KINABUKASAN maagang umalis ng bahay si Chris. Habang nasa daan siya ay sinubukan niyang tawagan si Phoenix. Pero nagri-ring lang ang cellphone nito. Kagabi pa niya ito tinatawagan ngunit hindi nito sinasagot ang atwag niya. Kaya alas-singko pa lang ng umaga ay umalis na siya ng bahay dahil may kalayuan ang bahay ng kaibigan niya. Kailangan niya itong makausap bago siya humarap sa pamilya nito. Baka puwede pang madaan sa maayos na usapan iyong tungkol sa sitwasyon nila ni Ella o ni Dani. Kakausapin muna niya si Phoenix tungkol dito. Kapag hindi siya tinulungan ng kaibigan niya ay haharapin na talaga niya ang mga pinsan nito para matapos na ang problema nilang mag-asawa. Eksaktong alas-sais na nang makarating siya sa bahay nina Phoenix. Tulad ng dati, ayaw na naman siyang papasukin ng mga

