Pinagmasdan ni Erron si Amillah pero ang mga titig ng binata ay pilit iniwasan ng dalaga kaya hinawakan ni Erron ang mukha nito. "Sabihin mo sa akin kung ako ba ay mahal mo dahil kung Oo sagot mo ay hindi na kita pakakawalan pa!" ani Erron na tinitigan nang mapang-akit ang dalaga nang hindi ito sumagot kaagad sa kan'ya. May mga luhang tumulo rito sa mata ng dalaga at dahil doon bigla binitiwan ni Erron ang mukha nitong dalaga. "Huwag mo nang pahirapin pa ang sitwasyon natin dahil noon at ngayon ay walang naiba, magkapatid pa rin tayo sa mata ng diyos at sa mata ng tao!' "Please Erron, lumayo ka na sa amin ng mga anak mo. Ayaw ko nang maulit na muli ang mga nangyari sa mga anak mo noon!" "Ako ay nagagalak dito sa regalo mo na bahay at nagpapasalamat ako sa iyo, dahil sa totoo lamang

