“HEY! AREN’T you going to work today?” Napasulyap si Steph sa kapatid niyang hindi niya namalayang nakalapit na pala sa kanya. Tahimik siyang nakaupo sa swing na nasa garden ng bahay nila. Wala naman siyang ginagawa pero malalim kasi ang iniisip niya kaya hindi niya napansin na nasa tabi na pala niya ang kakambal. “Later pa, Sasha. Mamayang eight pa ang oras ng duty ko,” paglilinaw niya. Napangiti ang kapatid niya saka ito tumabi sa kanya. “Mabuti naman at mamaya ka pa pala papasok,” saad nito. Nakangiting inakbayan niya ang kapatid. “Hindi pa ako umaalis, nami-miss mo na ako. Besides, uuwi din naman ako mamayang four kaya hindi ka dapat malungkot.” “Pero wala ka naman maghapon. Wala na akong kausap. Mag-isa na lang ako rito,” katuwiran ng kambal niya. Ang tagal na hindi niya ito n

