NAPAAWANG ang labi niya nang mapansin si Chris na ilang hakbang lang ang layo sa kanila. Sa may bandang likuran nito ay naroon sina Aicee, Kricel, at PJ. Hindi magawang sumagot ni Dani. Ngunit nakaramdam na siya ng takot nang mabasa niya sa mukha ni Chris ang matinding pag-aalala. Halos tatlong buwan din niya itong hindi nakita. Guwapo pa rin ito kahit na mukhang pumayat ito at lumalim ang mga mata nito. Parang kinulang sa kain at tulog ang asawa niya. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nakaramdam ng tuwa at takot ngayong nakita niya ito. Nami-miss niya ito kaya natutuwa siyang makita ito ngayon. Pero natatakot naman siya sa nababasa niya sa mukha at mga mata nito. “Sabihin mo kung ano ang kailangan mo at ibibigay ko, basta pakawalan mo lang siya,” pakiusap ni Chris sa mababang

