NANG araw rin na iyon ay napilitang sumama si Dani kay Chris. Hindi niya gustong masaktan ang mga taong kumupkop at tumulong sa kanya na nakalipas na taon kaya pumayag siyang sumama rito. Kilala niya si Chris, hindi ito mangingiming manakit ng tao kapag ginusto nito. Patunay iyong naging karanasan niya noong nagsasama pa sila. Kahit sabihin pang kaibigan ito ng Kuya Phoenix niya, natatakot pa rin siya para sa Lolo Januario at Lola Beatriz niya. Pero nang nasa loob na sila ng sasakyan nito ay hindi sila nag-iimikan. Ayaw niyang kausapin ito. Ni ayaw nga niyang sulyapan. Sumasakit pa rin ang dibdib niya hanggang ngayon kahit matagal nang panahon ang lumipas. Hindi pa rin niya makalimutan iyong sakit na pinagdaanan niya sa piling ni Chris. Minsan napapanaginipan pa nga rin niya iyong gabing

