Chapter 27 - The Doubts Are Getting Clearer

1585 Words
KANINA pa tinititigan ni Chris ang singsing na hawak niya. Sa tuwing humihinto ang SUV niya dahil sa nata-traffic o kaya pula ang ilaw ng traffic light inilalabas niya ang kanyang kuwintas kung saan ang wedding ring ni Dani ang ginawa niyang pendant. Sayang at hindi niya suot ang kuwintas noong huling magkita sila ni Ella. Naipakita niya sana ito sa dalaga dahil kahawig talaga ito ng singsing na suot ni Ella. Ipinaayos niya kasi ang kuwintas dahil may naputol na chain. Kahapon lang niya nakuha iyong kuwintas kaya hanggang tinititigan pa rin siya. Iniisip niya kung may pagkakaiba ang dalawang singsing. Pero kahit anong titig ang gawin niya rito, wala siyang makita pagkakaiba ng dalawa. Hindi simpleng wedding band ang ipinagawa niya para sa kanila ng asawa niya. Matagal na niyang naioagawa ang magkapres na singsing. Nasa SEAL pa siya noon. Balak naman niya kasi talaga na mag-asawa at bumuo ng pamilya noon pa man. Kaya nga inuna niyang ipagawa iyong singsing kay Jerome kahit naghahanap pa lang siya ng bride noon. Nangako naman ang kaibigan niya na i-a-adjust iyong singsing kung sakali man na masikip o maluwag ito sa bride niya. Sigurado siyang walang kahawig ang singsing na ipinagawa niya dahil siya mismo ang gumawa ng design na sinundan lang ni Jerome. Kaya hindi niya lubos maisip kung paanong nagkaroon ng kahawig ang singsing na ibinigay niya kay Dani. Pupunta nga siya ngayon sa main branch ng Santillan Jewels para kausapin si Jerome tungkol dito. Nang makarating siya sa tindahan na pagmamamay-ari ni Jerome ay agad siyang pinapasok ng guwardiya nang ipakita niya ang kanyang gold card na bigay mismo ni Jerome na CEO ng Santillan Jewels. Lahat silang magkakaibigan ay may hawak na ganoong card para makapasok sila anytime sa lahat ng branches ng jewelry shop nang hindi na nila kailangang magpakita pa ng ID o kaya bank credit o debit card. Inihatid pa siya ng receptionist sa mismong opisina ni Jerome na inabutan naman niyang may kausap sa cellphone nito. Nang makita siya ni Jerome ay sinenyasan siya nitong umupo sa visitor's chair. Pagkaupo niya ay eksakto namang ibinaba ni Jerome ang hawak nitong cellphone. "Pasensiya na, Hailstone. Kinukulit kasi ako ni mommy. Kung ano-ano ang sinasabi niya. Hinahanapan ako ng apo gayong dalawa na nga ang apo niya kay Kuya Dave. Gusto naman daw niya ng apo na galing mismo sa akin. As if naman, kasing dali lang ng paggawa ng alahas iyong sinasabi niya," nagpapalatak na kuwento ni Jerome. "Nasaan na ba kasi iyong bride mo, Lightning? Akala ko ba ikakasal ka na." Naalala ni Chris na may girlfriend ito na Anelique yata ang pangalan. Hindi niya kilala personally dahil hindi pa niya ito nakikita. Naririnig lang niya sa kuwento ng mga kaibigan niya kaya pamilyar sa kanya ang pangalan ng girlfriend ni Jerome. "Akala ko rin, bro. Pero it's not meant to be. Huwag na lang nating pag-usapan ang lovelife ko. Hindi naman siguro iyon ang ipinunta mo rito, ano? May ibang dahilan kaya ka nandito, hindi ba?" Tumango si Chris saka niya hinubad ang suot niyang kuwintas. "Can you still remember this ring?" tanong niya nang ibaba sa harapan ni Jerome ang kuwintas niya. "Of course! May soft copy ako ng lahat ng alahas na ipinapagawa sa akin lalo na kayo na mga kaibigan ko. Bakit mo naitanong?" "May nakita kasi akong kahawig ng wedding ring na iyan. Posible bang may iba ka pang ginawang singsing na ganyan ang design?" Napakunot ang noo ni Jerome saka ito marahas na umiling. "Imposible iyang sinasabi mo, Hailstone. Hindi ako gumagawa ng magkaparehas na design sa mga wedding ring ng mga kaibigan ko at mga kamag-anak. Isang set lang ang ginagawa ko bawat design kaya hindi mangyayari ang sinasabi mo." Napa-buntunghininga si Chris. "Paki-check mo nga iyang wedding ring ng asawa ko kung iyan nga iyong ginawa mo. Baka fake naman iyang ibinalik sa akin." "Ibinalik? Paanong ibinalik? I mean, ano'ng ibig mong sabihin? Nawala ba ito ng asawa mo?" "Hindi naman. Pero bago nalagutan ng hininga ang asawa ko, ibinigay daw niya iyang singsing niya sa mag-asawang tumulong sa kanya noon at nagbilin siyang ibalik sa akin. Kaya 'ka ko, baka hindi na iyan iyong singsing niya. Baka pinalitan nila dahil nalaman nilang mahal pala." Napapailing na nagpapalatak si Jerome. Kinuha nito ang singsing mula sa kuwintas niya. Pagkatapos ay nagbukas ito ng laptop. Ilang sandali pa ay bigla na may nagbi-blink na pulang ilaw mula sa singsing. "Genuine ito, Hailstone. Ito talaga iyong ipinagawa mong singsing kasi may tracker sa loob nito. Lahat ng wedding ring ninyo na mga kaibigan ko ay nilagyan ko ng tracker para madaling hanapin ang mga asawa ninyo kung sakaling magkaproblema," paliwanag ni Jerome. Shit! Bakit ba niya nakalimutan iyon? Ilang beses nang nasabi ni Jerome ang bagay na ito pero nawala sa isip niya. Dapat pala noong hinahanap niya si Dani ay nagpatulong siya rito. Sayang! Baka inabutan pa niyang buhay ang asawa niya kung hinanap niya agad ito. Gusto niyang pagsasampalin ang sarili niya dahil sa kanyang katangahan at kagaguhan. "Kanino mo ba nakita iyong singsing na kapareho nito?" tanong ni Jerome nang ibalik nito ang kuwintas niya. Isinuot muna ni Chris ang kuwintas bago niya sinagot ang kaibigan. "Hindi ko alam kung maniniwala ka. Pero nakita ko iyong kahawig nitong singsing na suot ng pinsan nina Jed at Phoenix." "Pinsan? Sino?" "Si Daniella Bautista. Kilala mo ba siya?" Hindi sinagot ni Jerome ang tanong niya. Iba ang lumabas sa bibig nito. "Babae? Hey! Wala namang pinsan na babae ang mga Bautista, ah. Kababata ko si Lexter at wala siyang nababanggit na may pinsan silang babae. LIma lang sila at pare-parehong lalaki. Unless... may isa sa mga ama nila ang may anak sa labas at nagkataong babae iyon. Pero napakaimposible, Hailstone. Kung may pinsan na babae si Lexter, dapat naikuwento na niya iyon sa akin," napapailing na saad ni Jerome. Sumasakit lalo ang ulo niya sa naririnig mula kay Jerome. "Kailan ba kayo huling nagkita ni Lexter? Baka nakalimutan lang niyang magkuwento sa iyo. O kaya matagal na kayong hindi nagkikita." "Hailstone, last week lang kami nagkausap at nagkita. Nagpagawa siya ng isag set ng hikaw para sa asawa niya. Siya mismo ang nagpunta rito sa tindahan. Ang tagal pa naming nag-usap kasi nga matagal din kaming hindi nagkita. Pero wala talaga siyang nabanggit na pinsan niyang babae." What the hell! Ano bang nangyayari? Sino ang nagsisinungaling? "Sigurado ka, Lightning? Kasi nakita ko, si Lexter mismo ang sumundo sa pinsan niya doon sa shop ni Lian. Nagalit pa nga siya sa akin at sinuntok niya ako. Pinagbantaan pa ako na pasasabugin ang ulo ko kapag lumapit pa ako ulit sa pinsan niya." "Ano? Ginawa niya iyon? Hindi naman gano'n ang kaibigan ko, ah. Malamig ang ulo niya at mahinahon siyang tao. Mas mabait nga lang sa kanya si Phoenix." "Hindi ako nagkakamali, Lightning. Hindi ko makalimutan iyong sinabi niyang iyon," pamimilit ni Chris. "Pati sina Jed at PJ ay galit din sa akin dahil sa pinsan nila. Hindi nga rin ako imbitado sa party ni Phoenix kahit lahat kayo ay inimbitahan niya." Kumurap ng ilang beses si Jerome saka ito umayos sa pagakakaupo. "There must be something wrong, Hailstone. Kausapin mo na lang kaya si Phoenix. Baka may alam siya na dapat mo ring malaman." "Paano ko gagawin iyon kung sa party pa lang niya ay hindi na niya ako inimbitahan?" "Madali lang iyon. Puwede ka namang sumabit sa amin." Napailing si Chris. "Paano kung doon magkagulo?" Napangiti si Jerome. "Hindi mo ba sila kaya? Kailangan mo pa ba ng tulong namin? I'm sure hindi ka lalabanan ni Phoenix. Malay mo, baka umawat pa iyon." "Pero kamag-anak niya ang involve rito. Iyong mga pinsan niya mismo ang tinutukoy ko." "Kahit na. Kung nasa katuwiran ka, hahayaan ka ni Phoenix. Maliban na lang kung ikaw ang mali, baka siya pa ang unang susuntok sa iyo." "Paano mo naisip na maaaring gano'n ang mangyayari?" nagtatakang tanong ni Chfris. "Well, pinagtagpi-tagpi ko lang ang mga kuwento mo. Ang sabi mo, may suot na singsing ang pinsan na babae ng mga Bautista. Iyong singsing na iyon ay kapareho ng singsing ng asawa mo. Kung nasa iyo ang genuine, malamang fake iyong suot ng pinsan ni Lexter. Tapos galit silang magpipinsan sa iyo dahil sa babaeng iyon. Iniisip ko na baka may alam ang babaeng iyon tungkol sa asawa mo. O kaya naman, baka hindi talaga namatay ang asawa mo. Baka nagbago lang ng anyo o pangalan." Napangisi si Chris. "Thanks, Lightning. Akala ko, ako lang ang nag-iisip ng ganyan. May kasama pala ako. Sana huwag ninyo akong iwan sa ere kung sakaling magkagulo kami ng mga pinsan ni Phoenix." "Of course! Kakampihan kita basta nasa katuwiran ka. Pero kung may mali kang magawa, hindi mo ako maasahan. Hailstone." "That's okay, Lightning. Kumpiyansa naman ako na tama iyong hinala nating dalawa. Kung magkamali man tayo, susundin ko ang kagustuhan nilang magpipinsan na iwasan ko si Ella. Ang gsuto ko lang naman ay malaman kung ano ang totoo. Nahihirapan na akong mag-isip. Sumasakit na ang utak at puso ko. Litong-lito na ako sa mga nangyayari." "Hindi kita maintindihan, Hailstone." Napilitang magkuwento si Chris ng mga encounter nila ni Ella. nang matapos siya ay nangako ang kaibigan niyang kakausapin nito si Lexter at kukuha ng ilang impormasyon. Nagpasalamat naman siya na handa itong tumulong sa kanya kahit pa bestfriend nito ang pinsan na iyon ni Ella. Sana nga lang hindi magkamali ang hinala niya, hinala nila ni Jerome.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD