NAGISING si Dani sa sunod-sunod na katok sa pintuan niya. Kinusot niya ang kanyang mata saka siya bumangon. Nang buksan niya ang pintuan ay tumambad sa kanya ang isang maid. “Good morning po, ma’am! Ipinapatawag po kayo ng mama ninyo. Kain na raw po kayo. Kanina pa po naghihintay si Sir Chris,” wika nito. Tumaas ang isang kilay ni Dani. Ang aga pa lang ay nandito na ang asawa niya. “Sige, susunod na ako,” napilitang sagot niya. Sa totoo lang ayaw niyang makita o makaharap man lang si Chris. Baka makalimutan niyang galit siya rito. Kung bakit naman kasi mas lalong naging guwapo ito sa paningin niya ngayon. Ganoon ba talaga kapag tumatanda ang mga lalaki? Lalo silang nagiging matikas. Baka bigla na lang siyang bumigay kapag makaharapa na naman niya ito. Kaya nga siya nagpalit ng mukha

