7: Gold Digger
WALA AKONG magawa kundi ang pagbigyan si Atasha sa pagpunta sa A-Hotel. Nagtatampo kasi ito nang pagsabihan ko ito tungkol sa perang ginastos nito. Pinaalalahanan ko lang naman sana ito pero umiyak na lang si Atasha. Kaya wala na akong magawa kundi ang amuhin ang dalaga. Ayaw kong nakikitang nasasaktan si Atasha dahil marami na rin akong atraso dito. But spending money on things unnecessary medyo worried ako sa ganung bagay.
Hindi dahil sa kuripot ako, but I'm just being practical. Napakarami na nitong bag collection at kung anu-anong gamit na hindi naman nito halos nagagamit. Pero panay pa rin ang bili nito kahit hindi nito kailagan.
And besides hindi pa rin ako makaget-over sa nalaman kong hindi halos ginagastos ni Yuri ang fund allowance nito. At hindi ko rin maiwasang isipin kong bakit ipinamigay nito ang mga damit nitong iilang piraso na nga lang.
"Nagrequest ako ng flowers for my date, is it ready?" naagaw ang atensyon ko sa lalaking lumapit sa may counter area. "Ipahanda n'yo na." utos nito sa babae.
"Oh my God! Aren't you..." excited na bulalas ni Atasha na nakatingin sa lalaki. "You're Clarence Saadevra, are you?"
Saadevra? Ulit ng utak ko. At mula kong saan ay bigla kong naalala kung sino ito. "Ang nag-iisang anak ni Senador Gaston Saadevra, ang business tycoon at isa rin sa mga investor nang kompanya ko. Dahil sa pagpasok nito sa politika, kinailangan nitong ipagkatiwala sa anak nito ang negosyo nang pamilya nito. And Clarence Saadevra was known as the Youngest Business Tycoon sa murang edad nito. Ang pagkaka-alam ko napakatalino nito at sa murang edad ay nagawa nitong pagsabayin ang pag-aaral at sa pagmamanage ng kompanya ng ama nito. Isa ito sa mga tinaguriang henyo at nagmula sa Bridgestone Academy. Ang pinakasikat na paaralan sa boung bansa para sa mga batang may matataas na IQ.
"Do I know you?" formal na tanong nito kay Atasha. Bata pa ito higit na mas bata kaysa sa akin pero napakamature nitong tingnan.
"Uhmm...not personally pero nandoon ka sa isang fashion event ko sa Paris."
"Last year... I see. Sorry I'm not good at recognizing people face, unless she's as pretty as someone I knew." anitong lumingon sa kung saan pero bago ako napasunod sa tinitingan nito kita kong namula ang mukha ni Atasha. It was indirect way of saying na hindi maganda si Atasha sa paningin nito.
"So you're dating!" mapaklang saad ni Atasha dito. Pero hindi ko na nagawang lingunin ito. Dahil hindi ko maalis ang tingin ko sa babaing nakayuko at nakatingin sa pagkain sa harap nito. But I could clearly see her perfect jawline. At muntik nang malaglag ang panga ko nang makilala ko si Yuri.
"What is she doing here?" tanong ko sa sarili ko.
"Sir, ito na 'yong flowers." agaw pansin ng babaing staff ng hotel.
"Okay thanks. I owe you one, Patricia." preskong saad nito sa babae na tila kinilig naman nang kindatan ito ni Clarence. Parang may sumuntok ng malakas sa dibdib ko nang mapagtanto ko kung saan papunta si Clarence.
"Sino bang date niya na mas maganda pa sa akin.Hmmp!" dinig kong asar na lintaya ni Atasha. "Honey, doon na nga tayo sa table natin." yakag sa akin nito. Noon naman dumaan sa harap ko si Moira---ang kaibigan ni Yuri.
Napairap pa ito nang makita ako. We never talk pero kilala ko ang babae dahil iilang beses ko na itong nakitang kasama ni Yuri.
"Honey let's go." untag ni Atasha sa akin. Para akong batang napasunod na lang dito. Dahil hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa asawa kong ibang iba ang hitsura. She was wearing light make-up at hindi ito nakasuot ng eyeglasses. At hula ko ay nakadress rin ito.
"Excuse me Sir, sa table 15 po kayo, this way please.." agaw pansin ng staff.
MEANWHILE
"ANO TO?" nanlalaki pa ang mata kong napatitig kay Clarence ng i-abot nito ang bulaklak sa akin. Nakatayo ito parahap sa akin kaya hindi ko na nakita sina Zade at Atasha.
"Just play along. I'm your new friend kaya hindi kita hahayaang mapahiya okay."
"Pero kasi---" nag-aalalang saad ko. Ayaw kong magselos si Moira, lalo't alam kong gusto nito si Clarence.
"Wow, ang sweet mo naman Clarence." biglang singit ni Moira na kumindat pa sa akin. "Tangapin mo na, dali." mahinang usal nito kaya wala akong nagawa kundi ang kunin ang bulaklak.
"Anong nangyayari?" Pabulong kong usisa dito nang maupo na ito sa tabi ko.
"Sumakay ka na lang kasi." Ipinakita nito sa aking ang message mula kay Clarence. Hindi ko naiintindihan ang nangyayari dahil hindi ko na nga halos nabasa ang message ni Clarence dito.
Lalong nagkagulo ang pintig ng puso ko nang makita kong palapit sa direksyon namin sina Atasha at Zade. Pero naramdaman kong pinisil ni Moira ang kamay kong nasa kandungan ko.
"Hay naku, hindi ko alam kung bakit third wheel ako sa date na 'to," simula ni Moira na bahagya pang inilakas ang boses.
"Ayos lang, Yuri won't want to date me kung hindi ka kasama. I might finally get my chance kung matutuloy na ang annulment. Bakit kasi nagpakasal ka kaagad. You should have wait for me, Yuri." malambing na saad ni Clarence. Hindi ako makapaniwala sa ginagawa nang dalawang kasama ko.
"Yuri! Is that---it's her!" dinig ko ang boses ni Atasha. Na ikinalingon naming lahat dito. "What the---"
"Oh, hi!"ani Clarence na tipid na nginitian pa si Atasha.
"Siya ba ang magandang babaing sinasabi mo, duh! Wala ka palang taste!" patuyang saad ni Atasha na pinaikot pa ang mga mata.
"Pardon me!" matalim ang tinging ibinigay ni Clarence dito. "Mind your manners Miss! Sino ka para sabihan ako nang ganyan? Besides hindi talaga tumatatak sa utak ko ang mga babaing halatang gold digger sa unang tingin ko pa lang."
"Ow! Ouch!" muntik na akong matawa sa reaksyon ni Moira, habang sapo ang dibdib. "Clarence, she's not a gold digger, she's a home wrecker! A Mistress!" tuya no Moira dito sabay binilatan si Atasha.
"How dare you! Bruha kang tomboy ka!"
"Oh my, girl she calls me tomboy." nagpapacute na nilingon ako nito. Saka binalingan ulit si Atasha. "Eh ano naman kung tomboy ko. At hello hindi lahat ng babaing may maiksing buhok tomboy. Intrimitidang kabit!" bulyaw ni Moira dito.
"Zade iniisulto nila ako." Tila batang sumbong nito kay Zade na kanina pa nakatingin sa akin. Kaya't ang lakas ng kabog nang dibdib ko.
"Yuri let's talk!"matiim nitong utos.
"Excuse me, are you talking to my date.Kausapin mo siya after ko siyang maihatid. Wala kang respeto kung ganyan ka Mr. Dela Merced."
"Fvck! Your dating my---" kita kong nagtagisan ang panga ni Zade pero hindi nito nagawang tapusin ang sasabihin.
"Dating your what? Kapatid ka ba ni Yuri? Mukha namang hindi. She's getting her annulment soon kaya, walang problemang makipagdate siya sa akin o sa kahit na sinong lalaking magkagusto sa kanya. Ang tanga lang ng asawa niya. Pinakawalan ang ganitong klase nang babae. He must be stupid, is he?" walang prenong lintaya ni Clarence.
Napapanganga na lang ako sa kombiksyon nitong tila walang kinatatakutan. At kilala rin nito si Zade.
"Wala ka bang kapatid na kasing cool mo, gusto kong maging asawa 'yon." amuse na lintaya ni Moira.
"Excuse me Sir, bawal ho kayong gumawa ng ingay dito sa restaurant." Paalala ng staff na lumapit kila Zade. "Alam n'yong kahit VIP puweding ma-kick-out or even ma ban dito. Please comply with the rules."
"Ayos lang Joe, where just talking here." pag-aassure ni Clarence na kalmado na pero si Zade mukhang nagpupuyos pa rin sa inis. Hindi ko alam kung bakit ito mukhang galit na galit.
"Umalis na nga lang tayo dito!" gigil na saad ni Atasha sabay kabig kay Zade subalit muntik pa itong matumba dahil hindi natinag si Zade.
"Umuwi ka nang maaga, Yuri well talk!" madilim ang matang utos nito bago tumalikod.
"Ang cool mo talaga!" kinikilig na saad ni Moira kay Clarence ng maka-alis na ang mga ito. "Nagulat ako sa message mo ha."
"Magaling kang artista," puri dito ni Clarence. "Okay ka lang ba, Yuri you look pale." baling sa akin nito.
"Oo, ayos lang nagulat lang ako. Salamat sa n'yo."
"Anong piling nang nakakabawi sa mga pahirap sa buhay mo? Masaya diba. Kaya dapat may revenge ka sa dalawang 'yon eh. Lalo na d'yan sa kapatid mong talo pa ang kontrabida sa pelikula."
"Ayaw ko nang isipin pa 'yon."
"Yuri, bakit hindi ka na lang umalis sa bahay nang asawa mo. I can help you if you want." presenta ni Clarence.
"Nakakahiya naman, saka aalis rin naman talaga ako next week, kasi darating ang parents ni Zade. Ayaw ko lang na may masabi pa sila tungkol sa akin."
"Yuri, kailangan ba talaga laging ibang tao pa ang iisipin mo, umalis ka na ako nang bahala sa'yo. May pera ka naman na eh." asar na giit ni Moira.
"Okay lang, nagawa kong magtiis ng matagal na panahon, itong isang linggo lang mabilis na lang 'to. Sigurado naman akong hindi tututol ang pamilya ni Zade sa annulment." nagawa kong sabihin kahit nag-aalala pa rin ako. Konserbatibo ang ina ni Zade at makaluma itong mag-isip, kaya kahit paano baka hindi ito pumayag.
Hindi na ako nakatangi nang ihatid ako ni Clarence sa bahay.
"Are you sure you'll be fine?" nag-aalalang tanong nito. Hindi ko alam kung bakit napaka-concern ni Clarence sa akin. Pero sobrang natutuwa ako sa kabutihan nito kahit unang pagkikita pa lang namin.
"Ayos lang naman ako. Salamat sa paghatid, Clarence." pag-aassure ko dito na ikinabuntong hininga nito.
"Na save mo na ang number ko, alam kong ngayon lang tayo nagkita but you can call me kung magkakaproblema ka. I'm your friend now, right?" Isang tipid na tango lang ang ibinigay ko dito. Bago ako nagpasyang pumasok na sa gate na bumukas naman ng makalapit na ako.
Dala ko ang bulaklak na ibinigay sa akin ni Clarence. Sabi kasi ni Moira, dalhin ko raw pag-uwi ko. Madalim na ang kabahayan pagdating ko. Pero pagkasara ko ng pinto ay saka naman bumaha ang liwanag sa living room.
"Ang sabi ko agahan mo hindi ba?Anong oras na," kalmado pero madiin ang tinig na saad ni Zade. Una kong napansin ng hawak nitong baso na may lamang alak. Pass ten pm na kaya hindi ko inaasahang gising pa ito. Pagkagaling namin sa restaurant ay dumiretso pa kami sa bar, pero sila lang ni Moira ang uminum. May driver naman pala kasi si Clarence kaya okay lang itong uminum. Pero tig-isang bote ng beer lang naman ang inorder ng mga ito at umabot kami ng halos dalawang oras sa pagkukuwentuhan ng kung anu-ano.
Never ko pang naranasan ang ganung kasiyahan. At pakiramdam ko safe akong kasama ko si Clarence.
"Nagbar pa kami." baliwalang sagot ko dito. Aktong lalampasan ko sana si Zade ng mabilis itong tumayo para harangan ang daan ko.
"Kailan ka pa---"kusa nitong ibinitin ng sasabihin. Saka inis na isinuklay ang mga daliri sa buhok nito. "Huwag mong kakalimutang kasal pa rin tayo Yuri, hindi ka puweding makipagdate sa kahit kaninong lalaki para dungisan lang pangalan ko."
"Ano? Ako ba ang dumudungis sa magandang pangalan mo, Zade. Huwag mong kakalimutang nauna kang makipaglandian sa kapatid ko kahit kasal tayo. Kaya wala kang karapatang sermunan ako na parang napakalinis mo. At baka nakakalimutan mong, maghihiwalay na tayo. Kaya huwag kang umastang parang asawang nagseselos."
"Wow, naman Yuri ang lakas nang loob mong sabihin 'yan. Bakit ako magseselos kung hindi ng kita gusto." tila natalas na kutsilyong isinaksak sa akin ni Zade ang mga salita nito dahilan upang mapangiwi ako. Hindi ko kasi mapigilang ang maramdaman ang ganun sa tuwing may sasabihin itong nakakasakit sa puso ko.
"Then stop acting like you are!" pasigaw kong sagot dito. "Kasi sa ginagawa at kinikilos mo parang iyong ang gusto kong isipin. Kaya kahit makipaglandian man ako sa ibang lalaki. Huwag kang maki-alam o magpakita ng galit. Dahil....ayaw kong umasa, Zade"