4: Pagkalito

2075 Words
4: Pagkalito "WALANG mali sa akin Zade Larson!" matiim na sikmat ni Yuri sa akin. I was feeling anxious seeing how she manage to glared back at me. Napipikon ako sa kagaspangan ng ugali ni Yuri. "Anong klase ng anak ang basta na lang magiging bastos sa harap ng magulang niya?" I scolded her. "At anong klasing asawa ang nakikipaglandian sa kapatid ng asawa niya!" Balik sumbat nitong ikinabigla ko. Pero ikinagulat ko rin ang biglang pagtawa ni Yuri Ann. "Sorry nakalimutan ko, siya nga pala ang babaing pinakamamahal mo." patuyang saad nito. "Pero hindi mo puweding isisi sa akin kung bakit ako ang naging asawa mo! Dahil kasalanan mo rin naman eh. Dapat ipinaglaban mo rin si Atasha. It was just s*x right?" bakas ang pait sa mukha nito matapos sabihin 'yon. Hindi ako makapaniwalang nakikita ko ngayon ang side na ito ni Yuri. Kung dati para itong maamong tupa na laging nakayuko at walang tinig. Ngayon tila ito isang leon na handang manakmal sa isang pagkakamali mo. "You dare talked back to me like that Yuri Ann! It was your fault kaya nangyari ang gulong 'to," di ko mapigilang magkuyom ang kamao ko. "Fine, kasalanan ko na!" Baliwalang sambit nito, kita kong namumuong luha sa sulok ng mga mata nito. Then her face blushing. "Pero pinapalaya na kita, kaya anong problema mo ngayon? Bakit ka nagagalit? Bakit ka pa nagtatanong? Just ignore me like you always did Zade. Dahil iyon na rin ang gusto kong gawin ngayon. Sa'yo at sa lahat ng taong walang paki-alam sa nararamdaman ko." Hindi ko maiwasang mag-init ang ulo ko dahil sa nga pinagsasabi ni Yuri kaya't napatingala ako upang hamigin ang katinuan sa utak ko. Pero ang isiping sinusuway ako ni Yuri talagang nagpapa-init ng ulo ko. "Nagpapatawa ka ba? Ikaw ang walang paki-alam sa nararamdaman ng pamilya mo. Ikaw itong sutil na hanggang ngayon isip bata pa rin." sermon ko dito. Hindi ko alam kung bakit biglang nagiging matigas ngayon si Yuri. At hindi ko rin alam kung bakit pinagkaka-abalahan ko pang kausapin siya. I was supposed to be celebrating that she insisted the annulment first. Dahil iyon naman ang plano. Mas magiging madaling kumbinsihin ang mga magulang ko tungkol sa annulment. Natapos na ang kontrata ni Atasha sa modeling Agency nito sa Paris. At may offer ito sa Y Entertainment dahil na rin sa pagsponsor ng kompanya ko sa Agency. Mas gusto ko nang nasa bansa lang si Atasha. Tatlong taon rin kaming hindi nag-usap ni Atasha dahil na rin sa pangako ko sa mga magulang kong i-rerespeto ko ang kasal ko kay Yuri Ann. Sinabi pa ng ama kong subukan ko raw na pag-aralang mahalin si Yuri dahil ito na ang asawa ko. But I can't do that, paano ko mamahalin ang babaing sumira sa masayang pangarap ko. Si Atasha lang ang mahal ko. At si Atasha ang dapat pakakasalan ko at magiging ina nangmagiging anak namin. Hindi ang makasarili at mapagmataas na si Yuri. "Wala kang alam sa akin, Zade, wala... kaya wala kang karapatang husgahan ako. Dahil ang tanging alam mo lang ay kung anong naririnig mo, pero bulag naman ang mga mata mo." mapait nitong sumbat na nanubig pa ang sulok ng mata nito kaya napatingala ito. KAAGAD akong kumurap-kurap upang pigilin ang luhang nagbabadyang kumawala sa aking mga mata. "You and your lame excuses, Yuri." anang ni Zade ng makabawi. Hindi ko alam kong paano ko minahal ang tulad nito? Isang marahas na pag-iling ang ginawa ko. Hindi ako dapat magpadala sa emosyon ko. Kaya ako masyadong nasasaktan dahil madali akong matalo ng sakit na nararamdaman ko. Bakit kasi hindi pa ako masanay. "Excuses..." nagawa kong sabihin. "Hindi ko alam kung anong excuse ko ang nakikita mo. Pero ikaw anong excuse mo para hindi mo makita ang totoo?" mahinang sumbat ko saka ko tinalikuran si Zade. "Yuri! how dare you turn your back on me...." napasigaw ako ng hilahin ni Zade ang braso ko kaya dumulas ang paa ko sa unang baytang ng hagdan. Inataki ako nang labis na takot subalit mabilis akong na kabig ni Zade kaya hindi ako natumba. Halos tumalon ang puso ko sa kaba. "Ano ka ba!" dama kong nanginig ako sa takot dahil doon. Pero nanoot sa ilong ko ang mabangong amoy ni Zade na lalong nagpabilis ng pintig nang pulso ko. Kaya't mabilis akong lumayo dito. At kita kong pagtataka sa mata ni Zade saglit. "Sor---bakit mo kasi ako tinatalikuran!" Sermon na naman nito. Kita kong pagkalito sa mukha nito. At nauunawaan ko kung bakit. "Bakit hindi ba kayang tangapin ng pride mo na ako ang unang tumatalikod. Huli na rin naman kaya hayaan mo na. Maghihiwalay na rin naman tayo." kalmado kong saad dito. "Fine, pero hindi ka pa puweding umalis ng bahay. Hindi pa alam ng parents ko ang tungkol dito. You have to wait until they returned." "Bakit pa, ayaw rin naman sa akin ng mga magulang mo diba. Napilitan lang sila dahil takot sila sa eskandalo." giit ko dito. "Puwede ba Yuri ikaw ang naglagay sa atin sa sitwasyong ito, kaya huwag mo akong suwayin." nagbabanta ang tinging ibinigay sa akin ni Zade. "Ako...kapag mali laging ako." reklamo ko pero patuyang tinitigan lang ako ni Zade. "Hindi ba?" sarkastiko pa nitong usig. "Whatever!" Baliwalang sagot ko. Kita kong pagkuyom ng kamao ni Zade. Namumula na rin ang mukha nito---sa galit sigurado ako. "Next week nandito na sina Mom, hindi sila puweding mabigla kapag nalaman nilang wala ka na dito sa bahay. May sakit si Mom kaya hindi ka puweding gumawa ng bagay na ikakasama ng loob niya. We'll talk to them together. Ang importante makita lang nilang hindi tayo masaya na magkasama." "Anong logic doon, ha? Kung aabutan nila tayong nagsasama pa rin sa iisang bahay. Paano sila maniniwala na---" "Ako nang bahala sa bagay na 'yon." he cut me off. "Teka, huwag mong sabihing patitirahin mo rin dito si Atasha para mas convincing para sa parents mo?" paasik kong tanong dito. "Puwede ba, Yuri. Hindi naman ako ganung klase ng tao. At isa pa masasaktan si Atasha kung titira siya dito na kasama ka." tila sinipa ang dibdib ko sa sinabi ni Zade pero lumunok na lang ako. Ano bang inaasahan ko. Si Atasha ang pinakamahalaga sa lahat. Ito ang priority. Pero mas masakit iyon kaysa sa mga nararamdaman ko sa noon sa bahay ng magulang ko. Impit na daing ang namutawi sa lalamunan ko. Saka ko muling tinalikuran si Zade. Nang maramdaman kong hindi na niya ako sinundan ay saka ko hinayaang pumatak na lang ang luha ko. Mabilis na akong nagtungo sa silid ko. Napasandal na lang ako sa dahon ng pinto ng isara ko 'yon. Saka padausdos na napa-upo na lang sa sahig. Lahat na lang nang lumalabas sa bibig ni Zade nasasaktan ako. I let my tears fell until it voluntarily run dry. Saka lang ako tumayo sa pagkakasalampak ko sa sahig. The more I felt this pain. The more I wanted to leave. Pero hindi ko puweding biguin ang magulang ni Zade. Hindi man nila ako gusto noon, hindi naman nila ako kailan man pinakitan ng hindi maganda. At mabait ang mag-asawang Dela Merced. Disappointment, iyon ang mas nakikita ko sa kanila. Pero kailan man hindi sila nagsalita nang masama sa akin. Nagbihis ako at inayos ko ang sarili ko bago ako nagpasyang bumaba para ikuha ng tubig ang sarili ko. Lately ay madalas akong mauhaw sa gabi kaya naglalagay na ako nang baso sa kuwarto. "Gusto mo bang kumain, Ma'am Yuri?" Tanong sa akin ni Aling Susan na naroon sa kusina at nagkakape. "Hindi ho, nagdinner na ho ako." magalang kong saad dito. "Magpahinga na rin kayo." Noon naman umalis na si Aling Susan patungo na ito sa kuwarto nito. Saka ko inilabas ang vitamins na kailangan kong inumin para sa baby ko. Pag-alis ko saka na ako iinum ng gatas para sa buntis para mas maging malusog ang anak ko. Sa isiping iyon ay nasapo ko pa ang aking flat kong t'yan. "Para saan 'yan?" Muntik pa akong masamid nang marinig ko ang tinig ni Zade sa likuran ko. Mabilis kong itinago sa bulsa ko ang balot ng gamot. "Are you sick?" kita ko ang pag-isang linya nang kilay nitong nakatitig sa mukha ko. "Sumakit lang ang ulo ko kaya uminum ako ng paracetamol." palusot ko saka ko inubos ang laman ng baso ko. Saka ko muling nilagyan iyon mula sa water dispenser. "Mauna na ako." paalam ko dito. "Make me coffee first." utos nitong ikinahinto ko sa paglakad. Ano daw? Matagal ko nang hindi ginagawang ipagtimpla ito ng kape mula noong i-kompara niya ang timpla kong kape sa gawa ni Atasha noon. "Bago ko makalimutan." dagdag nito saka ipinatong sa mesa ang isang di kalakihang paper bag na hawak pala nito. "Pinadala ni Mom 'yan, para sa'yo. Anniversary gift raw niya." Takang napatitig ako kay Zade. Tatlong taon na kaming kasal pero ni minsan ay hindi nagbigay ng regalo sa akin ang ina nito. "What rights do I have para tangapin pa 'yan?" nasabi ko. "Kung ayaw mo di itapon mo." sarkastiko nitong sikmat. " Ang kape ko."mando nito. Pero tinitigan ko lang si Zade. Saka ko kinuha ang paper bag at iniwan ito. "Tigas talaga nang ulo mo Yuri Ann." Dinig ko pang saad ni Zade bago ako tuluyang nakalabas ng kumedor. GUSTO KONG tampalin ang sarili ko dahil sa ginawa ko. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa pa 'yon. Nang tawagan ako ni Aling Susan para sabihing nag-aantay sa akin si Yuri at nagluto ito para sa 3rd wedding anniversary namin noong nakaraang araw. Natagpuan ko ang sarili ko sa mall. Matapos kong manood ng unang fashion event ni Atasha sa bansa. I bought her the set of earrings ang necklace na nakita ko sa jewelry shop. It was an emerald jade. Hindi mahilig si Yuri sa alahas. Iyon ang napansin ko. Dahil tanging relo lang ang madalas kong makitang sout nito kapag aalis ng bahay. Pero nang makita ko ang jewelry alam kong bagay 'yon dito. Kaya ayon binili ko nang hindi nag-iisip. Wala kaming wedding ring dahil hindi ko siya binilhan noong kasal namin. Dahil ang singsing na nasa bulsa ko noon ay ang singsing para sana sa proposal ko kay Atasha. Inutusan ako ni Dad na bumili ng singsing para kay Yuri pero ni minsan ay hindi ko ginawa. She's not the woman I wanted to marry anyway. Para nga akong na-ambush wedding dahil sa nangyari. Kaya hindi ko alam kung bakit ko pa binilhan si Yuri ng regalo. Nagpasya na lang akong ipagtimpla ng kape ang sarili ko. Saka ko umakyat pabalik sa kuwarto. I was about to pass Yuri's room nang marinig kong may kausap ito marahil sa phone nito. "Tumawag ka ba para manigurong matutuloy ang annulment namin ni Zade, huwag kang mag-alala Atasha. Sa'yong sa'yo na ang asawa ko." dinig ko ang patuyang saad nito sa kausap. "Ang kapal rin talaga nang mukha mo, Yuri. Kung hindi mo inagaw sa akin si Zade hindi naman ikaw ang asawa niya ngayon." dinig ko ang galit na asik ni Atasha sa kabilang linya. She doesn't sound like a polite woman I knew. Nakaloudspeaker kasi si Yuri. "Inagaw! Hmp! Hindi ba ikaw ang nagbigay sa akin ng alak ng gabing iyon. Ipinilit mo kahit ayaw ko. Halos gumapang na ako makabalik lang sa kuwarto ko sa basement. Kaya hindi ko alam kung paano ako napunta sa guest room." Lintaya nito. Hindi ko alam ang tungkol sa bagay na'yon. "Bagay nga kayo ni Zade, parehas kayong mahilig manisi ng iba." gigil na usal ni Yuri pero malutong na tawa lang ni Atasha ang isinagot nito. I was confuse kong si Atasha ba talaga ang kausap nito. Pero kilala ko ang boses ni Atasha kaya alam kong siya 'yon. "Kunwari ka pa, diba gusto mo naman talaga si Zade noon pa. Kaya huwag ka nang magpalusot pa." saglit akong natigilan dahil doon. "Malandi ka lang talaga, Yuri. Kaya kung ako sa'yo lumayas ka na sa bahay ng fiancé ko sa lalong madaling panahon. I would love to see you suffer for ruining my life." pagalit na saad ni Atasha. "Talaga ba? Ako ba talaga ang sumira nang buhay mo? Hindi ba pabor naman talaga sa'yo ang nangyari. Alam mo ang tungkol sa proposal ni Zade, pero nagdadalawang isip ka dahil sa modeling career mo. Nang-araw na 'yon alam kong ngumiti ka habang ikinakasal kami ni Zade."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD