Chapter 35 - Missing Someone

2296 Words

“NANAY CELIA, naalala pa po ba ninyo iyong halaman na ibinigay sa akin noon ni Chris?” usisa ni Dani sa matandang kasambahay nila. Ito ang nag-alaga sa kanila ng ate niya kaya nakasanayan nilang tawaging nanay. “Halaman? Ano’ng halaman iyon?” kunot-noong tanong din nito. Hindi alam ni Dani kung ano ang tawag sa halaman na iyon. Ang alam lang niya ay may bulaklak iyon na pink ang kulay. “Ewan ko po kung anong klaseng halaman iyon. Basta dala-dala iyon ni Chris nang minsan na dumalaw siya rito.” Sumeryoso ang mukha ng matanda. “Naku! Kung galing pala iyon sa asawa mo malamang wala na iyon. Naitapon na sa basurahan.” Pinalakihan niya ng mata ang matndang kausap. “Ano? Itinapon ninyo? Bakit?” Umismid si Nanay Celia. “Ay! Nagtanong ka pa talaga, ineng! Hindi ba’t lahat naman ng ibinibigay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD