BAGO umuwi ng kanyang bahay si Chris ay tinawagan na niya si Kentt habang nasa loob siya ng sasakyan. Pumayag naman ang kaibigan niya na ang ospital nito ang magka-concuct ng DNA testing. Pero kailangan niyang ihatid na sa laboratory iyong sample ng buhok ni Ella pagkatapos ay may sasama sa kanya na technician para kukuha naman ng sample specimen mula sa magulang ng asawa niya.
Kaya noong pumunta siya sa bahay ng mga magulang ni Dani ay kasama na niya ang technician. Noong una ay ayaw pang pumayag ng papa ni Dani. Ngunit nagboluntaryo na ang mama nito na siyang magbibigay ng sample kaya wala na ring nagawa ang asawa nitong lalaki. Alam niyang galit pa rin sa kanya ang papa ni Dani. Iyong mama lang nito ang medyo lumabot na ang puso. Plano pa nga niya kanina na isama ang mga magulang niya para kumbinsihin ang mag-asawa sa palno niyang gawin. Nagkataon namang umalis pala ang parents niya at may pinuntahan kaya dumiretso na lang siyag mag-isa sa bahay ng mga magulang ng asawa niya. Mabuti na lang pumayag ang mama ni Dani.
“Kailan namin malalaman ang resulta?” interesadong tanong ni Mama Eliza pagkatapos itong makuhanan ng sample.
“More or less two weeks, ma’am,” sagot ng technician.
“Kapag lumabas na si Dani iyong si Ella, babawiin ko sa kanila ang anak ninyo. Ibabalik ko po siya sa inyo. Pangako ko po iyon,” wika ni Chris.
Napaiyak si Mama Eliza. Hindi naman umimik si Papa Romy. Pero napansin ni Chris ang pamumula ng mga mata nito at ilang beses itong kumurap. Sigurado siyang excited na rin ang mga magulang ni Dani na muli itong makita. Kung gaano siya ka-excited ay malamang mas doble pa ang nararamdamang excitement ng mag-asawa.
Habang hinihintay nila ang resulta ng DNA test ay nagpasya si Chris na subukang puntahan muna si Ella. Kailangan niyang makaharap ito dahil mahigit dalawang linggo na niya itong hindi nakikita. Hindi na siya mapakali sa kaiisip dito.
Kaya nang sumunod na araw nag-early out siyasa kanyang opisina para mapuntahan si Ella bago ito magsara ng boutique nito. Pero inabot siya ng matinding traffic sa kalsada kaya pasado alas-singko na nang makarating siya sa Bautista Towers.
Naglalakad pa lang siya patungo sa entrance ay napansin niyang alerto na ang mga guwardiyang naroon. Kung hindi lang niya inaalala si Ella ay baka patulan niya ang mga ito. Alam naman ni Phoenix kung ano ang kaya niyang gawin pero nagtalaga pa ito ng mga guwardiyang kayang-kaya niyang patumbahin. Sana man lang iyong katawan ay kagaya ng mga bouncer sa bar o club para pagpawisan naman siya kung sakali.
“Sir, hindi po kayo puwedeng pumasok rito,” sita ng guwardiya nang lumapit siya sa entrance.
Nagbuga ng hangin si Chris. “Okay kung hindi talaga puwede, hindi na ako magpupumilit. Pero kailangan ninyong tawagin si Miss Ella rito. May kailangan akong ibigay sa kanya. Ipinabibigay ng dati niyang boss, si Lian Noira Estabiilo,” wika niya.
“Kami na lang po ang magdadala kay Ma’am Ella,’ sabi ng isang guwardiya.
Marahas na umiling si Chris. “Hindi puwede. Kabilin-bilinan ng dati niyang boss na iaabot o mismo kay Miss Ella iyong ipinadala niya. Kung ayaw ninyo akong papasukin, tawagin na lang ninyo siya. Maghihintay ako rito,” may diing sabi niya.
Nagkatinginan ang dalawang guwardiya. Umalis ang isa at lumapit ito sa may receptionist. Bumalik din naman ito agad sa kanila.
“Sir, hintayin na lang po ninyo si Ma’am Ella. Nagsasara na po siya ng kanyang boutique,” wika ng guwardiyang bumalik.
“Okay.”
“Pero hindi po kayo puwedeng pumasok dito sa loob. Bawal po kayo rito. Dito na lang po kayo sa labas maghintay,” sabad naman ng kasama nitong guwardiya.
“Fine. Maghihintay ako rito.” Dumistansiya ng ilang metro si Chris. Naaalibadbaran siya sa pagmumukha ng dalawang bantay. Baka hindi siya makapagpigil ay mabigwasan niya ang mga ito. Hindi naman siya basagulero pero sa linya ng trabaho niya sanay na sanay siyang makipagbuno lalo na sa hand-to-hand combat.
Lumipas pa ang limang minuto ay tuluyan na siyang nainip. Kaya muli niyang nilapitan ang mga guwardiya.
“Akala ko ba nagsasara na ng boutique niya si Miss Ella?” usisa niya sa kanila.
“Sir, may kausap lang daw po siya sandali. Bababa na po iyon,” sagot ng isa sa kanila.
Muli siyang umalis pero sa pagkakataong ito ay mas lumayo pa siya sa dati niyang puwesto. Inilabas niya ang cellphone at balak sana niyang tawagan si Lian ngunit bigla naman itong tumunog. Pangalan ni Kentt ang nasa caller ID.
Sinagot niya agad ito. “Hello, Kentt!”
“Hello, Chris! Baka matagaln iyong DNA test na ipinagawa mo. Pero sa oras na may result ana, ipadala ko agad sa iyo.”
“Sure, no problem.”
“Okay. By next week pa siguro lalabas nag resulta.”
“Okay lang, bro. Willing akong maghintay.”
“Glad to hear that. Tumawag lang ako para sabihin iyon. Baka kasi nagmamadali ka.”
“Take your time, bro. Hindi ako nagmamadali.” Kabado lang siya pero ayaw niyang madaliin ang kaibigan sa ipinapagawa niya rito.
“Sige, bye!”
“Bye!”
Eksaktong mag-end call si Chris nang marinig niya ang tinig ni Ella. Ibinulsa niya ang kanyang cellphone at nagmamadaling lumapit siya sa kinaroroonan ng dalaga.
Napansin niyang kausap nito ang dalawang guawardiya at may dalawa pang lalaki na nasa tabi nito. Talaga namang may bodyguard pa pala ito!
“Hello, Miss Ella!” bati niya rito.
Nasamyo niya agad ang pamilyar nitong pabango. Ganito rin ang amoy ng pabangong naiwan ni Dani sa mga gamit nito. Kapag hindi siya makatulog ng gabi ay winiwisikan niya ng kaunting pabango ang kanyang mga unan at kumot ksama na ang bedsheet.
Ngayon ay lalong lumalaks ang hinala niya na ito ang kanyang asawa.
Nilingon siya agad ni Ella. Mabilsi naman ang kilos ng dalawang lalaki na kasama nito. Pumuwesto sila sa pagitan nilang dalawa.
Gustong mainis ni Chris dahil halos matakpan na nila ang kausap niya.
“Hi! May ibibigay ka raw sa akin?” walang kangiti-ngiting saad ni Ella.
“Mayroon nga. Pero puwede bang sabihan mo itong mga aksama mo na tumabi. Nakaharang naman sa atin,” reklamo niya.
Sinenyasan naman ni Ella ang dalawang lalaki na mukhang napilitan pang tumabi.
“Nasaan na iyon?”
“Nasa sasakyan ko,” simpleng sagot niya.
“Kunin mo na. Hihintayin kita rito.”
Napakamot ng kanyang ulo si Chris. “Sumama ka na lang sa akin. Nasa basement pa ang SUV ko.”
“Basement?” nanlalaki ang mga matang tanong ni Ella.
“Oo kasi sa basement ang parking area, hindi ba?”
Umikot ang mga mata ni Ella na lihim niyang ikinangiti. Ang sarap talaga nitong tingnan kapag naiinis. Ganito yata ang pakiramdam niya noong magkasama pa sila ni Dani kaya siguro isa pa iyon sa dahilan kung bakit lagi niyang ginagalit ang asawa niya.
“Okay. Pero ayokong maglakad. Mag-elevator na lang tayo,” wika nito at mabilis siyang tinalikuran.
Akmang susundan niya ito nang harangin na naman siya ng dalawang guwardiya.
“Narinig naman ninyo ang sinabi ni Miss Ella na mag-elevator kami, hindi ba?” naiinis niyang sabi.
“Sorry, sir. Pero hindi talaga kayo puwedeng pumasok dito sa loob. Samahan ko na lang po kayo sa basement. May daanan po sa gilid ng building,” turan ng guwardiya.
Gusto pa sanang magprotesta ni Chris pero nawala na si Ella sa paningin niya. Wala siyang nagawa kung hindi sundan na lang ang guwardiya na lumabas ng building. Hindi naman gaanong malayo ang nilakad nila. Mas maraming steps pa iyong hagdan kung saan sila bumaba. Kung alam lang sana niya ang daan papunta sa basement ay pinatid na niya ang guwardiya. Pero hindi pa rin pala niya puwedeng gawin iyon dahil may mga CCTV na nakatutok sa dinadaanan nila. Lalo lamang niyang binibigyan ng dahilan ang mga Bautista para mas higpitan pa siya sa paglapit niya kay Ella.
Nadatnan na niya sina Ella sa may basement. Nakakunot ang makinis nitong noo nang makita siya.
“Bakit ang tagal mo, Mr. Galvez?”
“Sorry, Miss Ella. Hindi ako pinayagang gumamit ng elevator kaya naglakad na lang ako. Mabuti nga at hindi ako nawala,” paglilinaw niya.
Tinaasan lang siya ng kilay ni Ella saka ito napahalukipkip.
“Nasaan na iyong ipinadala sa iyo ni Lian?”
“Nasa sasakyan ko nga. Halika kunin natin,” sabi ni Chris.
Hindi agad nakakilos si Ella ngunit ang mga kasama nitong lalaki ay biglang humarang sa harapan niya.
“Hindi puwedeng sumama sa iyo si Miss Ella,” seryosong saad ng isa. Halos kasingtangkad lang niya ito pero kalahati lang ang katawan nito kumpara sa katawan niya.
“Okay. Kukunin ko na lang. Basta maghintay kayo rito,” napilitang saad niya.
Hindi na niya hinintay na sumagot pa si Ella. Naglakad na siya patungo sa kanyang sasakyan. Sinadya niyang bagalan ang paglalakad kahit puwede naman niyang bilisan. Okay lang kahit mainis pa sa kanya si Ella. At least hahaba pa ang oras na makakasama niya ito.
Inabot yata siya nang mahigit na limang minuto bago siya nakabalik sa puwesto ni Ella. Nakatayo pa rin ito sa tabi ng puting Ford Focus.
“Here it is. Naiwan mo raw sa CR ng shop ni Lian,” wika ni Chris nang iabot niya kay Ella ang toiletry bag nito.
Akmang kukunin ito ng lalaking kasama nito pero hindi ito binigay ni Chris. Hinintay niyang si Ella ang kumuha nito sa kanya.
“Thank you,” sabi nito nang kunin ang bag.
“Ngumiti kahit kaunti. Para ka namang namatayan diyan. Hindi ka ba natutuwa na naibalik iyang gamit mo?”
Nag-angat ng tingin si Ella. Nang magkasalubong ang mga mata nila ay nginitian siya nito. Napahawak siya tuloy sa kanyang dibdib dahil pakiwari niya ay malalaglag ang kanyang puso.
“Thanks again. Pakisabi na rin kay Lian.”
“Sure.”
Binuksan ng lalaki ang pintuan ng backseat ng Ford Focus kaya pumasok na rin si Ella.
“Good night, Miss Ella. Keep safe!” Sinaluduhan pa niya ito bago siya tumalikod. Kumpleto na ang araw niya. Makakatulog na siya nang mahimbing mamaya dahil kahit paano nagkita na sila ni Ella at binigyan pa siya nito nang matamis na ngiti. Sapat na iyon para sa kanya. Beggars can't be choosy.
Naglalakad pa lang siya pabalik ng kanyang SUV nang marinig niya ang ugong nang paalis na sasakyan. Mauuna pang makauwi si Ella sa kanya dahil malayo ang Bautista Towers sa bahay niya. Tapos aabutan pa niya ang ma-traffic na kalsada. Baka dalawang oras pa bago siya makarating ng kanyang bahay. Hindi bale, malapit na -- malapit nang matapos ang problema niya.
Wait for me, honey. I’m going to take you back, whatever it will cost me!