6: Bagong Kaibigan

1952 Words
6: Bagong Kaibigan "MOIRA, sigurado ka ba dito? Kinakabahan ako sa'yo eh. Baka mamaya kung ano na 'yan eh." Nag-aalalang tanong ko kay Moira habang sakay kami ng taxi. Coding kasi umano ito kaya wala itong dalang sasakyan. Nakalimutan ko na ang tungkol doon sa ipakikilala niya sa aking gusto raw akong makilala ng isang painting enthusiast. At wala akong nagawa kundi ang isuot ang midnight blue dress na ibinigay nito sa akin. Nakamake-up rin ako na hindi ko naman talaga hilig dahil sa pamimilit nito. "Ano ka ba, mabait iyong binatang anak ng Senador. At super hot pa. Pero tandaan mo 'to ha, type ko 'yon." anitong nakanguso na. "Type mo pala bakit mo pa ako ipapakilala?" "Eh kasi nga, para raw nababasa mo ang iniisip niya dahil sa mga paintings mo. Kaya nagmakaawa pa talaga siya sa akin. Napakawalang puso ko naman kung tatangi ako. Pero sympre sinabi kong may asawa ka na. Hindi mo siya puweding magustuhan okay, sa akin na si Baby Clarence ko." nagbabanta ang tingin nito na ikinatawa ko. "Oo na, paano ako magiging interesado sa ibang lalaki kung buntis ako no." naiiling kong saway dito. "Okay nililiwanag ko lang friend." hirit nito. "Kung bakit kasi, buntis ka pero mas sexy ka pa ata sa akin ngayon." "Sexy ka, Moi. Kailangan mo lang ng confidence sa sarili mo. Ikaw ang madalas magsabi sa akin n'yan noon. Bakit di mo i-apply sa sarili mo ngayon." sermon ko dito. "Ewan ko ba, kung ikaw ang kakompitensya ko, insecure ata talaga ako sayo. Ang pretty mo naman kasi no. Tapos blooming ka pa ngayong na nagbubuntis ka, hayst!" "Parang ako ata ang insecure sa'yo diba, nagagawa mo ang lahat ng gusto mo. Masaya ka sa magulang at mga kapatid mo. Wala kang dapat ika-ingit, Moi." "Alam ko naman 'yon. Eh kasi naman si Clarence masyadong eager kang makilala eh. Na love at first sight pa naman ako sa muscles niya. Grabe ang titigas ng muskels niya!" maktol nito. "Tama ka na nga." natatawang saway ko dito. Tipo kasi ni Moira ang mga lalaking may abs at pang model ang datingan. Ilang sandali pa ay huminto na ang taxi sa isang malaking hotel. Kaagad nang nagbayad si Moira saka kami naglakad patungo sa main entrance ng A-Hotel. Pagbungad pa lang mararamdaman at makikita mo na kaagad na pangmayayaman lang ang lugar na 'yon. Sikat na love nest ng mga bilyonaryong couple ang hotel ayon na rin sa kuwento ni Moira. "Finaly nakapasok rin ako dito." mahinang bulong sa akin ni Moira "Ang sosyal ng baby Clarence ko no. Sana pagkinasal kami dito gawin ang reception. Napakaromantic noon." "Sabi mo ang mahal dito diba. Kawawa naman ang Clarence mo gagastos ng malaki sa kasal. Sayang nang pera." "Bilyonaryo naman iyon kaya maliit na bagay lang. Pero iyong asawa mo kayang kaya ka rin niyang dalhin sana dito eh. Sa yaman ng mga Dela Merced." pagkabangit ni Moira kay Zade ay hindi ko maiwasang makadama nang pait. "Sorry, naisip ko lang. Alam mo bagay naman sana talaga kayo ni Zade, pero---" "Moi, huwag na nating pag-usapan 'yan." paki-usap ko dito. "Okay... Pasensya na, halika na nga." Yakag nito. Kaagad kaming binati nang hotel staff para i-welcome kami. As if parang talagang hinihintay kami ang lalaking naka-hotel uniform. "Kuya totoong gold ba 'yan?" usisa ni Moira sa malaking 3D letter A sa may entrance. "Totoong gold dust po ang ginamit bilang pangkulay." may pagmamalaking saad nang hotel staff na Joe ang pangalan sa name plate nito. "Wow! Puwede na sigurong i-take out 'yan. Grabe ilang gold bar kaya ang ginamit d'yan? Ang laki at ang taas eh." lintaya nito pero hindi na nagsalita pa ang hotel staff. Pagdating namin sa restaurant ng hotel ay isang lalaking naka-off white business coat ang naroon. He looks like a calm person pero may kakaibang bagsik ang mga mata nito, but his gaze looks expressive and sincere. Kaagad itong tumayo at ngumiti nang makita kami. "Oh ghad, ang yummy ng baby Clarence ko, para siyang sugo nang D'yos mula sa mga anghel sa kalangitan." tila nangangarap na lintaya ni Moira na kaagad na bumaling sa akin. Dahilan upang mapahinto kami parehas. "Yuri, kaibigan mo ako tandaan mo 'yan ang akin ay akin nakuha mo." Nagbabanta ang tingin nito na ikinatawa ko. "Maliwanag po Madam Moi." pang-aasar ko dito. Buong buhay ko never pa naman ako nagkagusto sa ibang lalaki. At sa sitwasyon ko ngayon wala ako sa posisyon para magkagusto sa kahit na sino. Besides may ipinagbubuntis akong kailangan kong i-priority sa ngayon. And maybe even after the annulment baka hindi ko na rin maisip ang magkagusto sa kahit na sino. Iyon ang ipinangako ko sa sarili ko. "Hi..." ang buo pero malambing na boses ng lalaki ang umagaw sa atensyon ko. "Hello, Clarence this is my artist friend Yuri Ann Montefalco Dela Merced. She's married, I did told you that righ?" hirit ni Moira naikinatawa ni Clarence. "Yeah you did." sagot ni Clarence na saglit na binalingan si Moira. "Please have a seat, ladies." "Thank you," nasabi ko saka nagkanya kanya na kaming upo ni Moira paharap sa lalaki. Kita kong sumenyas ito at isang naka-uniforming lalaki ang lumapit dito. Mukha iyong bodyguard sa tingin ko. May kung anong sinabi ito doon at kaagad namang tumalima ang lalaking bodyguard. "I hope you don't mind na ininvite kita over dinner, I'm really am curious about one of your painting. No actually sa lahat ng paintings mo." formal na bungad nito pero nakangiti naman. "Mind if you tell me how did you get those paintings ideas?" "Ahmm, well. Most of them are from my dreams when I was a kid." pag-amin ko na ikinatingin sa akin ni Moira. I never told her about what's behind the paintings. "Seryoso 'yan?" di makapaniwalang bulalas nito. Maging ako man ay hindi ko alam kung bakit ibinabahagi ko ang mga 'yon sa lalaking ngayon ko lang nakikilala. "Hmm." "You never been to that kind of place?" bakas ang kuryosidad na usisa nito. "No." tipid kong sagot dito. Wala pa akong magandang lugar na napuntahan. Dahil hindi ko natatandaang naisama ako nang parents ko sa isang magandang pasyalan. Kahit nga sa amusement park hindi ako nakapunta noon, until Moira took me there dahil tinanong niya ako minsan kung anong birthday wish ko. Tanda kong tinawanan pa ako nito dahil hindi pa ako nakakapunta sa amusement park. Ilang beses kong hiniling 'yon noon sa magulang ko noong bata pa ako. Pero hindi kailan man natupad. They never celebrate my birthday anyway. Naunawaan ko na nga lang ang tungkol sa birthday ko noong nasa 8 years old na siguro ako. "Panaginip?" anang ni Clarence. "Ang weird naman." Kinuha nito ang tablet mula sa ibabaw ng mesa sa tabi nito. "Look here," sabi nitong inilapag ang tablet sa harapan ko. In an instant ay napahawak ako doon. Dahil ang larawang nasa tablet ay ang mismong lugar sa paintings ko. Takang napatitig ako kay Clarence. "Sa farm 'yan nang Dad ko. Sa Santa Barbara. May vacation house kami d'yan at tuwing summer noon d'yan ako nanatili. And your paintings looks exactly like my playground. Iyong mga makukulit na damo at daisy na tumutubo sa parang. Iyong swing at ang malaking puno nang acasia. Kulang na lang ipinta mo na rin ang batang ako. But you painted the poor girl instead." He slide the screen kaya nakita doon ang anim na paintings ko kung saan pinagtabi-tabi nito 'yon. "Grabe, seryoso ba ito? Kapag pinagdugtong-dugtong mo ang mga painting para ng nga siyang katulad ng nasa larawan niya." di makapaniwalang bulalas ni Moira. "Oh my...paano?" "Hindi ko alam. Siguro dahil gusto kong makapunta sa ganyang lugar kaya ko napapanaginipan." nasabi ko. Hindi ko na sinabi na ako ang batang babae sa paintings. "Pero natutuwa akong nabuo mo ang puzzle paintings ko." totoong saad ko. "Iyong natitirang apat na paitings may kulang pa 'yon diba. Iyon 'yong bundok na makikita sa rooftop ng summer house namin. You painted it as if you were standing at the rooftop. Kaya sobrang kuryos talaga ako sa'yo---ah can I just call you Yuri." singit nito saka muling sumeryoso. "Paano mo nalaman ang mga detalying 'yon. Even my tree house." pakiramdam ko kinikilabutan ako sa mga sinasabi ni Clarence. Parang sinasabi ba niyang ang mga panaginip ko minsan ay totoong lugar at hindi kathang isip ko lamang. "Bakit hindi tapos?" "Kasi hindi ko na nakita iyong bahaging nawala. Iyong mga 'yon lang ang nakita ko sa mga panaginip ko." pag-amin ko. "Grabe, kulang na lang sabihin n'yong may connection kayong dalawa ah." nakangusong saad ni Moira. Mukhang disappointed ito. "Hindi ko alam kung bakit, nasa panaginip ko ang lugar na alam mo. Pero siguro, kasi iyon ang gusto kong puntahan, kapag nalulungkot ako." Walang prenong saad ko. Kung bakit masyado akong open magsalita kay Clarence hindi ko maintindihan. Mukha itong napakaseryosong lalaki pero magaan ang pakiramdam ko dito. Feeling ko puwede kong sabihin sa kanya ang lahat. "Pasensya na, ang dami kong inuusisa sa'yo. I hope you won't mind. Sobrang kuryos lang talaga ako. Lagi kong iniisip na gusto kong ipinta ang lugar na 'yon pero wala akong talent sa ganitong bagay." "Teka sabi mo, naiimagine mo lang iyong mga painting ni Yuri?" nakasimangot na usig ni Moira dito. "Baka lang kasi kako hindi ka pumayag na tulungan ako kapag sinabi kong alam ko ang lugar na ipinipinta ni Yuri." nakangiting saad ni Clarence dito. "Wala naman 'yon, masakit nga lang na parang kayo pala ang soulmate." mahinang bulong nito. "Kung okay lang sa'nyo I can take you both to our summer house." Biglang presenta ni Clarence. "Nakakahiya naman..." tangi ko dito. "Yuri huwag kang mahiya sa akin, isipin mo na lang na ako ang bago mong kaibigan. Saka huwag ka nang maging formal, matured lang akong tingnan pero twenty two lang ako." "What, seryoso ka! Magkakaedad lang tayo." bulalas ni Moira. Alam kong mas gusto nito ang mature na lalaki kaya halatang disappointed ito. Siguro dahil seryosong tingnan ang mukha ni Clarence kaya nagmumukha na itong mature. "Teka nga saglit lang magcr lang muna ako," "Okay, bilisan mo, mamaya ready na ang pagkain natin." bilin ni Clarence dito pero mabilis nang tumalima si Moira. Ilang sandali pa ay dumating naman ang pagkain namin. Pero hindi pa man ako nakakain ay umagaw sa atensyon ko ang dalawang pares na naglalakad papasok nang restaurant. Biglang napahigpit ang hawak ko sa kubyertos ko na ikinatitig sa akin ni Clarence. Ayaw ko man pero hindi ko maiwasang makadama nang ingit habang nakikita ko si Atasha na parang sawa kung makakapit sa braso ni Zade. "Yuri, ayos ka lang ba?" bakas ang pag-aalala sa tinig ni Clarence na lumingon pa sa direksyong tinatahak nang mata ko. " Was that your husband?" usisa nitong ikinatango ko. "Then why are you just staring at them! Hindi tamang hinahayaan mo ang asawa mong kasama nang ibang babae." sermon nito sa akin. "He doesn't care or love me, kaya bakit ko gagawin 'yon. Ako lang rin ang mapapahiya sa huli" sumbong ko dito na para bang matagal na kaming magkaibigan ni Clarence. "Maghihiwalay na rin naman kami." dagdag ko pa. "I see. Okay. Let me handle that. Just focus on me and don't mind them. Ignore him no matter what." seryoso nitong saadna ipinagtaka ko. Ikinabigla ko nang tumayo si Clarence, walking towards the counter. Kung saan naroon sina Zade at Atasha. Kaya't pinili kong maging kalmado at ipukos ang atensyon ko sa pagkaing mukhang napaksarap pero parang hindi ko kayang lunukin. "Nagrequest ako ng flowers for my date, is it ready?" dinig ko ang boses ni Clarence. At pakiramdam ko kinilabutan ako dahil may mga pares nang matang nakatingin sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD