“YAYA, maganda na ba ako? Sa tingin mo matutuwa si Josh sa itsura ko ngayon?” excited na tanong ni Steph kay Yaya Mila. “Oo naman, anak. Ang ganda-ganda mo. Bagay na bagay sa iyo iyang suot mong trahe de boda,” malapad ang ngiting tugon ng matanda. Napatili si Steph sa sinabi ng yaya niya. Ngayon ang araw ng kasal nila ni Josh, ang childhood crush niya na anak ng kaibigan ng kanyang ama. Matagal niyang hinintay ang araw na ito, ang maikasal sa pinakamamahal niya. Si Josh ang first love niya. Sa nakalipas na dalawampu’t isang taon, hindi pa siya nagkagusto sa ibang lalaki maliban kay Josh. Ito lang ang lalaking tangi niyang minamahal. Kahit na noong bata pa siya ay pinangarap na niyang maging Mrs. Sarmiento at maging ina ng mga anak nito. Ngayon na ang araw na pinakahihintay. Kaya ng

