Chapter 8 -My Maid

1537 Words
“PASENSIYA na kayo, ma’am. Napag-utusan lang po ako ni Sir Chris,” saad ng yaya ni Chris habang inilalagay nito sa maleta ang mga damit niya. Pinilit ni Dani na ngitian ang matanda. Alam niyang darating ang araw na ito na paalisin siya ni Chris sa sarili nitong kuwarto. Dumating na rin sila sa punto na ayaw na nitong kaharap siya sa hapag-kainan kaya wala na siyang magagawa pa. Pero kahit gaano pala niya inihanda ang sarili sa ganitong pangyayari, may epekto pa rin sa kanya. Parang hinihiwa ng kutsilyo ang puso niya. Ang sakit sa dibdib. “Huwag po kayong mag-alala. Hindi po ako galit sa inyo. Naintindihan ko po kayo,” wika niya. Tinulungan na rin niya ang matanda para mapabilis ang pagliligpit nito ng mga gamit niya. Hindi niya talaga lubos maisip na ang isang katulad ni Chris ay ganito kasama ang ugali. Hindi naman masama ang ugali ng mga magulang nito kung ang pagbabasehan ay ang mga kuwento ng mga magulang niya. Kaya nga pumayag ang mama niya sa kagustuhan ng papa niya na ipakasal ang kanyang ate kay Chris dahil naniniwala mapapabuti ang kalagayan ng kapatid niya. Pero bakit ganito ang pagtrato sa kanya ni Chris? Ano ang kasalanan niya rito? Dahil lang siya ang pumalit sa puwesto dapat sana sa ate niya? May gusto ba ito sa kanyang ate? O sadyang ayaw lang nito sa kanya? Ngunit anuman ang dahilan nito, hindi na niya gustong alamin pa. Wala namang magbabago kahit malaman niya ang totoo. Mahirap baguhin ang ugali ni Chris. Isang buwan na siya sa piling nito at habang tumatagal ay lumalala ang ipinapakita nitong ugali sa kanya. Parang wala siyang nakikita na pag-asang magbago ang trato sa kanya ng asawa niya. Hindi naman siya puwedeng umalis na lang dahil nag-aalala siya para sa kapatid niya. Baka kapag umalis siya, ipahanap ang Ate Kara niya. Ang masama pa nito baka magwala ang papa niya kapag ginawa niya iyon. Hindi lang ang ate niya ang mapapahamak, madadamay si Chris at ang pamilya nito dahil iispin ng mga magulang niya na kinawawa nga siya ng asawa niya. Hangga’t maari ay ayaw niyang magkagulo ang mga magulang nila ni Chris. Alam niya kung gaano kalalim ang pagkakaibigan ng papa niya at ng ama ng kanyang asawa. Hindi niya gustong masira ang pagkakaibigang iyon dahil lang sa kanilang dalawa ni Chris. Isa pa’y may gusto rin naman siya sa asawa niya kaya nga para sa kanya blessing in dkahihinatnan ng buhay niya sa piling ni Chrisisguse ang ginawang pagtakas ng ate niya sa kasal nito. Iyon nga lang hindi niya lubos akalain na ganito pala ang kahihinatnan ng buhay niya sa piling ni Chris. Siguro kung hindi lang niya mahal si Chris baka umalis na siya. Nilayasan na sana niya ito. Sana hindi na siya umabot pa sa puntong iyon. Sana bago siya tuluyang sumuko o mapagod ay nagbago na ang pakikitungo sa kanya ni Chris. Pagkatapos nilang mailigpit ang mga gamit niya, sinamahan siya ng yaya ni Chris sa kanyang bagong kuwarto. “Ito na po ang magiging kuwarto mo, ma’am. Sana magustuhan mo. Kapag may gusto kang ipaayos o ipabago rito, sabihin mo lang sa akin at ipapagawa ko,” bilin ng matanda. Napangiti si Dani sa yaya ni Chris bago niya iginala ang paningin sa buong kuwarto. Mas maliit ito kumpara sa kuwarto ni Chris. Pero kumpleto pa rin naman sa gamit. Bukod sa queen size na kama, built-in-closet, at aircon, may dalawang side table pa, sofa set, study table, at bookshelf. Mayroon din itong sariling banyo. “Okay na po ito sa akin. Huwag na po kayong mag-alala pa. Wala na akong ibang hihilingin pa.” “Naku! Salamat naman po at nagustuhan mo, ma’am. Iiwan na kita rito. Tatawagin ko na lang si Ena na tulungan kang mag-ayos ng gamit mo.” Marahas na umiling si Dani. “Huwag na po, yaya. Kaya ko na po ito. Hindi na po ninyo kailangan abalahin pa ang ibang tao. Ako na po ang bahala sa mga gamit ko.” Nakakahiya namang magpatulong pa siya sa maid para lang ayusin ang sarili niyang gamit. Hindi naman masyadong marami ang mga dinala niyang gamit na kailangan pa niya ng tulong ng ibang tao para ayusin ito. Kakaunti lang ang dinala niya noong sumama siya kay Chris sa bahay na ito. Parang may premonition na siya noon na magkakaproblema ang pananatili niya rito. Kaya siguro hindi siya nag-abalang dalhin ang lahat ng gamit niya rito. Mas marami pa siyang iniwan sa bahay nila. “Sigurado ka ba riyan, ma’am? Wala namang gaanong ginagawa si Ena ngayon kaya puwede ka niyang tulungan,” pamimilit ng yaya ni Chris. Muling umiling si Dani. “Hindi na po kailangan, yaya. Kayang-kaya ko na po ito.” “O, sige, kung iyan ang desisyon mo. Magpapahatid na lang ako ng miryenda mo habang nag-aayos ka.” “Salamat po, yaya.” Tinanguan siya ng matanda bago ito lumabas ng kuwarto. Nang gabing iyon ay dito na nga sa bagong kuwarto niya natulog si Chris. Nang sumunod na mga araw ay hindi na niya nakita pa si Chris. Sinasadya niya kasi na late na kung lumabas ng kanyang kuwarto para hindi niya maabutan sa dining room ang asawa niya. Pagdating naman sa gabi ay maaga siyang kumakain ng hapunan para hindi na sila magpang-abot ni Chris. Kahit paano ay naging maayos naman ang lahat kahit hindi sila nakikita ng kanyang asawa. Ang ginagawa na lang niya kapag gusto niyang masilayan man lang ang pagmumukha ni Chris ay inaabangan niya ang pag-alis nito sa umaga at pagdating nito sa gabi. Pumupuwesto siya malapit sa bintana ng kuwarto niya dahil kitang-kita niya roon ang garahe kung saan nakaparada ang sasakyan ng asawa niya. Mula sa bintana ay nakikita niya ang pagsakay at pagbaba ni Chris mula sa SUV nito. Kahit paano ay masaya na siya kahit sa ganoong paraan lang niya nakikita ang kanyang asawa. Kumpleto na ang bawat umaga at gabi niya. Ganoon na siguro siya kadesperada kaya kahit mukha na lang ng asawa niya ang kanyang makita sa araw-araw ay sumasaya na siya. Akala niya noong una ay okay na siya sa ganitong set-up. Pero minsan dumarating din pala iyong pagkakataon na masusubok din ang kanyang katatagan. Eksaktong isang buwan pagkatapos siyang paalisin ni Chris sa kuwarto nito ay nagulat na lang siya nang umuwi ito na may kasamang babae. Hindi sana niya iyon bibigyan ng pansin kung hindi lang nakakapit na parang tuko ang babae sa braso ng asawa niya. Uminit ang sulok ng mga mata niya sa kanyang nakita. Napahawak din siya sa kanyang dibdib dahil pakiwari niya malalaglag ang puso niya. Akala niya hindi na siya kayang saktan ni Chris dahil hindi na nga sila nagkakaharap sa nakalipas na isang buwan. Pero nagkamali pala siya. Hindi siya halos nakatulog ng gabing iyon dahil sa kaiisip kung ano ang pinaggagawa ni Chris at ng babaeng kasama nito. Gusto sana niyang lumabas ng kanyang kuwarto para sumilip sa labas ngunit natatakot naman siya. Kinabukasan ay medyo namamaga ang mga mata niya nang magising siya. Akala niya ay nakaalis na si Chris dahil late na siyang bumangon. Ngunit laking gulat niya nang madatnan pa niya ito sa dining room at pati ang kasama nitong babae kagabi. Balak sana niyang umatras at hindi na tumuloy ngunit napahinto siya sa binabalak nang mapalingon sa kanya ang babae kasama ni Chris. “Babe, sino siya?” malamyos ang tinig na tanong ng babae habang nakatingin sa kanya. “Sino?” agad na tanong ni Chris. Itinuro siya ng babae. Hindi agad nakasagot si Chris. Para namang itinulos na kandila si Dani sa kanyang kinatatayuan. Ilang hakbang pa ang layo niya sa mesa ngunit pakiwari niya ay parang may apoy sa tabi niya. “Ah, maid dito sa bahay. Huwag mo na lang siyang pansinin,” sagot ni Chris habang nakatingin nang matalim sa kanya. Animo’y nawalan ng puwersa ang mga pa ani Dani sa narinig. Gusto niyang tumakbo palayo pero hindi niya magawang humakbang man lang. Mabuti na lang at napansin siya ng yaya ni Chris. Nilapitan siya nito at hinawakan sa kamay. “Doon na lang po tayo sa kusina. Magpapahanda ako ng pagkain ninyo,” pabulong nitong sabi. Tumango na lang siya. Nang mapadaan siya sa tabi nina Chris ay lakas-loob siyang bumati sa mga ito. “Good morning po,” mahinahong sabi niya. Tinaasan lang siya ng kilay ng babae samantalang hindi naman siya pinansin ni Chris na para bang hindi siya nito nakita. Nanatili siyang nakataas ang noo hanggang hindi siya lumagpas sa kinauupuan ng dalawa. Nang makarating sila sa kusina ay nanghihinang napaupo siya sa island counter. Napayuko siya nang marmdaman niyang tumulo ang kanyang luha. Agad naman siyang tinapik sa likod ng yaya ni Chris. Mabuti na lang at dadalawa silang naroon. Nakakahiya lang ang rekasyon niya. Dani, nagseselos ka ba sa babaeng iyon? Hindi bale mas maganda ka naman kaysa sa kanya. Maputi lang iyon pero hindi naman kagandahan ang mukha at katawan. Ang sama ng taste ni Chris! Hayaan mo na siya. Hindi naman niya maagaw ang asawa mo. Ikaw kaya ang legal wife at hindi ang ibang babae kaya tumahan ka na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD