nainlove sa mga painting mo, sabi pa niya iyong mga painting mo daw, naiimagine lang niya. Kaya sobrang tuwa raw niya ng makita niya iyong mga gawa mo." "Baka naman masamang tao 'yan ha." "Hindi no, anak siya nang Senador. At sobrang hot at yummy. Looking back pareho ang kulay ng mata n'yo. Buti naisipan mong alisin ang contact lense mo. Ikaw lang ang taong nakita ko na may contact lense na may reading glass pa." "Alam mo naman... pero wala na ang mga 'yon mula ngayon. Gagawin ko nang mga gusto ko kaya hindi ko na isusout ang salamin ko." nagawa ko pang ngumiti dito. " Pero, seryoso ba iyong tungkol doon sa sinsabi mo." di makapaniwalang tanong ko dito. "Yep, kaya be free tomorrow, ipapakilala kita sa kanya." paalala nito na ihininto na ang kotse. Nasa tapat na pala kami ng main gate ng mansyon ni Zade. "Are you sure you'll be okay?" bakas ang pag-aalala sa mukha ni Moira. "Oo naman. Sige na thank you, Moi." pinalambing ko pa ang boses ko na ikina-ikot ng mata nito. "Stop calling me that, bye." naiiling nitong saad saka pinatakbo na ang sasakyan. Sumenyas pa ito ng lingunin ko ito. Kaagad na rin akong pinagbuksan ng security. Isang malalim na paghinga ang pinawalan ko nang mapansin kong naroon na ang kotse ni Zade sa garahe. And what surprise me more ay naroon ito sa may pinto na tila nag-aantay. At mukhang naiinip na. "What took you so long, saan ka galing?" matiim nitong bungad na ikinabigla ko. Halos mag-isang linya kasi ang makapal na kilay ni Zade. Bakit parang galit ata ito. "Bakit nandito ka na? Hindi ako sanay na nagkikita tayo dito sa bahay, lalo na ang antayin mo ako? Hindi ba dapat nagpapakakasaya ka kasama ng mahal mong si Atasha." sarkastikong balik tanong ko dito na lalong ikinasalubong ng kilay nito. "Damn it Yuri, what is wrong with you!" sigaw nitong ikinapiksi ng balikat ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD